"May naging karelasyon kaba noong maghiwalay tayo?" ulit ni Swan nang walang itinugon si Kyle. "Humarap ka nga sa akin, kinakausap kita," ngitngit niya. "Dati naman hindi mo pinapakinggan ang mga sinasabi ko."
"Swan darling, I'm not the same Kyle anymore." Nagsulat na itong muli.
Hindi man lang siya tumitingin sa akin. That means nagsisinungaling siya! kinakabahang hinala niya. "Fine! Pero pag natapos mo na 'yan..."
Napasigaw siyang bigla. May gumagapang pataas ng stockings niya kasi. "Kyle, help me!"
"Busy nga ako," balewala nito na akala mo nagpapapansin lang siya.
"Kyle!" tili niya habang nagtatatalon. "May gumagapang sa stockings ko!"
"Dalawa na lang ang kulang ko, mag-suggest ka naman."
Pikon na pikon na siya talaga. "#9 Rumampa ka gamit ang sapatos ko at #10 awitin mo ang paborito kong kanta. Now tulungan mo na ako, please!" Takot na takot na siya dahil sa mga kukong bumabaon sa makinis niyang binti.
Tinulungan na siya ng mokong na asawa.
"Relax Swan," anito saka nag-crouch. "Oh my gosh, I can't believe this!" bulalas nito.
Tinanggal nito ang salarin at ipinakita sa kanya. Isang nakakabinging sigaw ang sumunod sabay bagsak ng pinto.
"Muntik nang himatayin ang asawa ko dahil sa inyo. That's very bad of you guys," sermon ni Kyle sa mga cute na kulay brown na mga hamsters, ang mga pets na binili ni Rose kanina sa pet shop. Narinig nniya ang malakas na sermon ni Swan kay Rose.
Oh my sweet lovely Swan! Napahalakhak siya.
BINABASA MO ANG
My Sweet Kyle
RomanceMatagal nang nakapag-move on si Swan kay Kyle. Two years na nga, in fact! Kaya kahit na mas lalo itong gumuwapong tingnan ngayon dahil sa suot nitong tuxedo, wala siyang pakialam! Oo, kahit nagkikiligan pa ang mga babae sa paligid niya. Ooows? Eh...