Nangangalay na ang braso ko sa pagbubuhat sa kanya. Inilapag ko siya sa kama ko at kinumutan. Tama si Jake after six years ngayon ulit ako nakaramdam ng pag.aalala sa babae na hindi ko kaano.ano and I missed the feeling na may inaalagaan ako bukod sa pamilya at kaibigan ko kahit hindi halata sakin. Nang dahil sa kanya nag.iba ang takbo ng buhay ko she left me with no reason. I just woke up one day that she's out of my sight. Hindi naman ako ganito dati sa ibang tao. I'm not the Alexander that I used to be before. She is the reason kung bakit ako naging terror kagaya ng mga sinasabi ng iba at aminado ako pero wala akong pakialam.
Napahilamos na lang ako ng mga palad ko at napabuntong hininga. She already left me. Bakit ko pa ba siya naaalala. Siya ang nang.iwan pero ako pa itong nakaalala sa kanya.
Hinubad ko ang sapatos ko at pumasok sa banyo baka sakaling mabawasan ang bigat na nararamdaman ko.
Pagkalabas ko ng banyo nagbihis na ako ng pangbahay at pumwesto sa study table ko para malaman kung sino ba talaga si Lory. I typed Lory Briones and I enter and after some minutes lumabas lahat ng pictures, article at videos tungkol sa kanya.
DOES LORY BRIONES AND MIKE HERDERA BROKE UP?
WHO IS THE REASON WHY LORY BRIONES AND MARK HERDERA BROKE UP?
REAL REASON OF LORY BRIONES AND MIKE HERDERA'S BREAK UP.
MARK HERDERA SAID: IT'S OVER FOR THEM.
Ilan lang yun sa mga nabasa kong headlines tungkol kay Lory. Kaya ba nagwalk out siya kanina dahil sa announcement ni Mike?
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang investigator ko.
"Napatawag po kayo sir. Ano po ang atin?" narining ko pa siyang humikab sa kabilang linya. Napatingin ako sa wall clock na nasa kwarto ko. 1:23. Umaga na pala.
"Pasensiya na kung napatawag ako. I just want to ask about Lory, about her ex boyfriend."
"Ano po yun?"
"May nakuha ka bang details about him?"
"Meron po sir pero hindi niyo na po pinatapos sakin noon ng nagrereport po ako sa inyo. Isang sikat na modelo at artista ang dati niyang kasintahan na childhood bestfriend niya din po. Si Mike herdera po. May mga larawan din si Mike sa envelop na ibinigay ko sainyo."
"Sige salamat."
"Yun lang po ba sir?"
"Oo."
Pinatay ko na ang tawag ko sa kanya at tinungo ang drawer kung saan ko inilagay ang envelop na binigay ko sa kanya at isa.isa kong inilabas yun hanggang sa tumambad sakin ang mukha ni Mike. Siya nga. Now I know kung bakit ganon na lang ang reaksyon niya kanina.
Napalingon ako sa loob ng kwarto ko ng may narinig akong tumutunog. May umiilaw sa loob ng bag ni Lory.
Calling BestBlast....
Ang corny ng contact name. Sinagot ko ito.
"Lory where are you?"
"She's sleeping now."
"Who are you? What the hell did you do to her?" may pagbabanta sa boses niya.
"Nothing. I don't have any bad intention on her..."
"Who. are. you? Where is she? Where did you take her?"
"As I said I don't have any intention on her. You don't need to worry about her. She's safe her."
"I will not give you a damn! Where is she?" ang kulit niya! Wala akong oras para makipagkulitan sa kanya.
"I need to hung up!"
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
RomanceI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...