#Fear 41: Summoned
✙ Xenzel's POV ✙
"Xen, may naghahanap sa'yo sa labas." Sabi ng isa kong kaklase.
"Okay." Sagot ko sabay tayo.
"Samahan na kita." Nag-akma ring tumayo si Zypher pero iniharang ko yung palad ko sa harap ng mukha niya.
"Hindi na, kaya ko na." Malamig kong imik sabay lakad palabas.
Hindi nga niya ako sinundan. Hindi talaga siya marunong sumuyo. Ts. Hindi naman siya ganyan...dati...
Okay, hayaan ko na lang. Kasalanan ko naman eh.
------------
"Oh? Bakit niyo ako sinusundan?" Taas-kilay kong tanong sa tatlong gangsters na nakasunod sa'kin.
"Hindi ka na nasanay." Nakangising sagot ng isa.
"Tsh. Bahala kayo."
Naglakad ako papunta sa hagdan at bumaba ako sa ground floor. Anlayo na naman ng lalakarin ko. Sabi kasi nung estudyanteng nakausap ko kanina, may naghihintay daw sa'kin sa rooftop ng Business Department building. Importante daw.
"Sino ba kakausapin mo, Xen?" Tanong ng isang asungot sa likod ko.
"Wala na kayo dun."
"Grabe, ang sungit naman."
"Magbantay na lang kayo kung gusto niyo." Monotone kong sagot sabay pasok sa elevator.
Pumasok na din sila at pinindot namin yung 5th floor o mas kilala bilang rooftop.
Hindi nagtagal ay bumukas na yung pinto ng elevator at agad na sumalubong sa'kin ang dalawang nakangiting babae.
"Hi Xen!" Kumaway sila at bigla nila akong hinila palabas ng elevator.
"Oops, sorry, girls' talk." Hinarangan naman ng isang babae yung mga kasama kong gangsters para di sila makalabas.
"Wala kaming paki." Biglang sagot ng gangster na nasa gitna at hinawi niya pagilid yung babae.
Hala ka! Hahaha!
"Tsh! Stupid idiots." Inirapan sila ng mga babae at hinila ulit ako ng mga ito papunta sa isang dulo ng rooftop.
"Dito lang kami, Xen." Sabi ng kasama ko at pumuwesto sila sa labas ng elevator.
Napahinto ako nang makita ko ang isang pamilyar na babaeng nakatayo sa di kalayuan. Naghihintay siyang makalapit kami sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romance"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...