Shantelle Kristina
Nasa tapat kami ni Zeyrone ng bahay. Sinubukan kasi namin dito sa labas yung bagong biniling laruan ni Ram sa anak nya. Isang kotse kotsehan, pero malaki kaya pwedeng sumakay si Zeyrone at kunwari ay siya ang nagdadrive.
"Boom! Boom!" Panay bigkas ni Zeyrone habang umaandar ito pero nakaalalay ako. Spoiled na spoiled na si Zeyrone kay Ram, habang lumalaki ito, mas pamahal na rin ng pamahal ang mga binibili nito sa anak nya. Sinabihan ko nga si Ram na huwag na masyadong nagbibibili ng medyo mamahaling mga laruan. Kaso parang balewala naman sa kanya, tatango lang sya pero bili pa rin sya ng bili.
Habang inaayos ko ang sapin sa likod ni Zeyrone ay nakarinig ako ng boses na nagsabi ng Hi. Pag angat ko ng tingin ay si "Drickzel."
Ngumiti ito sa akin sabay baba ng tingin sa bandang dibdib ko. Nang magbaba ako ng tingin ay muli na itong nagsalita.
"Ang ganda ah." Tukoy nito sa sasakyang laruan ni Zeyrone ng muli akong mag angat ng tingin. Umayos naman na ako ng tayo dahil nailang ako. Bahagya nga kasi akong nakayuko kanina dahil sa inaayos ko ang sapin ni Zeyrone sa likod nito. Hindi ko alam na maluwag pala ang damit ko sa bandang dibdib kaya malamang na nakitaan ako, napahawak na lamang tuloy ako sa dibdib ko.
"Bili ng Daddy nya." Sagot ko na lamang.
"Ayos, madami kang mahahatak na chicks nyan Zeyrone." Muling sabi niya sabay tingin sa akin.
"Ano ka ba naman, ang bata pa ni Zeyrone 'no." Natatawang sagot ko naman. Tumawa na lang din sya.
"Dito lang talaga kayo sa tapat ng bahay nyo kapag lalabas kayo?" Tanong niya.
"Ah, sinubukan lang namin paandarin dito sa labas yang sasakyan nya. Nasa garden kami kanina kaso ang pangit ng andar kasi madamo. Sa loob naman, baka makabunggo si Zeyrone ng mga gamit sa sala." Paliwanag ko naman.
"May playground na malapit dito sa village. Mas magandang mamasyal masyal kayo dito, hindi yung palagi lang kayo nandidito sa tapat ng bahay ninyo. Hindi ba kayo pinalalabas ni Ram? Hindi maganda yan." sunod sunod na sabi niya.
"Hindi ah, mas gusto ko na lang kasi na dito na lang kami, okay lang naman." Sagot ko. Napangisi lang si Drickzel sa akin.
"Lalaking walang ibang kilalang tao ang inaanak ko kung dito lang kayo palagi. Subukan mong ipahalubilo sya sa ibang tao, sa ibang mga bata, tiyak na matutuwa sya. Doon sa sinasabi kong playground, tiyak na matutuwa si Zeyrone doon, maraming mga bata, maaaliw sya."
Hindi rin nagtagal ay napilit rin akong ipasyal si Zeyrone sa sinsabing playground ni Drickzel. Napaisip din kasi ako, wala ngang ibang nakakasalamuhang ibang tao ang anak ko kung hindi kami kami lang.
Tooto nga ang sinabi nya, maraming bata roon. Lahat ay masasaya habang naglalaro. Ang iba ay may kasamang mga yaya at ang iba naman ay kasama ang mga magulang. May nakipaglaro ring batang babae kay Zeyrone, bakas sa mukha ng anak ko na tuwang tuwa ito lalo pa at marami syang mga batang nakikita sa paligid. Pati kami ni Drickzel ay napagod kakahabol kay Zeyrone, lalo na ako. Pakiramdam ko, kasali na rin ako sa palikipaglaro sa mga bata.
Sa sobrang pagkaaliw namin ay hindi ko na namalayan ang oras.
"Baka dumating na si Ram galing sa trabaho, kelangan na naming umuwi." Sabi ko habang nililigpit ang mga pamunas at tubig na dinala ko.
Nakita kong napasulyap sa relo nito si Drickzel.
"Maaga pa." Sabi niya.