Had you ever fall in love ?
Had you ever experience your first heartbreak ?
Had you ever tried to quit on something just for her/him ?
Had you ever tried to sacrifice yourself just for her/his sake?Being inlove is one of the best feeling ever. Yes, sobrang sarap magmahal, subalit sobrang sakit din kapag iniwan ka ng iyong minamahal.
In this cruel word mahirap sabihin kung sinong mananatili at aalis sa buhay mo, mahirap dumepende sa isang bagay o sa isang tao, mahirap masanay na laging andyan para sayo ang isang tao. Walang permanente dito sa mundo,lahat umaalis, lahat iiwan ka. Mahirap magtiwala at mahirap ding maniwala.
At the end of the day sarili mo lang ang aasahan mo.----
Ting" tunog ng pintuan hudyat na may pumasok na bagong customer. Isang matangkad at morenong lalaki ang pumasok kasamsa ang isang babaeng maputi at maganda ngunit hindi gayong katangkaran na ka-holding hands niya. Agad silang kumuha ng kanilang bibilhin at dumeretso na sa counter at binayaran at agad din namang umalis.Im Chris Verzosa, 19 year old nag aaral sa isang public University. Hindi ako yung tipo ng estyudyanteng rich kid na may magandang kotse, magandang bahay at may mga katulong. Nagtatrabaho ako dito sa isang convenience store bilang isang cashier. Kailangan kong tustusan ang sarili kong pangangailangan because I don't have a family anymore. Well meron pa naman pero simula ng nangyari iyon, tinatak ko na sa isipan kong wala na akong pamilya at nag iisa nalang ako sa buhay. Sa totoo lang, mahirap maging independent, mahirap yung wala kang pamilyang malalapitan, lalo na sa mga panahong kailangang kailangan mo sila ee wala sila at walang dadamay sayo.
Malapit ng matapos ang shift ko kaya pumunta na agad ako sa locker room upang makapag palit, dumating na rin naman ang papalit sakin at sinabihan akong okay lang kahit na umalis na ako ng maaga.
"Salamat naman at natapos na ang boring na araw na to psh!"
Matapos kung magpalit ay umuwi na ako, at sa wakas makakapagpahinga na rin, wala akong oras sa pagpapasarap ang priority koay ang trabaho ko, kailangan kong mag-ipon para sa next sem may pang tuition ako.
Walking distance lang naman ang bahay ko mula dito sa pinagtatrabahuan ko kaya hindi na ako sumasakay, pupwede namang sumakay pero nagtitipid ako dahil bayaran naman ng kuryente tubig at bahay, pati yung groceries ko malapit na ring maubos.
Pagkarating ko, agad akong sinalubong ni Jack, sya ang aso ko ang breed niya ay great pynerees niregalo sakin ni Jo last year noong 19th bithday ko dahil wala daw akong kasama dito para may nagbabantay daw sa akin.Pagkapasok ko ay binigyan ko ng pagkain si Jack, at pumunta sa kwarto ko at nahiga. Ipinikit ko ang mata upang makapag pahinga muna sandali. Subalit unti-unti namang bumabalik. Yung mga alaala na ayoko ng maalala pa, na kahit anong pilit kong kalimutan ay unti unti pa ring bumabalik. Hanggang sa tuluyan ng bumaksak ang aking luha, hinayaan ko lang itong bumaksak.
Dalawang taon na pala, dalawang taon na rin pala akong nag-iisa. Kamusta na kaya sya? Kamusta na kaya sila ? Dalawang taon na pala bukas mula ng umalis ako ngunit ang sakit na idinulot ng mga pangyayari ay ang parang kahapon lamang, sariwang- sariwa pa rin sa aking alala. Okay lang kaya sila gayong wala na ako, naging maayos na kaya ang buhay nilang lahat? Miss na miss ko na sila. Lalong lalo na sya.
Simula ng umalis ako sa lugar na iyon at nagpakalayo-layo wala na akong naging balita tungkol sa kanila, wala akong naging contact sakanila kahit isa man sa kanila, simula ng umalis ako kinalimutan ko ng tumawa, oo ngumingiti pa ako pero sa loob ng dalawang taon nakalimutan ko na kung paano ba tumawa. Sa loob ng dalawang taon, nabuhay ako ng mag isa, walang inaasahang iba kundi sarili ko lang. Naging madalang na rin ang pagsasalita ko, kahit sa school. Yung dating Chris na tinawanag nila na palatawa, masayahin, palaging maliwanag ang muka ngayon wala ng buhay, nabubuhay sa lungkot at dilim, na parang kalahati ng sarili ko ay nawawala. Siguro nga nararapat lang ito sa akin dahil sa mga nagawa kong kasalanan, minsan iniisip ko na ito ang karma ko pero sobrang sakit naman dahil ang kasalanan ko lang ay ang mag mahal, magmahal ng maling tao. Pero ang mas masakit sa lahat ang iwan ka rin ng nag iisang kakampi mo, yung nag-iisang taong pinaktiwalaan mo at ibigay ang sarili mo ng buong-buo, yung taong nagparamdam sayo na mahalaga ka. Yung taong mahal na mahal mo at pinangarap mong sya na ang makakasama hanggang sa pagtanda.
BINABASA MO ANG
WHEN YOU TWO REALLY DISTINED TO EACH OTHER
RomanceHad you ever fall in love ? Had you ever experience your first heartbreak ? Had you ever tried to quit on something just for her/him ? Had you ever tried to sacrifice yourself just for her/his sake? Being inlove is one of the best feeling eve...