HER POV
"Advance happy anniversary, baby!" Sabay yakap ko sa kanya
I really love this guy. At ito, 2 days na lang anniversary na namin. Hindi ko akalaing aabot kami ng isang taon na dalawa. Kahit minsan may tampuhan, nagiging ayos agad. Pareho kaming mahina pagdating sa tiisan.
"Advance" Matipid niyang sagot
Anong meron? Bakit parang may nag-iba?
"Baby, may problema ba?"
Parang nagulat siya sa tanong ko kaya napatingin akad siya sa akin.
"Wa-Wala naman" Sagot niya
Hindi ko na lang yun pinansin kahit alam kong may mali. Nilagay ko na lang yung ulo ko sa balikat niya.
"Baby, don't leave me"
Ang then, nagulat na naman siya sa sinabi ko. Naramdaman ko yung pagkanginig niya pagkasabi ko noon.
"Ha? Ah o-of course I won't"
Hindi ko na lang ulit pinansin yun kahit alam kong meron talagang mali.
Ano ba kasing meron, Tyler?
**********
"Eh baka naman badtrip lang"
Nandito kami ngayon sa canteen ng mga kaibigan ko. Binanggit ko sa kanila yung tungkol kay Tyler. Yung pagiging cold niya sa akin nung huli kaming nagkita.
"Sinasabi ko naman kasi sayo Ellaine eh! Noon pa lang ayoko na sa asungot na Tyler na yan. Halata naman na chickboy. Baka mamaya may babae na yan!" Putak sa akin ni Cyrill
"Cyrill ano ba? Imbis na pagaanin mo yung loob nung tao pinalalala mo pa" Sagot ni Thea
"Girls naman eh! Huwag nga kayong ganyan! Kilala ko si Tyler, hindi niya magagawa yun, Cyrill. I trust him" Ako
"Okay fine. Pero binalaan na kita, Ellaine. Baka mamaya isang araw makita ka na lang naming umiiyak diyan at umiikot-ikot sa sahig"
"Cyrill! Ellaine, puso mo 'yan. Ikaw ang kumokontrol diyan. Ikaw ang nagpapatibok diyan. Pero siguraduhin mong hindi 'yan masusugatan ha? Sige ka, baka mamaya, bigla 'yang mapagod at huminto. Ikaw rin yung kawawa" Tsaka niya ako ti-nap sa balikat
"Una na kami, Ellaine. We'll go to our next class. See you" And they left
They left me with a big question inside my head.
Paano kung tama sila? Paano kung ganoon nga?
No, Ellaine! You trush him diba?
Yes, he is Tyler. I trust him.
**********
Time check: 11:25 PM
Hindi ako makatulog sa sobrang excited. 35 minutes na lang isang taon na kaming dalawa. Hindi ako makapaniwala. Parang kahapon lang, nililigawan niya pa lang ako. Ganoon na ba talaga kabilis ang panahon? I mean, yung panahon kapag kasama mo yung taong mahal na mahal mo?
I grabbed my phone at nakita ko agad yung wallpaper ko. It's us. Ito yung kauna-unahang picture naming magkasama. I don't know pero napaka-memorable sa akin ng picture na 'to.
I suddenly turned my head on the left and I saw our other pictures. Then, an idea struck at my mind.
**********
Time Check: 1:35 AM
I made a scrapbook na ireregalo ko sa kanya bukas. I mean, mamaya sa kanya para sa anniversary namin. Puro pictures namin 'to simula nung high school hanggang yung latest pictures namin. Nilagyan ko rin lahat ng caption.