Dating Tayo - written by : airplanesinreality
November 10 , 2013 9:42 am (Sunday)
50% Fiction and 50% Non-Fiction. It happened through cybernet.
--
August 23 , 2013 (Friday) 9:00pm
TINIGNAN ko ang relo ko at napa palo sa noo ko. Naku malalate nanaman akong umuwi nito siguradong lagot ako kay mama nito. Pumara ako ng jeep at nag tricycle na lang ako pauwi, Nang makarating ako sa bahay ay chineck ko muna kung may tao mabuti na lang din wala pa si mama kung hindi may sermon nanaman ako.
Binuksan ko ang laptop ko at nag scroll sa news feed ko"I love you Stella <3 " ang nakita kong nakasulat sa wall ni Stella, ang bestfriend ko. May love life na si Stella? May boyfriend na siya? Ba't di ko alam nakakatampo naman.Pero seryoso kinikilig ako.Kaibigan ko pa nga pala yung guy matagal ko na ring napakiramdaman na may gusto dito yung kaibigan ko nakakatuwa naman.
"OMG" Pag cocomment ko sa comment box. Di ko masyadong kilala si guy pero nakikita kita ko sya paminsan minsan, ilang minuto pa lang ang nakakalipas at sumagot na si Stella
"Hala best Cathy joke lang yan" sumunod din naman sa pag sagot yung guy "Joke lang po yan haha" medyo nainis naman ako anong po? Eh kasing edad ko lang to eh ayoko pa namang pinag mumukha akong matanda
"kung ako ito mag aassumed ako wag magjoke ng ganyan no offense tsaka wag mo na akong i-po hindi naman ako gaano matanda haha"
Pag ka comment na pag ka comment ko nun ay nag log out na rin ako masyadong nakakapagod ngayon araw.
-
(Saturday)
Nasa jollibee kami nila Stella , Kristalyn at Loraine inaya kami ni stella ko eh gusto nya daw ng makakausap. Minsan talaga nakakaawa na si Stella bukod sa galing pa sya sa broken family binubully pa sya sa school nila , Hindi kasi kami mag ka eskwela eh.
"Cathy , I like that guy" napatingin kaming lahat sakanya ano naman ang problema? Parang gusto din naman sya nung lalaki
"Nasasaktan ako , Alam kong imposible kami" Naawa na talaga ako sakanya halos lagi na lang syang bigo sa mga crush crush na yan kaya lang parang iba ngayon , Dahil ngayon lang sya umiyak ng ganyan sa harap ko. Wala naman problema sakanila ahh? Siguro nga hindi lang talaga sya gusto ni guy , kakausapin ko na lang.
Nag patuloy lang siya sa pag sabi samin ng nararamdaman nya habang pina pa hinahon sya nila Talyn.Ng makauwi ako ay nag bukas kaagad ako ng facebook para ichat yung lalaking yon pero kung sineswerte ka nga naman nauna na sya mag chat saakin.
"SORRY SA KAHAPON AH GUMAGALANG LANG PO" loko to ah nag sosorry ba talaga to? Bakit may capslock pa ? Parang ang sarcastic eh
"So galit ka na nyan?" Pag tatanong ko
"Ah sorry di ko pala naoff yung caps sorry talaga" smiley na lang ang nireply ako at nag patuloy sa pag scrocscroll sa news feed ko
