A simple tagalog poem for my Nay- Ayoshi Fyumi :)
Title:
Para Kay Ayoshi
Isang nilalang nakilala ko, sa lugar na tinatawag nilang Wattpad.
Baguhan at walang alam, doon ako napadpad.
Mga istoryang nababasa, nakakawili't nakakapagpasaya.
Gumiginhawa ang nararamdaman t'wing nakakabasa.
"I Love That Weird Girl" pangalan ng bagong istoryang aking babasahin.
Walang ka-ide-ideya na ito ay magbubunga ng isang magandang simulain.
Isang pagkakaibigan ay mabubuo, lalago ng lalago.
Nang dahil lamang sa isang "Pa-dedicate po Ms. Author." duon sa isang yugto
Puso ko ay lumundag, Sumayaw, humalakhak.
Para bang nabuo ang puso kong biyak.
Sapagkat ak ay kanya ngang nadedikahan.
Wala akong alam na susunod na pala ang pagkakaibigan.
Ginabayan nya ako sa mundo ng Wattpad. Ako'y hindi nabigo.
Sa gaya nyang , mabait, pogi at palabiro.
Isang Nanay at Tatay na sumubaybay sa aking paglalakbay.
Salamat po ng madami. Ako ay binigyan mo ng buhay.
Hindi mapapantayan, ang ating naging samahan.
Kahit sa maikling panahon, ika'y aking naging kaibigan.
Sana pumogi ka pa. Magbabasa ng kwento mo, sana'y dumami.
I love you Nay. The one and only, Ayoshi Fyumi.
--
:D