NAKITA na namin na lumabas sina Maine at Alden sa loob ng malaking villa, magkaholding-hands pa nga ang mga ito habang may ngiti sa mga labi.
Tila totoo nga ang narinig namin kani-kanina na dalawa na sila, kahit masyadong mabilis ang mga pangyayari ay kitang-kita naman sa kanilang mga mukha ang saya.
Kasalukuyang akong umiinom ng punch drink ng maupo sa tabi ko si Cuzhniel, ang guwapo talaga niya kahit laging nakapoker face.
"Bored ka na ba sa company ko kaya umalis ka nalang ng 'di man lang nagpapaalam?" Tanong niya habang titig na titig sa mga mata ko.
"Ah. . . Eh. . ," hindi ko matuloy ang sasabihin ko kasi naman kung makatingin siya tila tutunawin ako sa kinauupuan ko!
Napabuntong-hininga muna ako bago ko siya sinagot. " Sorry naman, kung 'di na ako nagpaalam sa iyo. Andami naman kasing mga babaeng dumumog sa 'yo pati ako natabunan na. Nakakahiya naman kung pagpipilitan kong sarili ko eh, mukhang busy kana sa mga chicks na lumalapit sa iyo, " nakapout kong sabi pero ramdam kong namumula na ako. Kasi naman ibang klase kong makatingin sa 'kin 'to. Halos ayaw ng kumurap eh!
Type niya rin kaya ako?
Ah ewan 'wag akong masiyadong mag-assume baka masaktan lang ako sa huli at ito pa ang maging dahilan para umiyak ako ng balde-baldeng luha!
Muntik na akong magkasamid-samid, dahil sa sumunod niyang sinabi.
"I do not care about the girls who trying to flirt around me, Angel. Mas gusto ko ang presensiya mo sa tabi ko." Ang nakagrin na bulong niya sa akin habang nanatiling nakapagkit ang mga mata niyang nang-aakit!
Diyos ko! anong ibig sabihin niya? Na may gusto rin ito sa akin? Waah kinikilig ako!
Agad akong tumalon sa pool para hindi niya makita ang itsura ko, mabilis akong lumangoy pailalim pero sa kabiglaan ko may paris ng mga bisig na yumakap sa akin.
Muntik na akong mapasigaw, mjbuti nalang naalala kong nasa ilalim ako ng tubig, dahan-dahan akong humarap dito.
Naroon pa rin sa mga mata niya ang nang-aakit na titig, nang bigla ay napaawang ang mga labi ko!
Inangkin na kasi ni Cuzhniel ng tuluyan ang lips ko, diyahe gusto ko nang mahimatay kaso hindi puwedi!
First kiss ko ito at ibang klaseng experience ang ipinararanas niya sa akin ngayon, ilang segundo rin kaming naghalikan.
Nang dahan-dahan na niyang itinigil at hinila ako pataas. Agad akong sumagap ng sariwang hangin ng makaahon kami sa tubig. Nanatili pa rin akong namumula.
"Alam mo ba na gustong-gusto ko ang pamumula ng pisngi mo sa tuwina. As if it makes me feel weak inside and at the same great dahil ibig sabihin lang niyan ay napapaligaya nor kinikilig ka sa akin," husky niyang sabi habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko, napasinghap nalang ako ng makita ko siyang ngumiti na ng tuluyan.
Grabe! ang guwapo niya. And that under water kiss was amazing, hindi ko iyon makakalimutan!
Pero teka kami na ba? Baka ako lang nag-aassume na kami.
Kahit ang landi-landi ko dalagang Pilipina parin ako, Virgin pa ako nuh! kita niyo namang first kiss ko iyon.
Agad akong umahon at kinuha ang roba ko, makapagpalit na nga para makauwi na baka naman pinagtritripan lang ako nitong Cuzhniel.
Malapit na ako sa shower room ng may humablot sa braso ko, muli nagkasalubong na naman ang titig namin ni Cuzhniel.
"What's wrong h-hindi mo ba nagustuhan ang sinabi ko Angel?" Litong tanong niya.
"K-Kasi. . ." tae nag-stammer pa ako.
"What spill it up?" Medyo iritable narin siya. Pero ang gwapo pa rin niya.
Kaysa magsisi ako sa huli dahil hindi ko siya sinagot, sinabi ko na lamang ang nasa loob ko.
"Ah, kasi Cuzh. . . t-tayo na ba? Kasi hinalikan mo na ako pero 'di ko alam kung tayo na? First kiss ko iyon kaya mahalaga sa akin," nahihiya kong sabi habang nakapout ako at nakatutok ang mga mata ko sa floor tiles ng pool.
Isang mahigpit na yakap ang isinagot niya. Tuluyan nang umangat ang tingin ko sa kaniya sa sumunod niyang sinabi.
"Ang slow mo naman Angel, hindi naman kita hahalikan kong ayaw kitang maging nobya and I'm glad that I'm the first and surely will be the last man in your life, hindi kita lalapitan kong wala akong gusto sa iyo."
Muli sinakop na naman niya ang mga labi ko, shit andaming nakatingin pero kiber ko ba! Moment ko ito mainggit sila.
ILANG minuto ba kaming nawala ni Alden?
Maski ako hindi nakapagreact pati ang mga kasama ko rito sa pool ay tila nanonood lang ng pelikula. May mangilan-ngilang girls na nagngingit-ngit dahil sa eksena nina Angel at Cuzhniel.
Teka hindi lang yata ako ang nagkanobyo ngayon, pati rin si Angel sa totoo lang ang cute nilang tignan bagay na bagay sila!
"Bezzy ang suwerti naman ni Angel may Cuzhniel na siya habang ikaw may Alden na, ako kaya kailan papansinin ni Papa Clem. Andito na nga ako sa iba pa didikit!" Paemote niyang sabi na maiyak-iyak pa. Pero as usual kunwari lang iyon!
Napatingin naman ako kay Clem at kay Bridgette na nagpagitnaan lamang nina Soujhiro, kasalukuyan din itong nakatingin sa akin na may bahid ng pagkasuklam sa mga mata.
Sinalubong ko ang mga mata niya, akala ba niya uurungan ko siya. Never! hindi ko iyon style. Napangiti ako ng masuyo akong akbayan ni Alden, isang irap ang nakita ko rito at saka bumaling sa naglalakad na lalaki.
Bigla naman nasira ang mood ko ng makilalang si Greg ang palapit sa amin ni Alden.
Nakaswimming trunks din ito, tulad ni Alden. Kitang-kita ko ang eight pack abs nito, si Alden may six pack abs lang.
So what? Wala ding pinagkaiba iyon. Parehas rin ang likaw ng mga bituka ang mga ito.
Dahil kahit anong mangyari stick pa rin ako sa plano kong pagganti!
At si Alden ang natitirang alas para tuluyan ko ng maisatuparan ang lahat!
Hindi ko hahayaang maulit muli ang ginawa kong katangahan noon.

BINABASA MO ANG
✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE)
RomansaForever Yours, Forever Mine (UNDER REVISION-EDIT) (romance) babz07aziole Alden Vriganza lahat halos nasa kaniya na, marangyang buhay. Kasikatan, mga totoong kaibigan. Ngunit may darating na magpapabago sa kinagisnan niyang buhay. Si Maine Sanchez. I...