AN: Hi readers ^.^ (kung meron man xD) this is my first story at sensya na alam kong hindi ako magaling. Hindi ko rin alam kung may kaparehas itong story ko. Pero alam ko naman sa sarili ko na sarili kong imahinasyon ito :-) inaaway pa ako ni utak pag hindi ko isusulat to hahaha. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako kung meron mang magbabasa neto, kung wala salamat parin xD. Feel free din magcomment :-).
***
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana ay mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtinginHindi maialis ang mga mata ko sa lalakeng kumakanta ngayon sa harapan kahit malayo siya sakin. Ang ganda ng boses niya hindi nakakasawang pakinggan, ramdam na ramdam ang pagmamahal sa bawat linyang kinakanta niya.
Pero sana ako ang kumakanta niyan sayo, at katulad ng kantang yan sana mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin.
Napailing ako.
Nasa kalagitnaan ka nang maraming tao huwag ka ngang magsenti diyan!
"Naka hubad na ba siya sa isipan mo?"
Hinampas ko ng malakas ang braso ni Vanessa pero di parin mawala ang abot tenga niyang ngisi. Panira ng moment ang bwiset!.
"Gaga! n-nakaka relax lang p-pakinggan"
"Sus! ang lalakas ng mga tilian dito tas ikaw busy ka lang diyan sa paggahasa ng tingin kay PAPAngarap mo. Pagbutihan mo yan tsang"
"Ewan ko sayo!"
Hindi ko na siya pinansin. Ibinaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa kanya. I love music, at mas lalo ko itong minamahal kapag siya ang kumakanta. Pero alam niyo kung anong masaklap? yung hindi niya alam ang nararamdaman mo kada marinig mo ang boses niya? hindi niya alam kung anong saya ang naidudulot niya sayo? na hanggang titig ka na lang at nangangarap na kinakantahan ka ng lalakeng matagal mo ng gusto. Iniisip kong bawat musika na kinakanta niya ako ang naiisip niya.
Asa ka leche!. Dun ka na lang sa EDSA kung saan ang road to forevermore.
Matapos ang kanilang kanta ay nagpasalamat sila sa amin at sabay sabay na nag bow. Nakisabay ako sa mga taong pumapalakpak habang karamihan sa mga babae ay patuloy parin ang tilian.
"Tapos na ang Concert nila tara na sa cafeteria at mag-meryenda gutom na ako" wika nitong sira ulo sa tabi ko.
"Lagi naman"
"Che! di porket busog na naman yang tenga mo"
Nakaka ewang kausap ang isang to. Nagkibit balikat na lang ako at naglakad papuntang cafeteria. Alam kong sumunod naman siya at nilagpasan ako sa paglalakad. Gutom na talaga si baboy, nagyaya kasi siyang magmeryenda kaninang 9:00 a.m. eh maaga pa. Tsaka marami kaming mga costumer na dapat asikasuhin.
Celebration kasi ng Campus namin ngayon. Noong Day 1-2 nag-ayos kaming mga Grade 12 ng mga booths at iba-iba per Academic Tracks. Coffee booth ang pinili naming mga HUMSS at may kasama ring books kapag trip mong magbasa.
Kahapon pa nag-start ang program at madaming activities ang naganap pero nanood lang kami ni Vanessa. Ngayong ikaapat na araw, nag-eenjoy ang mga Juniors at Seniors sa pagpunta sa mga booths.
Kanina habang nag-aayos ako ng mga libro nakarinig ako ng malakas na tugtog at tilian. Automatic na hinila ko si Van palabas ng booth namin kasi alam ko na agad kung sino ang mga yun. Kahit maraming tao nakipagsiksikan kami para lang makahanap ng magandang pwesto. Nung mapanood ko na sila ng maayos ay napangiti ako.