Day Fifty-seven

114 2 0
                                    

<Loiu>

Mukhang wala na talaga akong pag asa pa kay Tina. Ginamit nga lang niya ako! Wala na din ako sa mood para makipag laro kay Gale. Baka pati ako madamay sa pag galit niya kay James. Hindi naman ako kasing sama ni James na nang gagamit ng babae. Kakadaan lang niya sa ganong sitwasyon, ayoko na ulitin kay Gale. Kawawa naman. Pareho lang naman kaming biktima dito e. Na ginamit ng mang gagamit!

Pero kahit alam kong wala na akong pag asa pang balikan ni Tina, gaganti ako sa maliit na paraan. I'm going to irritate her by doing all the things she doesn't like. :3

I've rummaged through my drawer para hanapin yung mga nilista niya sakin ng mga likes and dislikes niya nung nagkakakilala palang kami. 

Likes:

- red roses

- pancakes

- dogs

- stilettos

- Bruno Mars

- stars

- chocolates (m&m's and cadbury)

- floral dresses

- red lipstick

- starbucks

madami pa yan. Pero mas mag fofocus ako sa dislikes niya

Dislikes:

- chocolates with nuts in it

- nuts

- mcdonald's ('cause it will fatten me up)

- Lady Gaga

- white roses

- shrimp

- fake things

- the color orange

- books

- nerds

- the song "Nobody" by wonder girls

these are also just some of the things that she doesn't like. Mag sisimula na ako ngayon. WAHAHA! Gale, this is also for you! Para konting ganti lang.

<Tina>

Hay! Ang ganda ko naman ngayon! Sigurado akong matutulala ang madla sakin! Lalo na ang baby james ko! :3

Feel na feel kong lumakad ngayon sa hallway and I can see them all staring at me and turning their heads. Oo, ganyan talaga ang maganda AT inspired! <3

"hey rachelle!"

"hey Tina? Haha! Blooming ka ata?"

"syempre, inlove e"

"hahaha! Well, mukha nga kasi may nagpadala sayo nito oh!" she handed me a bouquet of white roses and a chocolate "kanino ba galing yan? Kay James ba? Ayie"

OMG! SINO NAG BIGAY NITO?! I hate white roses! And oh no! Chocolate with nuts?! 

"impsosibleng si James ang mag bigay nito. He knows na ayaw ko ng ganyan"

"ha? eh sino naman?"

tinignan ko yung card and it says "this is for you Tina. Hope you'll like it"

I CAN'T BELIEVE MY EYES RIGHT NOW! KANINO NAMAN MANG GAGALING TO?! INIINIS BA AKO NITO?! NAKAKAINIS TALAGA! SINISIRA ARAW KO!

I saw James entering the classroom

"James! Is this from you?" tinignan niya ako ng gulat

"ha? Hindi ah. Diba ayaw mo niyan? Bakit naman ako mag bibigay ng ganyan?"

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon