I Still Love You (One Shot)

43 3 1
                                    

Mga Prends, pagpasensyahan niyo na pag mali ang grammar, spelling etc. Pers Timer eh. Ito na Enjoy. Play niyo yung sa right side para mas magfeel niyo XD

-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

I STILL LOVE YOU

Mga katagang sinasabi sayo ng mahal mo.

Ako nga pala si Hale. Maganda, Mabait at Single. Best Best friend ko si Ethan. Gwapo yun, gentleman pa! At isa pa wala ring girlfriend yun.

Mahal ko na siya nung una pa lang pero magkapatid lang talaga ang turingan namin.

"Hale, oh. mamaya mo na basahin pero importante yan. Pag binasa mo na kagad yan ngayon sasapakin kita. Understand?" Si Ethan, may binigay sakin na sulat.

"Mabasa na nga ngayon. Haha!"

Nagkunwarian akong babasahin yung letter

"Oy oy! Mamaya na nga! Ang kulit mo talaga eh noh?! Sige na nga una na ako." Hahaha mukang napikon na tumakbo eh. Tsk.

Dahil busy ako, sinunod ko na lang ang gusto niya na mamaya na basahin yung letter na binigay niya sa akin. Pumunta na lang ako sa library para gumawa ng sandamakmak na requirements.

*Kriiiiiing* (Bell ng school yan! XD)

"Ay, ang bilis mag bell. Di ko pa nakalahati to." Lumabas na ako ng library.

Papasok na sana ako ng classroom kaso.

*Boogggshh*

Shet! Basa! Nadulas tuloy ako. Nabasa pa yung mga requirements ko. Bukas pa naman pasahan nito.

Itetext ko sana si Ethan para tulungan ako gumawa ulit nito kaso sheeet! Low battery na yung phone ko. Huhubels anong gagawin ko dito.

Umuwi na ako tapos nagfocus sa paggawa ng mga requirements na to.

Pagkatapos ko gawin lahat ng requirements ko kinuha ko yung bag ko babasahin ko na yung letter. Ano kaya nakasulat dun noh?

"Hala, nasan na yun" Hindi ko mahanap :(

Nilagay ko lang yun sa bag ko eh.

Nahanap ko na sa buong bag ko hindi ko pa rin mahanap yung letter. Baka magalit sakin si Ethan importate pa naman daw yun :((

KINABUKASAN

"Ethan!" Tinawag ko siya pero hindi niya ako pinansin.

"Huy! Ethan!" Tawag ko ulit sakaniya pero wala pa rin. Tuloy pa rin siya sa paglalakad

Hindi talaga niya ako pinapansin. Siguro dahil to dun sa letter.

Lunch Break pumunta ako sa favorite place namin sa Rooftop, kasi lunch na dun kami lagi sabay na kumakain. Pero wala siya.

Hinanap ko siya sa cafeteria baka bumibili lang ng pagkain, nakita ko siya. Kasama niya yung babaeng super OBSESSED sakanya na si Dianne. Alam ko naaiinis si Ethan dun eh. Bakit niya kasama yun!

Lalapit sana ako sakanila pero natigilan ako nang halikan ni Ethan si Dianne sa cheeks. Ako lang hinahalikan niyang babae dito sa school eh. :((

Siguro nga galit talaga siya sakin.

_-_-_-_-_-_-_

Sa mga sumunod na araw ganun pa rin. Para lang akong hangin sakaniya. Tinatry kong kausapin siya pero umiiwas siya sakin.

Lunch Break nanaman. Sinilip ko sila sa rooftop dun na rin sila lagi kumakain. Nagulat ako dahil nakita kong magkayakap ang dalawa. May nakita ako sa pader na nakasabit na tarpaulin.

'Will you be my girl?'

Yan ang nakasulat dun sa tarpaulin. Sa sobrang gulat ko natumba ako. Tsk. Napatingin sila sakin.

Nilapitan ako ni Ethan at tinulungan ako tumayo.

"Ok ka lang ba?" Tanong sakin ni Ethan

"Ah, eh, Oo oo! Ok lang ako." Sagot ko sakanya

"Baby, sino yan?" Dianne

"Ah si Hale, dati kong kaibigan" Sagot ni Ethan kay Dianne sabay akbay sakanya.

