CHAPTER 24
"dude,are you really sure about this?"pagdududa ni Kahlil sa binabalak kong plano. Sinabi ko na kasi sa kanya ang plano ko sa nalalapit naming kasal ni Bea at desidido na ako,gusto kong si Kath mismo ang tumutol sa kasal namin dahil siya lang ang babaeng dapat kong pakasalan. SIYA LANG.
Napabuntong hininga ako bago muling nakasagot"mas gugustuhin ko pang mamatay kesa makasal sa babaeng 'yon."muling tumingin sa bintana at pinaikot ang hawak kong basong may lamang alak.
"pero paano kung--"naputol ang gusto sanang sabihin ni Kahlil nang humarap ako sa kanya at nagsalita.
"ayaw ko nang makarinig ng anumang negatibo, bro I need your help so please..."hinawakan ko siya sa balikat at tinitigan nang mabuti.
Huminga siya nang malalim at yumuko ng ilang segundo tsaka muling tumingin sa'kin"let me see what I can do"sabi niya at tinapik ang braso ko.
"salamat"mahina kong tugon,mahirap umasa pero kailangan ko talaga 'tong gawin at alam ko na kay Kath lang ako sasaya.
"sige dude,may usapan pa kami ni Cha eh,kita na lang tayo bukas."pagpapaalam niya nang ibaba ang basong may lamang alak sa lamesa at kinuha ang coat niya sa couch.
"sige,"matipid na ngiti na lang ang naitugon ko sa kanya.
Ilang minuto lang ang nakakalipas pero pakiramdam ko I was so alone in this room,dito muna ako sa condo unit ko,gusto kong mapag-isa kaya nagpaalam muna ako kay Bea na dito muna ako pansamantala at pumayag naman siya. Habang nakatitig lang ako mula sa labas ng condo ko bigla na lang nagring ang phone ko.
KATH'S CALLING...
Napangiti ako bigla at dagling sinagot ang tawag niya.
"hello..."tugon ko sa kanya.
"hi Deej,ka-kamusta?"wika niya mula sa kabilang linya,mahina at halatang nahihiya.
"kanina lang tayo nagkita sa mall namiss mo na agad ako?"pagbibiro ko,hindi ko man siya nakikita pero ramdam ko na namumula na siya sa sobrang hiya.
"ha-ha?hindi ah!kinakamusta lang namimiss na agad?"sabi niya kaya napangiti na lang ako at napakamot ng ulo.
BINABASA MO ANG
DREAMING OF YOU(Twin Love BOOK2)
Teen FictionInakala niyang tapos na ang lahat.hanggang sa isang iglap nagising na lamang siya sa isang napakahabang panaginip at sa paggising niya isang panibagong pagsubok sa pagmamahalan nila ang sasalubungin niya.saan hahantong ang lahat pagkatapos magising...