"Negative Thinker" (Oneshot)

132 2 0
                                    

Ito nanaman ang aking panibagong buhay,Wala nang sawa sa pakikipaglaban sa ibang tao, Puro nalang sa taas ng pagsasalita ibinubuhos,puro nalang Negatibong bagay ang nasasalo, pero di nila alam kung gaano kasakit ang aking natatamo.

#1 -BuhayHighschool.

sa buhay ko ng highschool, Napakahirap kung tutuusin,halos lahat na ata ng pagtitiis ginawa ko na, kulang nalang kumuha ako ng kutsilyo at itarak sa likod ng tita ko, Nasasabi ko lang yan dahil sa pagkagalit ko sakanya,Punong puno na ako, halos lahat ng sinasabi niya apektado ako, alam mo yung habang nagsasalita siya tapos ikaw iiyak ng iiyak ,tapos yung mga kamay mong gigil na gigil na parang gusto mo nang suntukin,Ganyan ako ngayon sa bahay na tinitirahan ko lahat ng sinasabi nila na negatibo halos lahat sakin pinapatama,kung tutuusin nga para akong hayop na nandito,na kung kailan gusto nila akong saktan sasaktan talaga nila ako, ewan ko ba kung ano ang tumatakbo sa aking isip, kaya ko lang naman nasasabi ang ganyan na bagay kasi totoong ginagawa nila, Ang technique na lang na ginagawa ko kapag nasasabihan ako nang masasamang salita o negatibongg salita pasok sa isang tenga labas sa kabila, kasi kung yung mga salitang binibitawan nila tinatanggap mo pa ng tinatanggap wala!, di ko na lang pinapansin kesa naman sa papakinggan mo pa edi dinadown mo yung sarili mo.

Ang hirap na naging buhay ko, halos lahat pasensya,pagtitiis,pagkumbaba, nagawa ko na pero bakit parang ako pa ang lumalabas na mali sakanila halos lahat ng pinapagawa nila ginagawa ko, para na nga akong katulong dito na mag huhugas mag wawalis sa tapat, pag aakyatin ng bubong para lang malinisan, Bulag ba sila, Di nila nakikita yung kagandahan na ginagawa ko, sabagay saan pa ba nag mana yung tita ko edi sa lola kong napakaplastic, lumabas sa aking isipan halos lahat sila napakaplastic mabait lang sila, kapag may bagay na nagagawa kang tama, ganyan sila eh kaya anlaki ng galit ko sa pamilya. Isang araw bago ako gumising kailangan pa akong Sigawan murahin, lait laitin, bago ako pumasok sa paaralan, ASAL HAYOP, di ko na kayang tiisin at nasagot ko yung tita ko,  "Bakit sino kaba? tita lang naman kita? eh ano naman kung pinapakain niyo ako, pera naman ng nanay ko yan ah, makapagsalita kayo diyan  mas mabangis pa kayosa hayop, as in nasabi ko talaga sa harap niya, sa sobrang galit ,galit na galit talaga, di ko nakayang pigilan, pagtapos nun di ko rin nakayanan umiyak  at  umiyak ako, at tinawagan ko yung bestfriend ko, Best tulungan mo naman ako, Sapalagay ko kulang lang ako sa comfort eh,

Bes: Oi! Best ano Problema natin diyan bakit umiiyak ka?

Ito umiiyak dahil di ko na kayang tiisin yung galit ko sa tita ko eh, para na akong gaggo nandun sa bahay nila, parang feeling ko ako yung susuko eh,

Bes: Best!, Alam mo naiintindihan din kita, kasi best ganyan din ako dati inaalipusta ako ng sarili kong kamaganak,Ginawa ko nalang kahit masakit na masakit na titiisin ko. kaya ikaw kung meron kag pagtitiis at pagpapasensya ikaw mananalo!

Nung nasabi sakin ng kaibigan ko yan nalakasan ako ng loob at dumating ang araw na kahit papaano sembreak na aalis ako sabahay nila at pupunta sa bahay namin sa manila Dito na rin ako nag pasya, na next year di na mag aaral sa lugar nila, at babalik ako sa manila para makapag aral ulit dito.

Kaso di pa tapos yung klase siguro tatapusin ko muna tong taon na to.

#2 BumalikNanaman Ang TATLONGPUNG DEMONYO!

Ayan nananaman siya, Balik nanaman sa dating gawe, ito laging nasisigawan,namumura, at nababato ng kahit anong bagay na mahawakan niya,, Gusto gusto ko nang sabihin sa harap niya PUTANG INA NIYA!, pero may respeto pa rin ako kahit nasasabihan ako ng ganyan na pananalita, Alam mo yung feeling na halos lahat ng tao na madadaanan mo at makikita mo para sayo napakaplastic nila, kasi kung tutuusin nung bata pa ako laging ganyan na yung nararanasan ko, puro nalang sakit ang nasasaksihan, bugbog diyan, ibabato diyan, at syempre siguradong tatamaan ako ng mahahawakan nila at ibabato sakin . may time nga na di ko na mabuhay pa eh, ilang beses na ako na attempt na suicidal, pero may naiisip naman ako na may taong nag mamahal pa sakin, parang yung ikot ng mundo ko dito na lang umiikot sa sakit, alam mo yung bagay na gusto mong ma achieve? pero hinding hindi mo kayang magawa dahil sa mga taong nakapaligid sayo na kung ano-ano ang sinasabing Negatibong salita?

Tapos may time ding hindi na ako nag sasalita, kahit kinakausap nila ako as in di na talaga ako nag sasalita, kasi kung baga halo-halo na yung iniisip ko puro nalang kapighatian.at mga negatibong salita ang aking iniisip, Pag tapos nung time na yun nag hahanap talaga ako ng may mag cocomfort sakin kasi di ko kayang mag isa lang eh mababaliw ako kapag ako lang.

Kaya lumipas ang araw na yun, sa isip isip ko lumabas ako mag isa, Kinuha ko muna yung bag kong The northface, at nag dala ng packlunch, Nag dala din ako ng Ipod, at nag dala nang isang boteng tubig, paalis na ako at patungo ako sa laguna, para mag  mount Climbing ng mag isa, Kasi ang hilig ko mag isa lang pag emotional ang aking nararamdaman, Dito ko lang nabbubuhos yung sama ng loob ko at, kahit papaano  makakapag relax ako, 

Nung Sumakay na ako ng bus at satingin kong malayo-layo ang akin pupuntahan, Kinuha ko ang aking dalang pagkain, at sinabayan ng musika habang ang sasakyan ay naglalayag, Matapos ang tatlong oras ng biyahe ako ay naka punta na sa aking pupuntahan, makikita mo talaga ang kagandahan ng paligid, at malapreskong hangin ang malalanghap, kung tutuusin kaya lang naman ako pumunta dito para lang makalimutan lang yung bigat na dinanasan ko sa buhay., pero ngayon gusto ko naman mag RELAX dito sa laguna kasi ito lang yung paraan para kahit papaano naman maging maginhawa naman yung pakiramdam ko, AYOS DIBA? Tamang trip sa laguna? HAHAHAHAHA.

Ito sisimulan ko na ang umakyat sa bundok, Medyo may kataasan at kalayuan, at nang nasimulan ko na ang akin pag lalakad patungo sa itaas subalit may nakita akong balon at tinignan ko ang laman nito Subalit wala naman itong laman na kahit ano,

(SLOWUPDATE)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Negative Thinker" (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon