1st Day of school

6 0 0
                                    

Bakit parang nalindol? Ano bang meron? Bigla akong dumilat ng naramdaman ko na inuuga ako ng nanay ko.

"Gising ka na anak. Baka malate ka pa sa school nyo!"

Bago ako tumayo eh umunat muna ako. Nagmuni-muni. Alam mo naman ang mga kababaihan. Ako nga pala si Phoebe. Phoebe Sarrah Montecillo. Maganda. (Sabi ni mama) Medyo matangkad. Morena. At 4th year college na ako.

Tumayo na ako at nag-ayos na baka malate pa ako eh.
Pagbaba ko eh bumungad ang napakakulit kong kuya -.-

"Oh aking napakagandang prinsesa? Maayos ba ang iyong tulog?" Asar nya. Araw-araw na lang yan tuwing baba ako para kumain. Pero close kami nyan. Siya Patrick Shin Montecillo. Isang manager ng isang malaking kompanya dito sa pilipinas.

"Ayos naman po aking prinsipe" Sagot ko sa kanyang nakakaloko.

Pagkatapos ko kumain eh dumiretso na ako.

@School

"Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeest!" Bungad ng napakaganda kong bestfriend. -.-
"Oy best! Namiss kitaaaaa!"  sabi ko. Sabay yakap sa kanya.

Habang naglalakad kami ng bestfriend eh may nakasalubong kaming mabilis na natakbo. Kaya nabangga nya ako. "Sorry miiiiiiss!" sigaw nung lalaki.

"Bestie!? Ayos ka lang ba?" Ito talagang bestfriend ko. Alam yang masakit eh. "Oo bes. Ok lang ako. Sanay na ako. Kahit masakit eh ok lang. Hahahaha! ARAY!" Paano ba naman binatukan ako. -.-
"Hugot paaaa!" Sabi nya. "Tara na nga! Baka malate pa tayo." Ay oo nga pala. Pareho kami ng kinuha ni Kristine course. Engineering kami pareho. So pareho kami halos lahat ng subject.

Pagkadating namin sa classroom eh ayun. Sakto lang kasi kakarating lang ng prof namin. Habang nag-aayos ng sitting arrangement eh may bigla pumasok na Estudyante.
"Sorry sir im late!" Sabi nya.
"What is your name?" Tanong ng prof namin. "Cleveland Kenneth Javier po sir." Ayun pala yung pangalan nya. Sya yung nakabangga sa akin kanina. "Ok. Then go to your sit. Sa tabi ni Ms. Montecillo." Pagkarinig ko nun eh bigla na lang nag-init yung ulo ko! -.- Dko alam kung bakit.

Nagpakilala lang tapos umalis na rin yung prof namin. Tumingin muna ako sa sched ko bago lumabas. Vacant ko. 1hr din. So tatambay lang ako.  Lumapit ako kay Kristine "Best? Ano next mong sched? Vacant next ko eh." Tanong ko. "Chemistry best. Ang garaaaa! :3" Hahaha baliw talaga tong taong to. "Kita na lang tayo mamaya ha?" Sabi ko sa kanya. At nagpaalam na kami sa isat-isa.

Papunta ako sa garden ng school ng may makita akong dalawang tao na naghahalikan.

"Ano ba naman mga tao yan. -.- Dito pa sa school ginagawa yan. Psh!" Bulong ko sa sarili ko baka kase marinig nila ako eh.

Bigla silang tumigil ng dumaan ako. Hindi ko napansin yung mukha nila. Wala rin naman akong pake eh.

Dumiretso na lang ako sa garden. Maaliwalas kase ang hangin dun. Masarap dun magpahinga. Natulog na lang muna ako.

CK'S POV

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love is on usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon