Beatrice’s POV
Noong una pa lang, malakas na ang kutob kong siya nga ang killer. Kakaiba ang mga ikinikilos nito sa tuwing mayroong krimeng nagaganap.
Kung susuriin, ito’y tatahi-tahimik sa silid-aralan, aakalain mong ito’y hindi makabasag-pinggan, ngunit pagkakamali lang ang lahat ng iyon.
Ang akala niya ata’y magiging perpekto na ang krimeng ginawa niya. Hmm? Ganoon na nga ba ito ka-dalubhasa sa larangan ng pagpatay?
Nang matagpuan namin ang bangkay ni Ms. Sanchez, nakita ko ang leeg nitong mayroong galos, ang kuko nito sa hintuturo’y mayroong bahid ng dugo, isa pa, ang sapatos niya’y may kakaibang kulay—kulay ng dugo.
Napagdesisyonan naming manirahan na lamang sa iisang bubong, upang mas masigurado ang kaligtasan ng isa’t isa.
Pagmamamay-ari nila Lester ang bahay na aming tinitirhan, maaaring lakarin ang Vallé Fonté mula sa paaralang aming pinapasukan.
Nanirahan kami sa iisang bahay kasama ang killer upang siya’y mahulog sa aming patibong at mahuli.
Sa ganoong pamamaraan, makakamit na namin ang hustisyang aming inaasam-asam.
* * *
“Guys, lumabas kayong lahat diyan! Bilisan ninyo!” Masiglang sambit ni Joseph, aakalain mong ito’y isang batang nagnanais ng atensyon mula sa kaniyang mga magulang.
“Oh, bakit? Anong pakana na naman iyan, ha, Joseph?” Bagot na sagot ni Zarmin. Simula no’ng malagas ang 10-D, naging matamlay na ito.
“Zarmin, ayos lang ‘yan. Halika na,” Gwyneth tapped Zarmin’s shoulders and gave him an encouraging smile.
“Game, Guys. Ano nga ba ‘yong lalaruin natin? Napansin ko, medyo nakakabagot nga, ano?” Sabi ko sabay iling.
“Hmm? Laruin na lang natin ang Spin the Bottle, isa iyon sa mga pamosong laro ng mga magkakaibigan, ‘di ba?” Suhestiyon ni Lester.
“Well, that's great. Tara na, bumuo na tayo ng isang malaking bilog dito sa gitna,” Nakangiting pahayag ni Erica, “Lester, ikaw na rin ang kumuha ng bote riyan.” Dagdag pa niya.
“Alright! Spin it!” Sigaw ni Bella.
“So, fortunately, Joseph. Sa ‘yo natapat ang bote. Remember, this is not an ordinary Truth or Dare Game. It is as if we are really in a Question and Answer Portion.” Pinigilan ko ang pagsilay ng isang ngiti sa aking mga labi, dahil kitang-kita ko ang kaba sa mukha ng aking mga kasama.
“Ako na ang magtatanong,” A ni Bella.
“Joseph, sino nga ba ang naka-ukit diyan sa iyong puso? Alam mo na, inspirasyon mo.” Malokong sambit nito’t biglang tumawa.
“Gwyneth.” Matipid na sagot ni Joseph. Muling ipinaikot ang bote, sakto naman at huminto ito sa harapan ni Gwyneth.
“E, ikaw, Gwyneth? Ano ba ‘yong nararamdaman mo para rito kay Joseph?” Nagtaas-baba pa ang kilay ni Martha, alam nga nila kung papaano huhulihin ang kiliti’t kilig niya.
“The feeling’s mutual.” Napakatipid sumagot ng dalawang ito. Nang matapos siya, agad itong yumuko.
“Oh, spin it first bago ka kiligin ng todo riyan, Gwyneth.” Natatawang saad ni Lester, sakto namang tumapat iyon kay Grace.
“Grace, kung may kanta kang nais i-dedicate para sa ‘bespren’ mong si Lester, ano ‘yon?” Mapang-asar na sambit ni Gwyneth, habang pinipigilan ang paghalakhak nito.