DATI? So ngayon di na niya ako kaibigan? Dahil ba may girlfriend na siya di na niya ako kailangan?

Naiiyak na ako nang tanungin ulit ako ni Ethan "Ok ka lang ba talaga?"

Di ko na siya sinagot. Tumakbo na lang ako, at kasabay ng pagtakbo ko ang pag patak ng luha ko.

Walang gabi na hindi ako umiyak dahil mahal na mahal ko siya. Pero ano? May iba na siyang mahal at DATING KAIBIGAN lang ang tingin niya sakin.

-_-_-_-_-_-_-_-_-_

Graduation Day na nakita ko siya sa may gilid ng Hall. Nilapitan ko siya.

"Galit ka ba sakin?" Tanong ko sakanya

"Hindi na. Tanggap ko naman." Sabi niya

Tatanongin ko pa sana siya kung bakit ba siya nagalit sakin pero tinawag siya ni Dianne. Pero bago siya umalis may binigay siya sakin.

Invitation. Invitation ng kasal nila ni Dianne. Grabe nadurog yung puso ko. Ayoko makita na ikakasal ang lalaking mahal ko sa ibang babae. Binuksan ko yung invitation at nakita ko na bride's maid pa ako! Putek lang. Sana lang alam niya na ikamamatay ko na ikasal siya sa ibang babae. Pero hindi eh.

-_-_-_-_-_-_-_-_-_

Wedding Day

Bago ako pumunta ng kasal nila kahit ayoko talagang pumunta ay dumaan muna ako sa school para kunin yung mga papeles ko.

Naglalakad ako sa hallway nang kalabitin ako ng Janitor.

"Iha, naaalala mo pa ba ito? Nahulog mo ito. Pinulot ko isasauli ko sana sayo pero mukang nagmamadali ka nun. Kaya sabi ko sa susunod ko na lang ibibigay sayo. Pero sa laki ng school na ito ay hindi na kita nakita muli. Kaya ito oh" Binigay niya saakin yung hawak niya. Yun yung LETTER na binigay sakin ni Ethan noon.

Natuwa ako dahil nakita ko na ulit tong letter na ito "Maraming salamat po manong!"

Nagmadali na ako pumunta sa sumbahan. Nalate ako. Pagkadating ko, nagtatanong na yung pari kung sino ang tututol sa kasal.

Yumuko na lang ako dahil kahil gusto ko tumutol ay hindi pa rin pwede, ayoko sirain ang buhay ng Bestfriend/Mahal ko.

Dahil hindi ko na kayang panoorin pa yung kasal, kinalkal ko na lang yung bag ko at nakita ko yung letter. Binuksan ko at ito ang nakasulat.

Dear Hale,

Matagal ko na gustong sabihin sayo ito pero natatakot ako. Mahal Kita Hale. Sorry kung naduwag ako ah? Kung Mahal o Matatanggap mo ako, Punta ka sa Favorite Place natin. Hihintayin kita hanggang sa kaya ko. Pero pag hindi, ok lang saakin. Tatanggapin ko, maiintindihan ko naman.

Love Ethan.

Tumulo yung luha ko. Sana pala tinago ko yung sulat na to. Sana pala kami ngayon ang ikakasal. Sana pala masaya ako ngayon.

Lumapit sakin si Ethan. Tapos na pala yung kasal. Iaabot ko sana ang kamay ko sakanya at sasabihing "Congratulations" Pero hinila niya ang kamay ko at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Hale." Bulong niya sakin, alam ko sa boses niya na umiiyak siya siguro dahil sa saya dahil kinasal na siya. Ako pinipigilan ko umiyak ayokong magmukang kawawa.

Pero nasayang ang pagpigil ko sa luha ko nang sabihin niya sakin ang mga katagang...

"I STILL LOVE YOU"

-------------------------------------------------

YEHHEY! Sorry kung puro skip yung story. Pero Naiyak ako sa story na ito huhubels.

Support na lang po!

Vote and Comment!!! :****

-STAR★

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Still Love You (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon