InTheRa :)

40 1 0
                                    

Maraming paraan para makilala ang taong para sayo.

Maaaring nandiyan lang siya sa street niyo…

Isa lang pala siya sa mga pasahero ng jeep na sinakyan mo…

Siya pala yung nerd sa klase niyo na kinaiinisan ng lahat…

Siya pala yung tumabi sayo para i- enjoy ang view…

Siya pala yung isa sa mga nagbigay ng letter sayo…

Maraming paraan at lugar para makilala ang taong para sayo.

Para sakin, gusto ko makilala ang taong ibibigay ni Lord sakin…

InTheRa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ganito ang mga pantasya namin. Na sa mga espesyal na lugar namin makikilala ang nararapat para sa amin.

Yung iba, nagpapantasya na makakakilala nila ang para sa kanila sa jeep.

Yung iba, mga first ang sign nila. First dance, first kiss, etc.

Ako?? Simple lang. Gusto ko siya makilala sa ulan. Yung tipong wala akong payong tapos may magpapayong sa akin?? Iyon ang gusto ko.

Imposible ba?? Depende. Depende na lang kung maniniwala ka na balang araw mangyayari yun.

lalo na at ‘-ber’ months na ngayon. Alam mo yun?? Septem-ber, Octo-ber, Novem- ber, at Decem- ber. Ayun. Kadalasan dito ang ulan. More chances of meeting the one :)

At yun nga, ngayon ay umuulan. Pagkatapos ng ilang minuto ay break time na namin. Buti nalang may dala akong payong. Malayo- layo kasi ang canteen sa amin. Labas ng school ang lalakarin mo at mga 1000 na lapis bago ka makarating doon. Syempre kung gagamit ka ng lapis, from tip to tip ang measurement. Wag mo yun gagawin ah?? Mamaya i- measure mo eh. Yun lang ang ginamit ko na measuring tool.

Malas lang nung iba kasi wala silang payong. Mababasa sila, or isa- sacrifice nila ang pagiging basa para sa pagkain. Their choice.

Ako kasi, nagugutom na ako eh. Hindi ako nag- agahan, hindi din ako naghapunan kagabi. Nag- review kasi ako para sa quiz namin. Ang hirap nga actually e. Kaya kailangan kumain na ako or else, mamamatay ako x) Exaggerated lang.

“Okay class, have your breaktime.”

“Goodbye sir.”

Yung iba sinuong na ang malakas na ulan para lang kumain. Yung iba hindi kumain. Yung iba nakikipayong. At yung ibang madadamot, mag- isa sa payong. At tutal walang nakikipayong sa akin, sa tingin ko isa ako sa madadamot na taong mag- isa sa payong. Kasalanan ko ba? Wala namang sasabay sa akin eh!

Paalis na sana ako ngunit…

“Wait!” Sigaw ng isang studyante. Lumingon tuloy ako. Kaya lang masyadong malakas ang ulan, blurry ang view at malayo- layo na ako sa school. Pero baka makikipayong siya. Kaya bumalik ako para payungan ang studyanteng na- stranded.

Palapit na ako nang makita kong dalawa silang tumatakbo papunta sa akin. Magkakasya kaya kami kung maliit lang ang payong ko?

Palapit na sila ng palapit. Mas nagiging malinaw ang view ko sa kanila.

Hanggang sa mamukhaan ko sila. Ang dalawa sa sikat na lalaki sa campus. Kaya lang, sino ba sila ulit? Nakalimutan ko. Transferee lang kasi ako dito sa school at hindi sikat.

Biglang hinablot nung isang lalaki yung payong ko. Nabasa ako sandali. Pero pinayungan niya din naman ako. Hinablot niya lang talaga sakin.

Tapos, nag- usap sila ng alien language… chos x. Korean. Nag- usap sila ng Korean.

Halos hindi kami magkasya sa payong, pero pinagpilitan naming tatlo. Buti nga nasa gitna ako eh. Para sila ang mabasa >.< hahaha

Hanggang nakarating din kami sa canteen. Pagkatapos ng isang taon, nakarating kami :D

Mabilis lang akong nakabili kasi konti lang ang mga binili ko.

Pagkalabas ko ng canteen, tinignan ko kung nandun pa yung dalawang lalaking sumabay sakin kanina. Baka kasi sasabay pa sila eh. Pero hindi ko na sila nakita.

Mga ilang hakbang galing sa canteen, may naramdaman akong tumakbo galing sa likod ko at tumabi sa akin. Yun yung dalawang lalaki kanina.

Siniksik nanaman nila ako at nag- usap ng Korean. Hanggang sa tumakbo na yung isa papunta sa school. Naiwan tuloy kami ng kasama niya.

At mga 800 pa na lapis bago makarating sa school, patak lang ng malakas na ulan ang naririnig ko. Kaya nag- decide ako na kausapin nalang siya.

“Don’t you have an umbrella???” Tanong ko.

“I do have an umbrella, but it seems like I lost it. Tsk.”

“Then you should buy an umbrella soon.”

“I know.”

At ayun lang, katahimikan ulit. Nasa 700 na lapis nalang kami bago makarating sa school.

600 pencils…

500 pencils…

400 pencils…

300...

200…

100…

Hanggang nandito na kami sa pintuan papasok sa building ng school. May shed na dito kaya hindi na kami nakapayong.

“Thank you for sharing your umbrella with me. I’m Maru, by the way.” Sabi niya sabay abot ng kamay niya sa akin.

“Louise.” Sagot ko sabay shake hands sa kanya.

Pagkatapos, pumasok na kami sa building at naghiwalay ng daan.

“Girl, sino yun??” Tanong ng bestfriend ko.

“Ah. Nakilala ko lang yun sa ulan.”

“SA ULAN??? Eh di ibig sabihin… siya na???”

“Ha??? Hindi ah.

Ang sabi ko sa signs na yun ang lalaking mapapasakin ay papayungan niya ako. Hindi yung ako ang magpapayong sa kanya.”

“Sayang.”

Tama siya. Sayang nga diba??? How could a single word, phrase or sentence change the whole thing??

Nakakapanghinayang kasi akala mo siya ang mapapasayo. Pero hindi naman pala. Just because the rule says “Siya ang magpapayong” ay hindi na siya ang para sayo.

But there are still many years ahead of me. Makikilala ko pa yun :)

At… uwian na.

Wala nang ulan. Kaya naglakad na ako papalabas.

Kaya lang, bigla namang umulan. Jusme!!! Hindi na ba to matatapos??????

Payong… payong… payong in the bag… payong in the bag…

shete!!! Stuck ang zipper!!! Shete!!!

“Miss, looks like your bag is defective, good thing I found my umbrella” sabi niya sabay abot ng payong sakin “here, let’s share.”

“Maru?”

=The End=

At yun nga, napakaraming paraan para makilala ang lalaking para sayo.

Tulad sakin, nakilala ko ang unexpected person na yun sa ulan. At maniniwala ka ba??? Siya ang napakasalan ko.

Though ang nasa utak niyo ay predictable naman na magiging kami, noong times na yun hindi ko na- predict na siya pala ang lagi ko nang makakasabay sa lahat ng bagay.

Sabay kumain,

Sabay umuwi,

Sabay haharapin ang mga problema,

At kung ano pa.

Pero para sa akin, pinakanagustuhan ko sa pagkakasabay namin ay…

Ang pagkakasabay namin maglakad,

Sa ulan :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

InTheRa :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon