CHAPTER 4-Veneno o Ako?

127 11 12
                                    

Unti-unti kong minulat ang mata ko at nakita ko namang nakapikit pa siya. Sandaling-sandali lang ung paghalik niya sa tip ng nose ko. Tapos nilayo niya na’din ang mukha niya sa mukha ko. *dug.dug.dug.dug* Bakit ganun? Bakit na-disappoint ako sa ginawa niya? He should have kissed me on my lips – NO! ERASE! ERASE! Hindi dapat un ang iniisip ko noh!? Pero, err… Nakakainis pa’din siya!! >___<

Bigla naman siyang nag-smirk at tumitig sakin! OMG!! Nakita ko ulit ang DIMPLES niya!! Ang cute-cute niya talaga!! Pero nawala din yung ngiti niya noong may babaeng humigit sa kamay niya at bigla siyang sinampal nung babae sa kung saan ko sinampal si Brent kanina.

“L!!” sigaw nung babae sa kanya. Huh? L? Eh ang mga may karapatan lang tumawag kay Brent nun ay ung mga taong malapit sa kanya! Sino ba itong babaeng toh?

“Why the hell are you kissing Janna on her lips!? What is the meaning of this!?” Ha? Lips daw? Eh sa ilong ko lang naman humalik si Brent eh!!  “Are… Are you cheating on me again?” nanginginig na sabi nito at unti-unti nang tumulo ang mga luha nito.

“We’re over Clarette” WHAT!? So girlfriend niya itong babaeng ito? At ginamit niya pa talaga ako para maging dahilan ng pakikipag-break sa girlfriend niya!! How dare him!?!?!? >>_______<<

“NO!! L hindi ko kayang wala ka sa’kin!!” hagulgol nung Clarette habang niyayakap si Brent. Tinutulak naman ni L ung babae palayo sa kanya tapos hinawakan niya ung kamay ko.

“Let’s go Janna. Bye Clarette. Thanks for everything” sabi ni L tas nag wave siya dun kay Clarette. Hatak-hatak niya naman ako paalis ng garden.

“Janna, im warning you!! Isang linggo ka lang paglalaruan ni Brent!! Sasaktan ka lang niyan!!” pagbabanta niya sa’kin. “At ikaw Brent!! I assure you, I will make your life miserable!!” pahabol ni Clarette. Grr… Ganito na ba siya ka-playboy ngayon? Ang sama-sama talaga ng ugali ng lokong toh!! Tahimik lang kami hanggang sa makalayo na kami tas bigla niyang binitawan ung kamay ko.

“Don’t assume Janna. Just because I used you to break up with that bitch, doesn’t mean that I like you” seryosong sabi nito. “You may have the looks but it’s too obvious that its FAKE” pangaasar nito.

“I know that. Ganito nalang Brent” lumapit ako sa kanya tas tumingkayad ako para makalapit ako sa mukha niya. Ang tangkad kasi nitong mokong na toh eh!

“I’ll just make you fall in love with me”

~~~

[Yikes! So playboy siya all these years!?]

“Yah. Yun ung sabi nung mga taong pinatanungan ko”

[Eeewww… Baka naman hindi na siya ano… ano… ahmm… yung ano..]

“Shut the eff up!! They said he’s not taking his girls seriously! That’s impossible!!”

[HAHAHAHA. Sige, sabi mo eh. Uy, Bestiee. Uuwi din ako diyan sa Pinas this month]

“Duhh… Of course you have to attend my debut!”

[No, no! Not just because of your debut. This month makikilala ko na ung fiancé ko personally!!! Yey!]

13 years old palang si CC, naipagkasundo na siya ng parents niya sa isang lalaking sa picture niya palang nakikita. Hindi niya kilala at hindi niya rin alam ang pangalan. Pero sabi niya, okay lang sa kanya since pogi naman daw un at na love-at-first-sight-in-picture daw siya dun sa guy. Hindi niya nga pinapakita sa’kin ung picturenoong guy kasi daw baka maliitin ko ung itsura nung guy dahil alam niyang iba ang taste ko sa taste niya sa lalaki, baka panget ung guy at siya lang ang napo-pogian. HAHA. Ewan ko ba diyan sa babaeng yan at kontento na sa picture nung lalaki. Kaya tuloy lahat ng guys na nanliligaw sa kanya, binabasted niya.

My Sweet Ironic Love [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon