Chapter 2

3 0 0
                                    

Isang buwan na ang nakalilipas mula noong umuwi si, Kit. As ussual hindi parin s'ya pinapansin ni Joy. Hindi padin naaalis ang inis at galit n'ya. Tuwing papasok at uuwi kami ni Joy, dinadaan daanan n'ya lang si Kit at iniirapan pa pag sobrang bad trip s'ya. Sadyang may mga bagay bagay sa mundo na hindi natin inaasan na magka roon at mga bagay na hindi inaasahang babalik. Tulad ni Kit, we didn't expect this. Pero nangyari na. Itinakwil na s'ya ng daddy n'ya kaya sa bahay nila sa village s'ya nakatira kasama ang tita n'ya. Nakakalungkot man, pero we can't change our fate. Pero sana naman magang kinabukasan ang meron ang iba ko pang mga kaibigan, mababaliw na ako ng literal kung makikita ko sila ng isang araw na pariwara na.

"Tara na, Alice." Sumakay na kami sa kotse nila Joy. Pupunta kami ngayong mall dahil sa ilang requirments na hindi pa naman nabibili. Mahirap na at college pa lamang kami. Tahimik lang kami sa buong byahe ng mag salita si Joy. "Patawarin ko na kaya s'ya?" Tanong n'ya. Alam ko namang si Kit ang tinutukoy n'ya. Hinawakan ko ang kamay n'ya at ngumuti ng matamis.

"Nasa puso ang pag papatawad. Ikaw mismo sa sarili mo ang mag dedesiyon kung ano ang papairalin mo." Ngumiti si Joy. Alam ko naman na masaya s'yang patawarin ang kaibigan namin. Hindi lang para kay Kit, para din sa baby sa tiyan n'ya. Paniguradong maganda o pogi ang anak n'ya. Sa ganda ba naman ni Kit. Mahirap mag tago ng sama ng loob sa puso. Hindi kasi natin na mamalayan na nasa limit na tayo at bigla biglang sumasabog ito. Wala kanang magagawa pag sumabog ang galit na 'yun. Nakakasira ng buhay ang galit at sama ng loob. Kaya mas maganda at dapat naman talagang patawirin at humingi tayo ng tawad sa mga taong nagawan natin ng mali.

"Wala ka na bang nakalimutan?" Tanong ko kay Joy. Nakatapos na kaming mamili at papunta na kamu ngayon sa isang fast food. Binuksan n'ya ang paper bag na hawak n'ya. Pinag masdan n'ya ang binili n'ya. Tumingin s'ya saakin. "Wala na, Ikaw ba?" Umiling ako. Gustong gusto ko nang makauwi para magka patawaran na sila. Bakit ba ang tagal ng oras kung kailan gusto mo 'tong bumilis?

"Tanya?" Nabitawan ni Joy ang hawak n'yang paper bag at tumakbo papunta sa isang couple. Kinuha ko ang paper bag n'ya at lumapit kay Joy. "Huy, Joy! Ano bang gina---" Naputol ang sasabihin ko. Si Tanya? Si Tanya nga ang tinatawag n'ya kanina! Pero bakit? Ano ba talagang nangyayari sa buhay na 'to? Maki sampal na lang ako kung nanaginip ako. Ang magandang Tanya Clarrise na kilala namin ay isa ng lesbian nakaka baliw na buhay 'to.

"Excuse me?" Tanong ng babaeng kasama n'ya. Tinaasan n'ya pa kami ng kilay. Akala n'ya siguro ex kami ni Tanya. "It's Trey. Not Tanya anymore." Ngumiti s'ya saamin. Ang ganda ni Tanya pero bakit naging gwapo na s'ya? Ang Tanyang mas maganda pa kay Kit na buntis na ngayon, at si Tanya na nasa harap namin na isa ng lalaki ngayon. Niyakap ko si Tanya, okay Trey. Niyakap ko si Trey. Namiss ko 'tong bruhildang 'to! S'ya yung may favorite na tumawag saaking 'Alice Bungisngis' s'ya naman ang pinaka close ko saaming lima. Kaya kahit gan'to 'to. Mahal na mahal ko parin si Trey. Niyakap n'ya ako pabalik.

"I miss you, Bungi."

"I miss you too, Talong."

