CHAPTER 2

678 24 1
                                    

Zia.

Nakaupo ngayon ako sa kama habang minamasahe ang ulo ko.

It was one hour ago nang makita ko ang pag mumukha ng babae ni Seik pero hindi parin ako nakakamove on sa sinabi nya sakin. Ang sakit kaya nun! Masyado akong maganda para tawagin niya akong katulong!

"How dare that bitch call me katulong in my own house!?" Galit kong tanong sa sarili kong repleksyon sa malaking salamin sa harap ng kama ko.

Galit talaga ako, una nakita ng virgin eyes ko ang ginagawa nila. Pangalawa tinawag nya akong katulong!

Nakakastress. Kailangan ko talagang magpa-spa as soon as possible.

Sa gitna ng pagmoment ko dito ay biglang may kung sino ang kumatok sa pinto ng kwarto ko.

Alam kong that's not Seik. My brother is not that kind para kumatok. Its either bubuksan niya lang ito ng walang paalam o wawasakin.

"Stop disturbing me!" Galit na sigaw ko sa kumatok sa pinto.

"Lauriel.."

Nanindig ang mga balahibo ko ng marinig ko ang pinakapamilyar na boses na matagal ko ng gustong marinig! Siya lang. Siya lang ang nag-iisang milalang na tumawag sakin ng Lauriel.

Mabilis akong tumakbo sa pinto at binuksan yon ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"J-Jake, a-anong ginagawa mo dito?"

Paano siya nakapasok dito?

Nilinga-linga ko ang buong palapag ng bahay. Buti at walang katulong o mga body guards!

"Nandito ako p-para sana k-kamustahin ka"

Binalik ko ang tingin ko sakaniya. I caught him looking at me intently.

"O-okay naman ako ah?"

I can't help but look at his face. It's been a long time. I have many questions to asked but my mind is clouded by his situation right now. Gusot-gusot ang damit niya at dumudugo pa ang gilid ng labi. Nakipag away nanaman ba siya?

"A-Ahh ganon ba? sige aalis na a-ako.. Mag-ingat ka"

Gusto ko syang pigilan pero hindi ko magawa. Tumalikod siya sa akin at walang lingunang bumaba ng hagdan habang ako, naiwang naka nga-nga.

SEIK.

Nagising ako nang marinig kong may kausap si Zia sa kabilang kwarto.

Tumayo ako at lumapit sa pinto.

Agad kumulo ang dugong nasa loob ng katawan ko. Niyukom ko ang aking kamao saka pinigilan ang aking sarili sa galit na nararamdaman ko

Si Jake ang kaibigan kong hindi ko na kaibigan ngayon! Why?-- long story.

Nag tiim ang bagang ko ng makita ko nanaman ang langyang yun.

Pababa si Jake sa hagdan nung sumilip ako. Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si Zia na nakatayo sa pinto ng kwarto nya at tulalang naka tingin sa hagdan na parang tanga.

Tss. All this time patay na patay parin siya sa lokong yun.

Sa sobrang tulala nya, hindi na niya namalayang lumapit ako sakanya.

I snapped my fingers infront of her face dahilan para matauhan sya at gulat naman syang napa tingin sakin, "Anong ginagawa nun dito?" tanong ko.

She got shocked by my presence.

"E-Ewan. M-M-Mangangamusta daw."

"Kinausap mo naman?"

"Alangan namang dedmahin ko diba?"

THE CASANOVA'S LOVE | SLOW UPDATE | CHRISTARIESWhere stories live. Discover now