Naroon na si Swan sa loob ng kanyang shop, pero ang lalim ng iniisip habang nakatingin sa may bandang shelf. May bago kasi silang volunteer helper, si Kyle. Sa totoo lang kanina pa niya gustong sumabog.
"Ate Swan, patawarin mo na ako dahil nakalimutan kitang sunduin sa party, please!" suyo ni Rose. Dineadma lang niya ito. Isang milyong beses na yata siyang sinuyo nito, magmula pa noong nagkita sila nung umaga.
"Huwag ka nang magalit, please. Hindi ko talaga sinasadya na makalimutan ang usapan natin," pagsisisi nito. Her friend's face was forlorn. Ngayon lang kasi sila nagkaroon ng conflict na kasing seryoso nito sa tagal nilang pagsasama sa trabaho. "'Di ba tama yung nakasulat sa Romans 8:28, all things work together for good to those who love God. Eh kung nasundo kita wala sana rito si..."
"Rose, may bago tayong customer, pakiasikaso," putol niya rito bago pa nito mabanggit ang pangalan ng kanyang ex-husband. 'Di niya mawari kung bakit ganoon na lang ang kanyang pagkairita sa pangalan ng kanyang ex-hubbby. Siguro dahil sa simpleng pagbanggit lang ng pangalan nito ay automatikong lumilitaw sa kanyang isipan ang attractive nitong physique na kay hirap deadmahin lalo na ang maamo nitong pagtitig na may kapilyuhang nakatago.
Hindi na nakuhang lapitan ni Rose ang customer dahil maagap na inasikaso ni Kyle iyon. Siyempre, nabilib na naman si Rose sa kanyang asawa. At ngumiti pa nga ang dalaga sa kanya, na para bang may nais i-prove. Sinimangutan lang niya ito.
Heto ang dahilan kaya kay aga-aga siya ay natutuliro. Pagkatapos siya nitong ihatid mula sa party ay 'di na siya nito nilubayan. Her house and her shop were well etched in his memory already. Paano pa siya magtatago rito.
Ang nakakainis pa, parang anino ito na sunod ng sunod!
Ang hindi niya alam, bago ito tuluyan nilang napalayas noong gabi ng una nilang pagkikita ay binigyan nito ng calling card si Rose. At dahil absent ang payatot nilang delivery boy, tinawagan ni Rose si Kyle, lalo pa't nalaman nito na dati niya itong asawa. Siyempre bilang kaibigan ang goal nito ay ang kasiyahan niya, ang magkabalikan silang dalawa muli ni Kyle.
Sinunggaban naman agad ni Kyle ang magandang opportunity. 'Di naman siya makatanggi. May huge bulk order kasi sila ng umagang iyon.
"See, may dahilan ang Diyos kung ba't tayo pinagtagpo-tagpo," kulit pa ni Rose na lalo niyang ikinainis.
Pero ang mas kinaiinis niya talaga ay ang 'di niya mapigilang pagnanakaw-tingin sa guwapong ex-hubby na sobrang sipag. Litaw ang lean muscles nito na nakatago sa hapit na shirt nitong suot. Ganoon din ang mga legs nitong natatabunan ng fitted jeans na may ilang butas.
Ang totoo, she really missed his very presence, his strong built, even his sweet affection. Kaso dahil mas nananaig ang pride ayaw niyang aminin iyon. Two years na niyang sinanay ang sarili na mag-isa. Ngayon guguluhin na lang nitong bigla! No way!
"Ma'am Swan, huwag ka nang magalit oh. Alam mo ba, dahil sa kanya dadami ang mga customers natin," kumbinsi nito. Alam niyang naiilang na ito dahil ma'am na ang tawag nito sa kanya sa halip na "Ate".
Involuntary siyang tumango na lang. Naawa na rin kasi siya kay Rose.
Lumipas ang mga oras. Hindi nga nagkamali si Rose. Dinagsa sila bigla ng mga babaeng College students. Si Kyle kasi ang pakay ng mga ito. How could she blame them? Her ex-husband was just drop dead gorgeous!
Naasiwa siyang bigla dahil nagpapa-cute na ang mga ito sa lalaking dati niyang pag-aari.
Dati! Wow, ang sakit naman!
BINABASA MO ANG
My Sweet Kyle
RomanceMatagal nang nakapag-move on si Swan kay Kyle. Two years na nga, in fact! Kaya kahit na mas lalo itong gumuwapong tingnan ngayon dahil sa suot nitong tuxedo, wala siyang pakialam! Oo, kahit nagkikiligan pa ang mga babae sa paligid niya. Ooows? Eh...