Miss na miss ko na s'ya. Ang tagal na din. "Oh, cut the drama guys." Sabi naman ng girl friend ni Trey. Tumawa s'ya. "Mukhang s'ya yung babae na kwini-kwento mo? By the way, I'm Yna, Trey's gf. And you are Alice." Ngumuti ako. Mukhang namiss din ako ni Talong.

Siguro nga nakatadhana na mag kita kita muli kami. Para makilala ang bagong kami. Para harapin ang kinabukasan na kung saan inihahain ang mga pag subok na dadating. Mga pag subok na maaring makasira o kaya'y mas lalong makapag patibay ng aming pagka kakaibigan. At sana nga, tumagal 'to.

**
"Baka magulat ka sa, Kit na makikita mo." Pag babantay ko kay Trey. Matapos namin kumain sa mall at ihatid si Yna- na mabait pala. Isinama na namin si Trey pauwi para makita n'ya si Kit. Tumawa naman silang dalawa. Kahit walang nakakatawa.

"Baka s'ya pa magulat sa'kin. Tignan mo ang pogi ko." Nag pogi pose pa s'ya. Umirap ako sa kan'ya. Feeling pogi. Amp. "Hindi naman ako nagulat no!" Sagot ko. Totoo naman 'di naman talaga ako nagulat n'ong makita ko s'ya na isa ng Trey na gusto ng talong.

"Kahit ako." Pagsang ayon ni Joy. Tumawa ulit si Joy. Kanina pa 'to tawa ng tawa ah. Babangasan ko na 'to. "Kanina ka pa tawa ng tawa. Kotongan kaya kita." Pag babanta ko. Parang shonga kasi eh. Konti na lang nasa bahay na kami. Ano kaya magiging reaksyon ni Kit?

"Baka manganak ng wala sa oras si, Kit ha," tumingin ako kay Trey na nag dra-drive. "Naalala ko dati, paborito mo ang talong at sabi mo gusto mong tumubo sa'yo 'yun. Yuck. Kulay violet na hotdog." Tumawa s'ya. Siguro naaalala n'ya rin yung kalokohan n'ya n'ong bata. Naiingit kasi s'ya kay Kuya Troy- kuya n'ya. Si Kuya Troy daw kasi may putotoy at s'ya wala. Bibilhan ko na lang s'ya ng isang sakong talong, kaso wala akong pera. Kaya iyak na lang.

"We're here!" Bumaba agad si Joy ng kotse. Excited na excited na s'yang patawarin si Kit. Mas excited ako sa reaction ni Kit. Sana talaga wag s'ya manganak ng maaga. Nag doorbell si Joy. Makalipas ang ilang minuto bukas 'yun at inuluwa si Kit. "Oy, sorry na. Bati na tayo. Pasok na ako ah? Love lots." Aba ayos. Napahawak na lang ako sa bibig ko. Akala ko magiging madrama s'ya tapos gan'on lang?

"Pag pasens'yahan mo na. Dadalhin ko na sa mental bukas 'yun. Nako." Ngumiti si Kit. Halata namang masaya s'ya na bati na sila ng pinaka close n'ya sa'ming lima. Pumasok na kami sa loob ng bahay nila Kit. Katulad padin naman ito ng dati kaso iba nga lang ang kulay ngayon. Kulay puti uto dati, pero ngayon kulay blue na 'to.

"Boyfriend mo, Alice?" Tanong ni Kit sabay ng pag upo n'ya sa sofa. Halatang bigat na bigat na s'ya sa baby n'ya. Nilapag ng katulong nila 'yung juice at cupcakes sa glass table. Tinitigan namin si Kit at mamaya maya tumawa kami. "Hala, problema n'yo? May toyo pala kayo eh." Halatang nagta tataka s'ya.

"I'm Trey." Pakilala ni Tanya na Trey na. Inabot ni Kit ang kamay n'ya at nag shake hands sila. "S'ya si Tandang Talong. Hanuba." Panimula ni Joy. Lumaki ang mata ni Kit. "Oy! Wag n'yo ko pag tripan. Maganda kaya si Tanya. E, pogi 'to. Baka pinsan n'ya 'to. Kamukha n'ya eh." Mas lalo kami natawa. Para s'yang batang pinag kakaisahan dahil s'ya lang ang walang candy.

"Aba, 'di ako nag bibiro no."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Tree HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon