Copyright 2013 © Yeppeun
Wakas | One Shot Story
FACEBOOK GROUP: http://www.facebook.com/groups/IstoryaheNiBlesie•••
Masakit, masakit, masakit.
Hanggang kailan ba? Hindi ko na kaya.. Diyan lang umiikot ang mundo ko simula 'nung nakilala kita. Gusto ko ng tapusin lahat ng nararamdaman ko sayo, gustong-gusto ko ng wakasan. Pero itong puso ko patuloy lang na minamahal ka. Kahit wasak-wasak na. Pagod na pagod na ako, hinang-hina na itong katawan ko sa sakit na nararamdaman ko pero bwisit na puso 'to hindi yata mapapagod sa pag-mamahal sayo.
Masaya, sa tuwing nakaka-usap ka, masaya ako kapag kasama kita, masaya ako pag dating sayo. Wala e, masokista ako. Masaya akong nasasaktan ako. Pero alam kong kasalanan ko lahat ng ito, hindi mo ito kasalanan wala kang kasalanan hindi mo ako pinapaasa pero umaasa ako, hindi mo sinabing mahalin kita higit pa sa pag kakaibigan pero minahal pa rin kita ng higit pa nga sa pag kakaibigan nating dalawa, kasalanan ko.. Kasalanan nitong bwisit na puso ko.
Ilang beses ko na bang sinabi na mag momove-on na ako? Ilang beses ko na bang sinabi na hindi na kita mahal? Hindi na yata mabilang sa sampung daliri ng paa't-kamay ko. Pero wala pa rin, lumalabas pa rin ang katotohanan na kahit anong gawin ko, kahit ilang beses akong mag move-on, kahit ilang payo na ang sinunod ko... Mahal pa rin kita.. Sobrang mahal na mahal kita.
Alam mo ba kung gaano kita kamahal? Na kayang kong ibigay ng buong-buo ang sarili ko sayo, kaya kong sumugal para lang sa pag-mamahal ko sayo, 'yung salitang mahal kita hindi sapat para sa nararamdaman ko. Walang kahit anong salita ang pwedeng ibigkas para sa nararamdaman ko sayo.
Sabi nila darating daw ang tamang oras para makalimutan kita at mawala ang pag-mamahal ko sayo. Pero nasaan ang tamang oras na 'yon? Bakit ang tagal naman yata niyang dumating? Darating pa kaya ang sinasabi nilang tamang oras? Kasi gustong-gusto na kitang makalimutan, ayoko na kasi.. Nakakapagod na, masakit na.. Tama na.. Ayoko na...
Inamin ko sayo ang nararamdaman ko, akala ko may mag babago, akala ko sasabihin mong 'susubukan kitang mahalin' pero akala lang pala.. Kasi ang sabi mo hanggang bestfriend lang tayo. Handa naman ako sa lahat ng sasabihin mo kapag inamin ko sayo ang nararamdaman ko, handa ako kung magagalit ka 'man, handa akong sumbatan mo. Pero bakit hindi mo ginawa? Bakit mas inintindi mo pa rin ako bilang bestfriend mo? Bakit hindi ka na galit? Gusto kong magalit ka sa'kin, pero bakit hindi mo ginawa? Bakit ka ganyan? Bakit imbis na masaktan ako sa lahat ng mga sinabi mo mas lalo lang kitang minamahal?
Ang swerte niya kasi mahal na mahal mo siya, sa mahigit apat na taong pag-mamahal ko sayo ganoon din ang pag-mamahal mo sa kanya. Mabait siya, maganda, matangkad, matalino.. Kung tutuusin lahat nasa kanya na, ano pa ba ang laban ng isang tulad ko? Kasi siya, almost perfect na. Eh ako? Wala.. Walang-wala sa kanya.
Ayokong maging kontrabida sa kwento niyong dalawa, ayokong maging panira sa pag-mamahalan niyo, paninindigan ko na lang ang pagiging extra. Isang extra na tutulong sa inyong dalawa, kahit masakit kailangan kong tanggapin na extra lang ako at kahit kailan hinding-hindi magiging bida.
Alam mo bang natatakot na akong mag mahal ng iba? Kung sakaling mawala 'man itong pag-mamahal ko sayo hindi ko na nakikita ang sarili kong mag mahal ulit. Kasi masakit, tama na 'yung sakit na dinanas ko sayo, ayoko ng masaktan pang muli. Pero mas nakikita ko sa sarili kong tatanda na ikaw pa rin.. Ikaw pa rin ang mahal ko.
Sa tuwing nag-iisa ako, minsan iniisip ko kung paano kaya kung ako ang mahal mo? Paano kaya kung natutunan mo akong mahalin? Sa tuwing naiisip ko 'yon pakiwari ko ako na ang pinaka masayang babae sa buong mundo. Pero hanggang sa isip lang 'yon at kahit kailan hinding-hindi mangyayari sa totoong buhay. Paano kaya kung hindi tayo mag bestfriend? Posible kayang mahalin mo rin ako? Kaso malabo e. Kasi alam kong siya at siya pa rin ang pipiliin mo at mamahalin mo.
Kung minsan umaasa akong balang araw magiging tayo sa huli, kumakapit ako sa mga kwentong maaaring mag katuluyan sa bandang huli ang mag bestfriend. Pero kwento nila 'yon at kailangan kong tanggapin ang katotohanang hanggang bestfriend lang tayong dalawa.
'Yung kwento natin napaka-cliché para sa iba, madami ng ganitong karanasan pero hindi nila alam kung gaano kasakit at kung gaano kahirap.
Sabi nila ang lakas-lakas ko raw, masayahin akong tao, walang problema at laging naka-ngiti pero ang hindi nila alam sa bawat halakhak na lumalabas sa bibig ko, sa bawat ngiti na ipinapakita ko katumbas 'nun ang libo-libong tumutusok sa puso ko, milyon-milyong umiitak sa puso ko. Basta masakit, sobrang sakit.
Sabi nila lahat daw may truelove, pero nasaan ang truelove ko? Hindi kaya patay na siya? Kung mag hihintay ako sa kanya darating kaya siya?
Pero ikaw pa rin.. Gusto ko ikaw ang truelove ko, kahit na iba ang mahal mo tanggap ko 'yon okay lang sa'kin, basta ikaw ang truelove ko. Pwede ba 'yon? Ikaw ang truelove ko pero iba ang taong mahal mo?
Sa mahigit apat na taong bestfriend kita at mahigit na apat na taong pag-mamahal ko sayo, ang dami ko ng pag hihirap na naranasan mula sayo, marami na akong sakit na pinagdaanan ng dahil sayo. Gusto ko ng matapos ang lahat. Pero paano? Paano ulit ako mag sisimula? Paano ko ulit ipagtatagpi ang puso kong wasak? Paano?
Wala tayong tinatawag na lovestory, wala tayong sariling kwento na tayong dalawa lang ang bida, na ako ang babaeng mahal mo, ako ang bidang babae at hindi isang hamak na extra lang.
Hindi ko alam kung hanggang kailan itong pag-mamahal ko sayo, kung hanggang kailan ko ba mararamdaman ang sakit na dulot mo. Basta ang alam ko lang gusto ko ng wakasan ito, gusto ko ng wakasan ang sakit na nararamdaman ko... Gusto ko ng wakasan ang pag-mamahal ko sayo. Hangga't hindi pa nagiging triangle ang buwan, hangga't hindi pa nagiging kulay pink ang araw... Kakayanin ko..
Hanggang kailan mag wawakas itong sakit na nararamdaman ko? Hanggang kailan mag wawakas itong pag-mamahal ko sayo?
Siguro hanggang dito na lang talaga ang kwento nating dalawa...
Ang kwento ng pag-mamahal ko sayo.
••• EN D •••
BINABASA MO ANG
Wakas (ONESHOT)
Non-FictionMasakit na, hindi ko na kaya. Dito ko na wawakasan ang kwento nating dalawa... Ang kwento ng pag-mamahal ko sayo.