Do you watch UAAP? Specially Men's Basketball and Women's Volleyball?
If you'll ask me,well,I don't really watch that kind of television. Although I have some interests in sports too but I do have a lot of important things to do first than to watch UAAP.
My name is Anne. I will not say any informations about me kasi baka isang araw makita ko na lang yung social media accounts ko eh laganap na. Hahaha.
So I'm student from Manila and I'm taking Mass Comm at an university somewhere also in Manila. Medyo tahimik akong tao. Mahilig lang akong mag twitter sa cellphone ko at okay na okay na ako. Mahilig akong magpuyat, yan lang yata ang pinakahobby ko. Magpuyat hanggang 3 to 5 AM kahit maaga pa yung pasok ko sa school haha. Socially Awkward Girl but very approachable. Kahit sino kinakausap ko talaga pag lumapit sakin. Pero mahiyain talaga ako.
Now,nakatira ako sa isang Condominium Unit very near at my school and strange things happened when a girl moved-in in this Condominium Building.
Dati I don't know her name or any background about her but all I know is she has a very mysterious life. I do know that she's a volleyball player. Kasi minsan nakikita ko syang lalabas ng building naka jersey shorts at minsan rin naman uuwi syang naka sports attire. She has a pouty lips (for me ah) . Braces sa itaas lang ng ngipin at I can say she's pretty naman kasi simple lang yung ganda nya. Madalas ko syang makasalubong sa mga oras na 8 to 10 AM and 9 PM to 2 AM. Pero madalas talaga mga gabi ko sya palaging nakikita. Tahimik lang sya. Mukha nga syang suplada eh pero di pa naman nya ako nasusupladahan.
Isang beses ko palang sya nakausap nun,yun yung parang Sunday night yata na sabay kaming sumakay ng elevator. Pumasok sya ng elevator na naka headset at tutok sa phone nya. Since kaming dalwa lang,tahimik lang sa loob ng elevator hanggang sa bigla syang tumawa ng malakas. Kagad naman akong lumingon at tiningnan sya. Napatingin din naman sya sakin at hinubad yung left piece ng earphone nya.
"Sorry,natawa lang talaga ako sa video"natatawang saad nya at pinoint yung phone nya,ngumiti na lang ako sa kanya at inintindi sya.
Cute nya tumawa,in fairness. Haha.
Simula nun,di ko na sya iniisip na mukhang suplada. Mabait naman yata sya,mukha lang suplada.
Although may isa syang tao na PALAGING sinusupladahan.
Isang tao lang talaga.
Yun ay yung chinito na napakamaskuladong lalaki na lagi nyang kausap rito sa condo building.
Sige,simula nung palagi ko silang nakakahalamuha rito sa condo nacu-cute-an na ko sa kanila at para bang nacu-curious ako.
Mga April 2016 nung una ko silang makita na magkasama rito,baguhan lang din yata si Ate Girl nun dito.
Lumabas ako ng condo nun para bumili ng makakain and it's already 11 PM something na nun. Pagkabalik ko,kasabay ko na silang maglakad nun papuntang elevator. Nakapang volleyball pa si Ate Girl at halatang hinatid lang nitong si Kuya Chinito.
Nagtatawanan silang dalwa at alam mo yun,para silang mag best friend tapos lagi ring tinutulak ni Ate Girl yung braso ni Kuya Chinito pag natatawa sya.
Pansin ko na dala ni Kuya Chinito yung bag ni Ate Girl at nag uusap sila about sa isang tao tas tawanan sila ng tawanan. Although hindi yung malakas na tawanan ah,para lang silang nagbubulungan tas biglang tatawa ng pigil na mahina. Para silang nagtatawanan na magkaklase tapos may teacher na naglelecture sa harap nila. Ganun sila magtawanan.
Nasa likod ko lang silang dalwa tapos sumakay na kami sa elevator. Pinindot ko yung floor number ko at pumuwesto sa likod nila. Pumasok sila ng elevator tapos nasa unahan ko si Kuya Chinito tapos si Ate Girl naman ay nasa gilid nakasandal.
BINABASA MO ANG
Say Okay
Short StoryI know we're never gonna be okay We're never gonna be alright We're never gonna be together But still,I love you.