Delikado
IRITANG nagtipa si Junex nang magtext si Criselda sakaniya. Hindi na niya mabigyan pa ng atensyon ang iba dahil sa inis.
Sinasabi nitong pupuntahan siya sa kaniyang bahay para doon muna manatili. Agad umalma ang kalooban niya dahil ayaw niya ng makita pa ito. Napaka-kapal ng mukha ng babae.
Is she fucking kidding me?
Gumagawa na naman kasi ng dahilan ang dalaga para magkabalikan sila. Which is, wala naman na talagang pag-asa dahil ayaw na niya. Nakatulong lang ang ginawang kalokohan ng babae para matapos na ito kaagad.
Naramdaman ni Junex na may sumiko sa kaniya kaya kaagad nag-angat siya ng tingin. Nawala ang atensyon na binibigay niya sa cellphone at kaagad nalipat iyon sa nagsasalitang matanda.
"As I was saying, Ezekiela will be starting her training on Saturday and Junex will be the one who'll guide her. Any reactions?"
Hinanap kaagad ng mga mata ni Junex ang dalagang binanggit ng Chief pero napansin niyang wala na ito. Nangunot noo naman siya. Asan na ito?
She left, already?
Tinignan niya si Meek at tamang tama na nakatingin ito sakaniya na parang inaasahan na nitong titingin siya para magtanong.
Malamang busy ka kakatext kaya hindi mo na napansin!
Parang iniisip ni Junex na ito ang sinabi ni Meek sa kaniya nang makitang nakatingin lamang sakaniya ito. Nginuso naman nito ang pintuan kaya agad naman niyang nakuha ang ipinaparating ng binata.
Tinignan niya si Chief saka umiling para sabihing wala siyang tutol sa sinabi nito. Tinignan lang siya ng mga kasamahan niyang binata. Taka namang tinignan siya ng matanda ng tumayo siya sa sofa.
"I'm going."
Sumaludo pa siya kaya walang nagawa ang matanda kundi ang i-dismiss siya. Lumabas siya ng opisina at tinakbo ang elevator para bumaba sa parking lot ng building.
Teka. Why am I running?
Pero bago pa man niya pigilan ang sarili ay nakasakay na siya dito at pinipindot na ang button para mapunta sa basement.
Napailing na lang si Junex sa sarili. Gusto niya ring sabihin sa dalaga ang rules niya.
Tama. Baka kasi palpak ang babae at mainis lang siya. Ayaw pa naman sa lahat ni Junex ang late panigurado ay pag-iinitan niya ang babae kung sakaling gawin niya ito.
Baka katulad rin ito ng mga ibang babae na mas gusto pang mag-ayos ng sarili kaysa ang isipin ang mga taong naghihintay para sa kanila.
Nang makababa siya pagbukas ng elevator. Nilakad niya ang parking lot. Luminga-linga pa siya para makita ang hinahanap.
Agad naman niyang nakita itong nagbubukas ng bag para hanapin siguro ang susi ng sasakyan. Nakatapat ito sa isang navarra na asul.
Hmm. Cool, huh?
Napangisi si Junex sa pagkamanga sa babae. She never fails to amaze him. Nakita niyang pinatunog na nito ang sasakyan at binuksan ito. Tinakbo naman ni Junex kaagad para lumiit ang distansya nila ng dalaga.
Tsk. She doesn't know how to lock her car, huh?
Nanlaki ang mga mata ng babae dahil sa gulat sa pagbungad ni Junex sa harapan nito. Ikaw ba naman kasi biglang buksan nito ang pintuan sa tabi niya ay hindi ka magugulat?
"Fuck!" Bulalas ng dalaga.
Gustong matawa ni Junex sa reaksyon ng babae pero hindi niya nagawa dahil gusto niyang panitilihing seryoso ang mga itsura niya.
"That's not how a woman should talk." Naging mas seryoso pa si Junex. "Saka bakit hindi sarado ang pintuan mo pagkapasok mo?"
Naging seryoso ang mukha nito at nag-igting ang panga. "Saka bakit hindi naka-lock ang pintuan pagkapasok mo?"
Nakita ni Junex ang pagkunot at pagnguso ng mga labi ni Ezekiela na halatang nagpipigil ng galit. Namula rin ang mga pisngi nito. Napapatiitg siya sa mga mapupulang parte na yon.
Damn it! It's distracting!
"Malamang binuksan mo kaagad! Is that how a guy should do? Shut my fucking door and get out of-"
Ngumisi si Junex nang mapahinto si Ezekiela. Inilapit ba naman nito ang sariling mukha. Kaya kaagad nanahimik ang dalaga.
Shit! Pigilan mo ang sarili mo Junex! Bakit nilalapit mo ang mukha mo sa babaeng ito? At bakit parang tuwang tuwa ka pa? This is not good. Fuck!
Mas lalong natitigan ni Junex ang mga mata ng babae sa malapitan. Mas nahulog siya sa ganda ng kulay nito lalo na't kita niya ang panlalaki ng mga mata ni Ezekiela.
"You cuss too much, baby."
Parang isang madulas na bagay lamang na lumabas sa bibig niya ang mga katagang iyon. Baby? This is really bad. This girl is bad. Para 'tong droga na nakakaadik. Na hindi dapat layuan dahil hindi mo kakayanin.
San naman niya nakuha ang mga katagang iyon? Kahit kailan sa mga nagiging flings niya ay hindi manlang niya matawag ng mga ano ngang tawag don? Endearment.
Lumayo si Junex sa kaniya at nagseryoso muli ang itsura nito. Mula sa pagkakangisi ay kumunot ang noo. Kailangan niyang ayusin ang sarili niya dahil hindi tamang mas unahin ang ibang bagay kaysa sa dapat na trabaho niya.
"Be here at exactly, 7:00 a.m in the morning next saturday. Don't be late and we're good." Anito saka iniwan ang dalagang na nakaawang ang nga labi.
Hindi na niya pinag-aksayahan ng oras na isarado pa ang pintuan ng babae dahil sa kabang nararamdaman ni Junex. Kumakalabog ang puso niya na para bang nasa isang misyon siya.
Na parang delikado ang misyong ito na nakasalalay ang buhay niya. Kailangan niya ng umalis dito dahil baka hindi niya na magawa pa ang balak niyang paglayo.
°•○☆○•°
Author's Note: Short update. Thank guys for waiting!
Another chapter done,
another one to write.
BINABASA MO ANG
Draw Me Close [DMC]
ActionAlpha Team's Series 1 Highest Rank: # 36 in General Fiction Highest Rank: #109 in Action Kung hindi ba naman sa lolo ni Ezekiela Nica Mercado ay hindi na mabibigyan pa ng pansin at 'di na malalaman pa ang tungkol sa artifact na nasa pamamahay ng mga...