EMS' Pov
"Good morning Class." sabi ni Sir Red na adviser namin.
"Good morning Sir." sagot naman naming mga students.
"Okay. You may take your seat. Anyway, before we start our discussion. I would like you to know that there's a transferee and he will be your new classmate." sabi ni Sir samin. Wow ha? New student? Baka eto na nga sinasabi ni Jen. Well? Bahala siya sa buhay niya.
"Come here Mr. Dela Paz. Magpakilala ka na sa mga new classmates mo." pag-aya ni Sir sa taong nasa may pintuan pa lang.
Dugdug.
Omz? Ano ba yun? Tibok na puso? Imposible, di ko magugustuhan yan no.
"OMG! He's so pogi!" sigaw nung classmate kong uhm, pagirl? Hmm. Parang totoo naman. ^__
^
"Oo nga. Tama nga yung chismis! Gwaping nga siya!" nagulat naman ako dahil si Jen ang nagsabi niyan -__- Okay. Nagsasabi naman siya ng totoo eh. ^_^
Oy Ems! Tumigil ka. Ano ba mga sinasabi mo?
Yung mga classmates kong girl at feeling girl ay mga nakangiti at halatang kinikilig.
"Psshh? Let him introduce himself. Sige na Mr. Dela Paz." pagpigil ni Sir sa mga classmates ko.
"Thank you Sir. I am Christopher Jasper Dela Paz. Just call me Cjay, from San Juan High school. Nagdecide ako na lumipat dito sa Kingdom University to be ready sa darating na College. I hope na makasundo ko kayo. Thanks!"
Dugdug. ^___^
Omz talaga? Ngayon ko lang to nadinig? Sign ba to? Pag-ibig sa unang tingin? -___- No way.
"Ok Mr. Dela Paz, May dalawang vacant seat sa bandang likod. Sa kaliwa ni Ms. Caballero at sa kanan din niya? Bahala ka na." O_O sabi ni Sir na kinalaki ng mata ko.
Ayan na siya. Papalapit na ng palapit ng palapit. Okay, naupo lang siya sa kanan ko. Ang gwapo pala niya sa malapitan no? ="> natulala kasi ako sa kanya.
"Hoy Miss! Baka matunaw ako!"
"Hah?"
"Grabe no? Kapal ng mukha para titigan si Cjay. Feeler siya masyado. Nerdy naman eh." narinig kong bulong ni Ingrid. Hays, binigyan nanaman nila ng meaning.
"Sabi ko, baka matunaw ako. Makatitig ka naman, maglelesson na oh. Tss -.-" sabi niya tapos umayos na ng upo.
"Hah? H-hindi ah. Ano kasi? Ah w-wala." pautal-utal ko pang sagot. Grabe, nakakahiya! Di naman na siya sumagot.
Sa pagtitig ko kanina napansin ko na yung pisngi niya ang cute. Tapos medyo chinitong brown eyes pa, yung nose niya, di pango, di matangos, yung bang saktong-sakto lang. Yung lips naman niya Pinkish.
Gwapo no? *^_^*
Oy Ems?! Ano bang kaartihan yan? Di ka naman magugustuhan niyan! Tignan mo nga itsura mo. Parang Nanay ka na niya oh!
Hays, oo nga. Pero minsan ko lang madinig dugdug neto <3. Fourth year High School na ko pero NBSB padin. Kahit nga manliligaw wala eh, panget kase ako. :((
FAST FORWARD
Pauwi na kami ni Jen galing Dentista ko. Malapit na daw kasi matanggal yung rubber nung isa sa brace ko. Pero naayos na. Nakwento ko na din syempre yung naramdaman ko kanina.
"Alam mo Bes, okay lang yan. Normal yan no, eh kasi kung wala kang crush baka abnormal ka." Grabe naman si Jen.
"Eh wala akong magagawa sa aklat yung crush ko we. Pero, dati yun. Ngayon meron na."
Oo. Crush ko nga si Cjay. Ayeee. First time to! Si Ms. Nerdy ng Kingdom University may crush na!
"Ayeee.. Ang Bestfriend ko, may crush na.. Normal ka na Bes ko!" sabi ni Jen na parang kinikilig habang sinusundot sundot ng hintuturo niya yung balikat ko.
"Alam mo Bes? Minsan lang to kaya Salamat sa suporta! ^___^"
"Syempre, ako na nga lang tong nagtitiis sa Kaweirdohan mo eh. Joke!" Sabi ni Jen sabay peace sign
"Tss. Ewan ko sayo. Oh siya? Eto na bahay ko. Goodbye bes, ingat ka." sabi ko sabay wave ng hands.
"K. Bye!" sigaw niya.
Pumasok na ko sa loob ng bahay. Si Nanny lang namin naabutan ko sa bahay kaya umakyat muna ko sa kwarto ko at nagbasa nung mga Lessons kanina.
