Chapter 3

292 6 2
                                    

 Before anything else (baka kasi makalimutan ko pa #lol) ito pala si Aaron 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------>

"Hi aaron!"

"Hello!" at lalong nagpakyut yung mga babae, sino sila? malay ko! one of my fans siguro.

"Hoy! hoy! hoy!"

napatingin ako sa kanan ko at nakita ko si violet font(yan na ang tawag ko sa kanya ngayon. ) na papalapit sa amin. 

"Hoy mga mukhang pwet ng kabayo! anong rights nyo para lapitan ang Aaron ko!"

"Aaron mo?"

"Bakit? Girlfriend ka ba nya?"

"No girls... atchay lang siya!"

"HAHAHA."

"uh... so pede ng tumawa? Hoy mga anghel na nahulog sa langit na nauna bumagsak ang mukha, FYI, aaron is my boyfriend!"

"Tss! masyado ka namang possessive, as if ikaw lang ang babae ni aaron."

"oo nga, yan chickboy na yan,asang magstick to one sa'yo.."

"Niloloko ko lang din nyan kaya kung ako sa iyo, hayaan mo na may makipaglandian sa kanya at wag mo ng masyadong seryosohin."

Awts. ganon ba kasama tingin nila sakin? Kahit chickboy ako, tao pa rin ako, nasasaktan pa din ako sa mga pinagsasabi nila.

"Siguro ako na kayo hindi sinerseryoso kasi mga mukha kayong tikbalang pero ako, alam ko seseryosohin ako ni Aaron! at ano ba ang karapatan nyo para husgahan si aaron?! sino ba kayo?! kala nyo ang lilinis nyong tao, mga mukha naman kayong imburnal!!" tapos bigla akong hinila ni violent font palayo.

"T-teka... san tayo pupunta?"

"kahit saan basta walang mga panget na nagpapa-init ng ulo ko!"

kahit papano... natuwa ako sa ginawa nya. she stood up for me, i cant believe that someone would still do that sa kabila ng kag@guhan ko.

Tumigil kami sa ilalim ng puno ng mangga, binitawan nya ako at sumalampak sya sa may damuhan sa ilalim ng puno. nasa schoolgrounds pa rin kami.

"Ampness naman yung mga pangets na yun!"

"Eh bakit kasi pinatulan mo pa." tumabi na din ako sa kanya.

"Eh papayag ba naman akong sinasabihan ng masama ang boyfriend ko!" napatingin ako sa kanya, diretso lang tingin nya, may bakas ng inis.

That Girl.... My silly Girl ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon