Kabanata 43
Blessing
Umuwi akong tulala at wala sa sarili. Hinintay ko si Zion dahil nagbabakasakali akong bumalik agad siya dahil mag-uusap lang naman sila ni Trina ngunit isang oras na at wala pa din siya. Wala akong ginawa kundi ang umupo sa side walk habang umiiyak.
Ang sabi ko suko na ako pero tangina ilang beses ko na yang sinasabi pero hindi ko pa din magawa gawa.
"arghh!" sigaw ko habang nasa loob ako ng kwarto ko dito sa condo nina Jelina. Wala sila kaya malaya kong nagagawa ang gusto kong magawa.
Kinuha ko ang unan at pinaghahagis ko sa kung saan. Pinagsasabunot ko na din ang sarili ko dahil baka bumalik na ako sa tunay na ako.
I can't believe I'm this crazy for one guy. Sa dinami dami ng mga naging boyfriend ko dati ay sa kanya lang ako nabaliw ng ganito. I can't even believe na pinagpalit niya ako sa iba.
Tumunog at umilaw ang cellphone ko, senyales na may nagtext o kung ano.
I immediately took it from the side table at halos madapa na ako sa kama sa pagmamadali ko na baka siya iyon ngunit mas lalo akong nabwiset nang makita kong sa trabaho lang pala iyon.
Napasigaw ulit ako sa inis at hinagis ang cellphone ko at saktong natamaan ang salamin kaya nabasag iyon.
Hindi ko naman inaasahan na sa salamin mapunta ang iPhone na hinagis ko kaya labis akong kinabahan kaya dali dali ko iyong pinuntahan.
Lumuhod ako para kunin iyong cellphone ko na basag ang screen at nadaganan ko pa iyong bubog. Napangiwi ako sa sakit at unti unti akong tumayo para magtungo sa cr para hugasan ang dugong lumalabas dito.
Habang hinuhugasan ko naman ang tuhod ko ay nakaramdam ako ng pagkahilo pero binaliwala ko na lang iyon. Kumuha ako ng bulak at betadine habang nasa cr pa din at doon ko ginamot ang sarili kong sugat.
Habang ginagamot ko naman ang sugat ko ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na parang bumabaliktad ang sikmura ko. Kaninang umaga ko pa iyon nararamdaman ngunit hindi ko na lang iyon pinansin dahil baka lang iyon sa kinain ko.
Saglit lang iyong nawala at bumalik ulit kaya napasuka na ako sa toilet bowl. Naluluha na ako dahil sa pagsusuka ko at sumasabay pa ang pagkahilo ko dito. Wrong timing naman mukhang magkakasakit pa yata ako.
Halos yakapin ko na ang toilet dahil sa labis na pagsusuka. My heart immediately raced as a thought rushed through my head. Bakit ang bilis naman?
Dapat noong isang araw pa ang period ko. I never had hormonal imbalances ever since my very first. This is impossible.
Bakit ang bilis naman? Hindi naman siguro.
I decided to go out to a near pharmacy or somewhere. Nakarating na akong mall dahil wala palang malapit na pharmacy dito.
I bought three pregnancy tests of different brands just to make sure.
I rushed to the comfort room and fished out a pregnancy test from my bag.
Binasa ko muna ang instructions bago ko gamitin iyon.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at pinagpapawisan na din ako dahil sa kaba habang hinihintay ang resulta.
Tumingala ako at nagdasal na sana mali ang hinala ko. Kung kailan niya pa ako iniwan saka magkakaganito.
Lumabas na ang resulta at halos tumigil ang mundo ko sa nakita kong dalawang guhit doon.
Nag-unahan agad ang luha ko sa pagpatak dahil sa nakita ko. Baka naman joke lang ito kaya tinry ko din ang dalawa pang pregnancy tests ngunit ganoon pa din ang lumabas.
BINABASA MO ANG
Hold on (Villarama Cousins Series #1)
RomanceBitch. Slut. Whore. Party girl. Name it. Kendall Freya Nochefranca is not your typical girl. She likes to party, smoke, and get guys' attention. Doon siya magaling, mang-agaw ng mga lalaking may mga girlfriend na. She likes the challenge. She always...