A/N: Hi guys! Sa mga nagtataka, yes binago ko po yung story and characters. I wanted to make this an on going story but hindi ko kaya. And i think mas ok na one shot lang muna :) I hope ma-enjoy niyo siya.
I dedicate this story to my friend na gumawa nitong cover. Labyu mars :*
----
"Gago ka ang sakit!" binawi ko yung kamay ko sa kanya. "Anong tingin mo sa kamay ko, bakal?" tiningnan kong mabuti ang kanan kong kamay na ngayon ay namumula dahil sa pagkakahampas niya sakin.
"Hindi ko naman kasalanan na lagi kang natatalo sa laro natin, ate." Aba, loko rin itong ugok na ito. Oo, alam kong talo ako pero hindi niya kailangang ipagsigawan sa buong bus.
Pauwi na kami ngayon ni David galing sa school. Nasa iisang subdivision lang kami nakatira kaya lagi kaming sabay umuuwi kahit na nasa dulo pa bahay nila at nasa may gate lang yung sa amin. Medyo may kalayuan pa ang subdivision sa school namin pero ayaw namin parehas ni David magkaroon ng sariling service.
"Hoy David, isang round pa. Matatalo na rin kita for sure!" nanghahamon kong sabi kay David.
Tuwing uuwi kami ni David lagi kaming naglalaro o kung hindi ay kung ano ano ang ginagawa kapag pauwi na kami para hindi raw 'boring' ang biyahe. Dami kasing trip nitong baboy na ito eh. Oo baboy, feeling macho kasi ang taba naman.
Minsan ginagawan namin ng kwento mga kasabay naming sa bus o di kaya ay magk-kwentuhan lang. Sa ngayon, tinuruan niya ako ng bagong laro. Finger bomb daw tawag dun, ngayon ko rin lang nalaman na may ganun palang laro. Ang alam ko lang table tennis, volleyball at basketball. Ib-bump mo lang yung mga daliri mo sa daliri ng kalaban at kailangan maubos ang nakataas niyang kamay para ikaw manalo. Masaya siya pero dahil lagi akong natatalo gusto ko nalang pasabugin ng totoohanan ang mga daliri nitong baboy na ito.
"Oo na, oo na. Matatalo mo na nga ako ngayon, pero truth or dare version Grace and David ang consequence natin." Nakangiti nang nakakaloko si David. Ayoko sa takbo ng isip nitong lalaki na ito.
Dahil mariming alam na kabaliwan si David, binago namin ang rules ng truth and dare. Kung ang normal ay ang talo ang pipili kung truth or dare, sa version namin, ang nanalo ang pipili kung truth or dare na gagawin o sasagutin ng natalo. At ayoko nang matalo dahil ayokong ma-dare. Ayokong gumawa ng mga kinginang cheesy at nakakadiring dare niya o kaya sagutin ang mga napakachismosong klaseng tanong. Hindi ako magpapatalo sa baboy na ito. Igaganti ko ang namumula kong kamay dahil sa paghampas niya sakin. Pucha masakit parin hanggang ngayon.
"Sige. Tara, simulan na natin."
Nagsimula na kami sa laro namin. Ako ang unang tumira, Maganda naman ang laro namin, ramdam ko na ang pagkapanalo ko ngayon. Ihanda na ni David ang ilong niya para sa mga ipapaamoy ko sa kanya mamaya. Akala ko panalo na ako at naubos ko na ang mga nakataas niyang daliri nang bigla niyang inihampas yung dalawa niya pang daliri sa tatlo ko nakataas na daliri. Kingina, NATALO NA NAMAN AKO.
"Yun pala ang mananalo" at tumawa nang malakas si David dahilan para mapatingin sa amin ang ibang tao sa bus. Peste, nakakahiya talagang kasama itong baboy na ito. Ang taba na nga ang ingay pa.
"Shit ka David. Hindi ka lang baboy, megaphone ka rin pala." Yun lang ang nasabi ko dahil naba-badtrip talaga ako sa pagmumukha niya at sa kinginang laro niya. "Ano, truth o dare?"
"Truth" sinabi niya nang nakangiti.
"Napaka-chismoso mo talaga. Ano bang itatanong mo para matapos na ito." Kinuha ko ang tumbler ko sa bag at uminom ng tubig. Nauhaw ako sa peste naming laro. Halos maubos ko na ang laman ng tumbler ko nang magsalita ulit si David.