“Hmm? Siguro, Tadhana.” Sagot ni Grace.
“At dahil diyan, kailangan mo iyang kantahin habang nakatitig sa mga mata ni Lester.” Ngising-ngisi si
Gwyneth nang makita ang panlalaki ng mga mata ni Grace.“S-sige,” Namumula na ang mukha ni Grace, hindi namin alam kung sa hiya o sa matinding kilig.
—
♪ Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo, may minsan lang na nagdugtong, damang-dama na ang ugong nito.
‘Di pa ba sapat ang sakit at lahat na hinding-hindi ko ipararanas sa ‘yo.
Ibinubunyag ka ng iyong matang sumisigaw ng pagsinta; Ba’t ‘di pa patulan amg pagsuyong nagkulang, tayong umaasa, Hilaga’t Kanluran. Ikaw ang hantungan, at bilang kanlungan mo, ako ang sasagip sa ‘yo. ♪
—
Hindi maiwasan ni Grace ang mapangiti matapos niyang kumanta, gayo’n din naman si Lester.
Muling ipinaikot ang bote, saktong-sakto’t tumigil ito sa harapan ni Lester.
“Ayon. Lester, ano naman ang kantang maisasagot mo sa awitin ni Grace?” Tanong ni Zarmin.
“Best friend.” Matipid na sagot ni Lester.
“There you go, Lester!” Sigaw naming lahat, pwera lang kay Grace. Paano ba naman? Hanggang ngayo’y namumula pa rin.
Nagsimula nang umawit si Lester, para itong nanghaharana kay Grace.
—
♪ Do you remember when I said I’ll always be there? Ever since we were ten, baby. When we were out of the playground playing.
Pretend I didn’t know it back then, then now I realized you are the only one. It’s never too late to show it, grow old together, the feelings we had before since we were so innocent.
I pray for all your love. Girl, our love is so unreal. I just want to reach and touch you, squeeze you, somebody, pinch me. This is something like a movie, but I don’t how it ends, girl, but I fell in love with my best friend. ♪
—
“Teka! Ano ‘to, ha? Confession lang sa isa’t isa, gano’n?” Punong-puno ng buhay na tanong ni Martha kay Grace at Lester.
“Is it real? Is it real?” Dagdag naman ni Joseph.
“Guys, siguro’y mas makabubuti kung bibigyan natin ng space saglit sina Grace. Alis muna tayo rito, nakakaabala na tayo masyado sa kanilang dalawa.” Saad ni Gwyneth, habang pinipigilan ang pagtawa.
Well, hindi naman talaga kami umalis, nagtago lang kami sa likod ng isang sofa, sapat lang ang layo nito para marinig namin ang mga bagay na pinaguusapan nila.
“Grace/Lester” Magkasabay na sambit ng dalawa, “G-gusto kita/G-gusto kita.” Sabay na naman nilang sabi, ngunit naputol ang kilig moments nang biglang tumunog ang mga phone namin.
Labis-labis ang pagtataka namin, noong una’y nagtawanan pa kami, dahil sa sabay-sabay na pagtunog, ngunit ‘di naglaon, napawi rin ang aming saya’t mga tawa.
Mayroong larawang ipinadala sa amin. Ang larawan ni Ezekiel na nakabigti’t punong-puno ng kutsilyong itinarak sa noo, bibig, puso, at sa dalawang mga mata nito.
“Sumusobra na tala—”
*Bang!*
“BEATRICE!” Narinig ko ang sabay-sabay nilang pagsigaw, ngunit kasunod nito’y ang pagdilim ng aking paningin.
###
BINABASA MO ANG
The Death Section : 10-D
Mystery / Thriller[COMPLETED] "Almost Perfect" nga kung maituturing ang mga estudyanteng napabibilang sa 10-D, ngunit ang mismong seksyon? Sa hindi mawaring kadahilanan, ang mga buhay ay isa-isang naglalaho. Sino nga ba ang nagkukubli sa likod ng mapaglarong maskara...