Chapter 1: Daughter-in-law

18 0 0
                                    

Vana's POV
Hi! Ako nga pala si Yvana Nickie Montemayor, 14 years old, second year high school pa lang ako and studying in St. Francis Academy.

"Vana sabay na tayong umuwi! Intayin mo lang ako ng mga 10 minutes kase cleaner ako.", sabe ni Nickel

Hay naku sasabay na naman sya sakin. Naku sana ay wag lang kami makita ng papa nya na madaldal. By the way 'yong lalaking 'yon ay si Nickel Montero, classmate ko sya since grade 3 pa lang. Lagi syang nasabay sa'kin pag-uuwi kaso naiinis ako sa papa nya. Lagi na lang kase akong tinawag na manugang nya. Since grade 6 pa lang kame gustong-gusto ako para sa anak nya na bading. At oo bading talaga yang si Nickel (di pa lang naglaladlad). Walang nakakaalam sa mga highschool classmates ko na binibiro ako kay Nickel ng papa nya. Alam naman sya ng parents ko at okay lang naman sa kanila 'yon kase nga bading naman si Nickel. Actually, tuwang-tuwa pa nga sila e at sinasabing makisakay na lang dun sa papa nya tutal bading naman si Nickel.

"Oy Vana tapos na kameng maglinis, tayo na.", hay naku sumigaw pa

"Bilisan mo!", sabi ko habang nagmamadaling lumakad

Lagi kameng ganito,minsan nga ay iniiwanan ko pa nga siya wag lang mabiro ng papa nya e. Hindi naman ayaw ko sa kanya, sadya lang naiinis ako sa papa nya pag inaasar kame.

"Vana, anong assignments natin? Cleaner ka bukas ano? Hintayin na kita, Para sabay na ulit tayo." sabe nya habang nahabol sakin

"Wag na lang, umuna ka na. Matatagalan kame e kase super madumi ang room bukas." sabe ko

"Aba, paano mo naman nasabe na madumi ang room natin bukas?", makulit na tanong nya

"Basta!" irita kong sagot

"UYYYYYYYY, MAGKASAMA NA NAMAN ANG AKING GWAPONG ANAK AT ANG AKING MAGANDANG MANUGANG!" sigaw ng papa nya

Hay naku naman, bakit naman kase inantay ko pa sya e, dapat pala ay tumakas na lang ako at sinabi kong taeng-tae na ako. Hay naku, minsan nakokonsensya na ako sa mga pinagagagawa ko kay Nickel. Iniwasan ko sya nang wala naman syang kasalanan. At ipinagatatabuyan ko sya kahit super bait nya sakin. Pero wala akong magagawa, kasalanan ng papa nya.

"Sige, uuna na ako, nagtext na si mame e. Hinahanap na ako sa amin!", sabe ko sabay karipas ng takbo

"SIGE, TATANONG NA LANG AKO MAMAYA NG ASSIGNMENTS. TEXT NA LANG KITA!" sigaw nya

Sa bahay

"Oh anak bakit parang pagod na pagod ka pagtakbo? San ka ba galing? Anong ginawa mo?", tanong ng mame ko

"Ah e kase naman po yong tatay ni Nickel nakita na naman kame.",sagot ko

"Hahahahaha, nakita ka na naman pala ng father-in-law mo." tawa pa sila ng tawa ng dade

Sabay simangot ang mukha ko

"Yaan mo na kaya gustong-gusto kang alaskahin nun ay masyado kang pikon e," sabe ng dade

"Hay makagawa na nga lang ng assignments" sabe ko ng nakasimangot

End of Chapter 1, hope you enjoyed it! :)

Love that GrowsWhere stories live. Discover now