"Pede ka bang i-date miss?" ito yung eksanang naabutan ko nung pagpasok ko ng classroom, may pinagkakaguluhang babae yung mga mokong kong classmates, hindi ko alam kung sino, nakatalikod eh.
"Hui Aaron andyan ka na pala!" lumingon yung babae sa direksyon ko nung tawagin ako ni Kit.
"Aaron!!!!"
"Hey! What the heck is that girl doing here?"
Lumapit sa akin si Violent Font,her hands behind her, "Hello boyfriend"
"Ayiee. Ancheezy!!!" sabay-sabay na pang-aalaska sakin ng mga classmates ko.
Mga ulol talaga ah!
"Tara nga, alis tayo dito" kinuha ko yung kamay nya at lumabas kami ng classroom.
"What the heck are you doing in my classroom?"
Nagpout sya " Masama ba? Parang dinadalaw ka lang eh..."
Naihilamos ko yung kamay ko sa mukha ko, "oo masama, eh hindi mo ba alam na mga sira-ulo yung mga classmates kong yun, mga nagiging halang ang mga kaluluwa ng mga yun pag nakakakita ng babae kaya wag ka na ulit pupunta ng classroom ko ha lalo na't wala ako! Mamaya maagaw ka pa nila sa 'kin!" shet! Ano ba yung nasabi ko lalo na yung huli!
"Yes sir!" nagsaludo pa sya sa 'kin habang ngiting ngiti.
"tss! Ano ba pinunta mo sa room ko?"
"Ah!" may kinuha sya sa backpack nya, isang lunchbox na pink "para sa'yo." iniabot nya to sa akin ng nakatungo at waring nahihiya.
Tinanggap ko 'to, "ano to?" la lang tinanong ko lang kahit alam ko kung ano
"edi lunchbox!" nakatungo pa rin sya, "di ba sabi sa chap. 3 eh ang isang girlfriend ipinagdadala ng lunch ang boyfriend nya? So ayan na, first time kong magluto, pinaghirapan ko yan, kaya ubusin mo yan, wag mong itatapon!" napatingin ako sa kamay nya, may mga band-aid.
"Ayos 'to, free lunch, thx my girlfriend!;) Sige, pasok na 'ko, bye." at pumasok na ako ng classroom at nilagay ko sa backpack ko yung lunchbox
"Uiy Aaron, saan yun girlfriend mo?"
"sira-ulo ka Shaun, akin yun subukan mo lang agawin eh magiging Shaun the sheep ka!"
"woah!" sabay-sabay nanaman nilang hirit.
Inihampas bigla ni Mark ang kamay nya sa desk nya, "Woah! tae! hindi nga Aaron, quit ka na sa title na 'chickboy'?"
