Happy Ending... 13

10 0 0
                                    

Guys sorry kung ngayon lang ulit ako nag-update medyo naging busy lang ang lola nyo, lalong-lalo na sa trabaho. Pero ito na nga susubukan kong tapusin itong kwentong ito.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Dugdug, dugdug, dugdug... grabe naman itong puso ko, feeling ko rinig na rinig nilang lahat ang tibok ng puso.

Inhale, exhale, inhale, exhale... pero bakit ayaw nyang tumigil sa pag-aalburoto, sana naman di nila naririnig ang dagudong ng puso kong ito.

"Cat? Cat? Oi Cat?!" ang pasigaw na pagtawag ni Brenda sa akin.

Grabe talaga itong kaibigan ko eh, hindi man lamang ako kalabatin, talagang ipapahalata pa na nawala ako sa focus.

"Oh, ay, anon a nga yung sinasabi mo?" ang taranta kong sagot sa kanya.

"Oi Cat, may problema ka ba?" Bakit parang ang tahimik mo dyan?." ang makahulugan niyang tanong.

Naku Brenda, naku talaga humanda ka sa akin bukas. Guys pigilan nyo ako, masusugod ko itong kaibigan kong ito.. haist!!!!

Okay Cat, kalma lang, kalma lang. Yan ang naibulong ko sa aking sarili, dahil konti nalang talaga at bibingo na itong kaibigan kong ito sa akin.

"Aw, sorry naman Brenda, may iniisip lang ako." ang palusot kong dahilan. "Ano na nga yung sinasabi mo kanina?"

"Ang sabi ko Cat, anong gusto mong kainin. Oh ito yung menu" sabay abot sa akin ng menu.
Well, inabutan na rin niya ng menu sina Jayson at Carl. Habang tumitingin ako sa menu ay napadako naman ang aking mga mata kay Jayson. At habang nakatingin ako sa kanya ay gumuhit ng dahan-dahan ang ngiti sa aking mga labi. Ngiti na alam kong isa lang dahilan kung bakit meron ako nito ngayon sa aking mga labi.

At habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko namalayang nakatingin din siya sa akin. Kaya naman dali-dali kong ibinalik ang aking tingin sa menu.

Oh My God, nakita nya kaya akong nakatingin sa kanya? Nakita kaya nya, nakita nya kaya pwede bang lumubog sa kinauupuan ko ngayon whaa. Nakakahiya Cat, ano nalang ang iisipin niya Arghhhhh

Dumating na yung waiter na kukuha sa aming order. Ibinigay na namin isa-isa ung mga order namin.
At habang naghihintay kami sa aming pagkain, ito nagkukwentuhan muna kami.

"Kamusta ang araw nyo ngayon?" ang tanong ni Brenda kina Carl at Jason.

"Ayon, maraming trabaho" ang matipid na sagot ni Carl.

"Oh, ikaw Jayson kamusta ang araw mo?" ang tanong ni Carl kay Jayson.

"Ganun din, maraming trabaho," sagot ni Jayson.

Natahimik kaming saglit ng biglang....

"Oo nga pala Jayson, may nakalimutan akong itanong sayo kaninang umaga." sabi ni Carl.

"Ano yun?" sagot ni Jayson

"Bakit nga pala parang balisa ka kaninang umaga? Kahapon lang ang saya-saya mong pumasok, tapos kaninang umaga para kang pinagsakloban ng langit at lupa. Tapos late ka pa. Anong nangyari?" ang tanong ni Carl kay Jayson.

Mababanag sa mga mata ni Jayson na nagulat at nabigla sya sa tanong ni Carl. Para bang di niya inaasahan ang tanong na ito na galing sa kanyang kaibigan. Pati tuloy kami ni Brenda, gusto rin naming malaman kung ano ang nangyari sa kanya kaninang umaga. May problema kaya sya? Sana naman ay wala.

Gusto kong malaman kung ano ang iniisip nya, gusto kong malaman may problema ba sya, baka sakaling makatulong ako kahit papano. Pero paano? Nahihiya naman akong magtanong sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Happy Ending...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon