Almost is Never Enough

176 6 11
                                    

Ariane POV:

"Mahal na po kita..." bulong ko sa hangin habang tinititigan ko siyang masaya sa di kalayuan.

"Kaso alam ko naman na hindi ako ang mahal mo."

Napapailing nalang ako. Bakit kasi hindi nalang ako ang mahal mo? Sana ako nalang. Kasi ako, mahal na mahal kita. Kaso ang manhid-manhid mo! Wala ka atang puso e. Puro lang ata atay at balun-balunan laman ng katawan mo.

"Ariane pangit!" sigaw niya. "Tara dito dali..." sabay ngiti.

Isa pa. Isa pa dali. Isang tawag pa at lilingon na ako. Promise! Honesto noh!?

"Hoy! Ganda. Tara na kasi dito." sigaw niya ulet at todo ngiti na this time!

This! Parang nagf-float ako in mid-air. Ang cute niya ngumiti. Ang cute ng gestures niya. At ang honest niya ha, infairness. Hindi niya sinasadya pero araw-araw niya akong pinapakilig. Araw-araw niya akong hinuhulog sa tindi ng gravity niya. Medyo masakit kaso todo kapit naman ako. Tanga lang diba pero masaya ako.

Lumapit na siya sa akin. Nagpapa-cute. Kung alam niya lang. EFFORTLESS! Kahit konting ngiti lang, tunaw na tunaw na ako.

"Sige lang. Mag-enjoy ka lang dun!" sabi ko sa kanya habang hinahatakin niya ang kamay ko.

"Ang KJ mo." sabay puppy face. "Pumunta nga ako dito para mag-enjoy kasama ka tapos di mo ko dadamayan dun. Unfair!"

"Makita lang kita masaya, ok na sa akin..." bulong ko ulit sa hangin. tss, this is becoming a habit.

"huh?" tanong niya.

"Nag-oorasyon ka na naman diyan. Samahan mo na kasi ako. please!" tapos ngiti na naman siya.

"Sige na nga..."

I just smiled at sumabay sa flow. In short nagpahatak nga ako sa kanya. Kinikilig ako. Pero dapat hindi niya mahalata para masaya. Kaya eto ako, best actress lang ang peg.


Nate POV:

This is the best day. Ang ganda ng panahon, I'm enjoying myself at higit sa lahat, kasama ko ang pinakamamahal kong best friend. And probably, ito na rin ang last. Kaya nga dapat sulitin ko na toh diba?

"Ganda, ano gusto mo kainin?" tanong ko. extra-gentle ako ngayon kasi aalis na ako at hindi pa rin niya alam yun.

"Huh? Kain? Akala ko ba dun tayo sa tinatayuan mo kanina?"

"Oo. Kain muna tayo." sagot ko sa taning niyang sagot sa tanong ko. "Gutom na ako e."

Ngumiti lang siya. Muntikan na akong mag-froze. Ang ganda niya kaso abnormal lang talaga. Pero kahit ganyan yan mahal ko yan! :) x) Kung pwede lang sana wala nang good byes e. kung pwede lang sana di nalang ako umalis. Kung pwede lang sana dito nalang ako. Hayy, kung pwede lang talaga kaso...

"Ok..." si Ariane ngumiti lang.

Hayy. Mami-miss ko talaga itong babaeng to. Just the thought of it makes me want to stay forever. Kaso (na naman) wala naman talagang forever, diba?

At andito na nga kami sa pinaka-gusto niyang fast food chain na itatago nalang natin sa pangalang KFC. Umorder na kami at pinauna ko na siya sa table.

Almost is Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon