CHAPTER 1
Ara's POV
"Hello bro?" Bungad sa akin ni Kumag ng sagutin ko ang tawag nya. "Bat ang tagal mong sumagot?" Sabi nito
"Kung di naman nakakahiya sayo, nagiimpake po kasi ako ng gamit ko" sarcastic kong sagot dito. Inipit ko ang cellphone ko sa pagitan ng tenga at balikat ko habang pilit pinagsisiksikan ang isang mga gamit ko sa isang maleta.
"Bukas na nga pala alis mo noh?"
"Diba obvious brad?" Pambabara ko dito.
"Nice" walang emosyong sabi nito
"Joke lang" sabi ko sabay tawa. Napakabilis nyang mapikon hahahaha. Hinawakan ko na ang cellphone matapos kong mailagay ang mga gamit ko sa maleta saka ako pumunta ng CR para kunin yung sipilyo, toothpaste, shampoo at sabon ko. "Ano bang tinawag mo ha?"
"Masama bang mamiss ka?"
Ang plastic ng mokong na to kahit kelan!
"Plastic mo kalalaki mong tao! So gay!" Sabi ko naman
"Seryoso nga Ars!" Dagdag nito.
"Hay nako! Diretsuhin mo na ko mokong!" Muli kong inipit yung phone ko sa balikat ko saka ko sininuksok sa pinakailalim yung mga personal kit ko. "Malolowbatt na ko eh, kelangan ko pang magcharge"
"Sungit!" Sabi nito.
Hay! Ang arte nya kahit kelan! "Uuwi na ko sa Pinas!" Excited na sabi nito.
Seryoso?
"Talaga bro? Kelan?!!!" Bigla akong natigil sa ginagawa ko at napunta sa kanya lahat ng atensyon ko. Excited ako kahit papano hahahaha. Tagal na din nameng di nagkita ng mokong na to eh.
"Naexcite ka noh? Yiiee sabi na eh! Miss mo na ko!"
Ang clingy nya! Pwe! Bading! Hahahahaha
"Excited ako, not for you but for your pasalubongs!" Sabi ko sabay tawa. "CHOCOLATEEEEEEEESSSSS!!!"
"Ang sakit nun" seryosong sabi nito.
Na sya namang ikinatawa ko. Ang seryoso nya kahit kelan hahahaha.
"Joke lang, syempre kahit papano excited na kami ni chinoy makita ka, lalo yung pasalubong mo, I mean, ikaw nga" tumawa ako.
"Heh! Wala kang kobe saken!" He said.
"Ito naman! Parang di mabiro, bestfriends tayo diba?" Pang uuto ko dito. "Size 9" nagsmirk ako.
"Oo na oo na! Siguro 2-3 weeks from now, nandyan na ko" sabi nito. "Pero di naman talaga yun ang itinawag ko bro" kakaiba ang excitement sa boses nito.
Pupusta ako oh? May bagong chick na naman tong siraulo na to. Hahahahaha
"Eh tungkol ba kasi san? Di ka naman daan, pero ang dami mong pasikot sikot"
"Wow! Banat ah?!" Tumawa sya. "Ano kasi, uhm. May bago na ko" sabi nito, malamang kung magkaharap kami ngayon, nagpapacute na sya dahil kinikilig sarap batukan.
"Good for you, ano? Yung bago ngayon? Iphone 6s? Sabagay, luma na din yang phone mo eh buti pinali----"
"Hindi kasi yun! May bago na kong popormahan!" Pagputol nya sa akin
See? I told you!!!! Hahahahahahahahahah di talaga ako magkakamali sa mokong na to eh.
"Hay nako! Kakabreak nyo lang ni Emma nung isang linggo ah? Tapos may bago ka na naman? Babaero!" Pang aasar ko, bumalik na ulit ako sa pag aayos ng gamit.