Chapter 1

89 3 2
                                    

Ginawa ng lahat ni Marvin ang pag-iwas sa imbitasyon ni Mac sa ginaganap na Bible study sa kanilang bahay tuwing Miyerkules.

Laging katuwiran ni Marvin, next time na lang, may lakad akong importante, masama ang pakiramdam ko, may gimmick kami ng barkada ko, may ipinagagawa sa kin ang mga magulang ko, susunduin ko kasi ang GF ko, marami pa namang araw at kung anu-ano pang alibi na masyado ng palasak.

Isa si Mac sa mga pinaka pilosopong tao na nakilala ni Marvin kaya di niya akalain na mahihikayat ito ng mga "born-again" Christians.

Tinanggap ni Mac ang Panginoong Jesus nung siya'y 4th year high school pa lamang. Na-invite din siya ng isa niyang kaklase sa kanilang bahay kung saan ay may ginagawang Bible study.

Nung una ay panay iwas din siya. Hanggang isang araw pinagbigyan niya ang paanyaya ng kaibigan. Nung una ay nakikinig lamang siya. Sabi niya sa isip ay hinding-hindi ako magpapalit ng kinagisnan kong relihiyon kahit na anong mangyari.

Natatandaan niyang ang topic na tinatalakay ay kung paanong isilang na muli. Iiling iling siya at lihim na natatawa, kalokohan!, sabi niya sa sarili, "paanong maisisilang na muli ang isang katulad kong malaki na? Papasok ba ko sa tiyan ng nanay ko? O, liliit ba ulit ako? Kailangan ko bang mamatay muna tapos ay ipanganganak ulit ako? Malabo yata yun."

Mga tanong sa isip ni Mac na kalauna'y nabigyan ng liwanag.

Hindi pala relihiyon ang kailangan nya kundi relasyon sa Diyos.

Sa wakas ay pinaunlakan na rin ni Marvin ang paanyaya ng kaibigan. Naroon lamang siya sa isang tabi at nakikinig.

Tinatalakay ng Pastor ang turo tungkol sa kaligtasan. Ipinaliliwanag din nito ang ibig sabihin ng salitang "born again".

Ang kapanganakang muli ay hindi ang literal na pagsilang ng ina sa kanyang sanggol. Bagkus, ito ay ang kapanganakang muli sa espiritu at katotohanan.

Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa lahat ng tao na kung sino man ang sa kanya ay tumanggap bilang Panginoon ay maliligtas at magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

Mga kapatid pagsisihan natin ang ating mga kasalanan habang may oras pa. Ang Panginoon ay tapat at Banal at tayo'y patatawarin basta't humingi lamang tayo ng tawad.

Ang taong tumanggap kay Kristo ay isa ng bagong nilalang, wala na ang kanyang lumang pagkatao.

Higit sa lahat ay idaragdag ang kanyang pangalan sa aklat ng buhay. Ngunit para sa mga taong matitigas ang ulo at patuloy na sumusuway sa Diyos, para sa mga taong hindi tumanggap ay habang buhay na kaparusahan sa impiyerno.

Huwag nawa tayong datnan ng kamatayan ng hindi pa tumatanggap kay Jesu-Kristo bilang ating panginoon at tagapagligtas sapagkat magiging napakasakit ang daranasin ng ating mga kaluluwa sa impiyerno.

Kapag ang kaluluwa ay napahamak na, ang magsisi ay huli na. Sana ay hindi ka na ipinanganak.

Sa mga sandaling ito ay di na mapakali si Marvin dahil kanina pa nagba-vibrate ang mobile phone nito.

Sigurado siyang si Angela na ito, ang kaniyang garilfriend. May usapan kasi silang manonood ng sine bago pumunta sa gig nilang magbabarkada.

Palihim na tumayo si Marvin. Sinenyasan niya si Mac at nagkunwaring pupunta sa CR.

Tumango naman si Mac senyales na naintindihan nito ang ibig sabihin ng kaibigan.

Nagawa nitong makalabas at inakay ang motorsiklo hanggang makalayo ng bahagya sa bahay nina Mac at saka ini-start ang motor.

The Burning HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon