Chapter 12: Move On

858 10 10
                                    

Nasa rooftop kami ngayon, breaktime kaya kailangang magpakabusog para makatulog mamayang Filipino. Pero joke lang yon. Nakakaantok kasi pag bagong kain ka.

Pumasok sa isip ko nanaman si mystery guy. It's been 3 days at hindi pa rin siya nagpaparamdam. Naccurious na talaga ako kung sino siya. Nagising ako bigla sa katotohanan ng may bumatok sakin.

''Hoy Lean! Kanina ka pa nakatulala dyan. Nanakawan ka namen ng ulam!'', sabi ni Rachel sakin.

''Sorry. May iniisip lang ako.''

''At sino naman yan? Si Kevin ba?'', sabi ni Sophia sabay smirk. Ngumisi din yung iba.

''Anong si Kevin?! Asa no. Hindi ko pa pala nak-kwento sainyo no?''

''ALEN?!'', biglang lumapit ang mukha nilang lahat sakin, miski si Aubrey. Kinwento ko sa kanilang lahat ang nangyari sakin. Pati na rin ung letter na nareceive ko kay mystery guy. Pagkatapos kong mag kwento, nakanganga silang lahat. Hindi naman masyadong halata na gulat sila no?

"Grabe ka Lean. Kumekerengkeng ka kaagad!", sabi ni Sophia na may matching na pag arte pa na kunyari nasakit yung batok.

"Sino naman kaya si mystery guy? Ikaw na nagiging special sa kanya? Feel ko isa to sa mga nakakausap mo this past few weeks or month. It's been a month na naman eh.", sabi ni Vivi. Napaisip ako sa sinabi niya. Ang nakakausap ko lang naman madalas ay si Jeremy, Rappy, Kevin at Darren.

"May hula ako kaso ayoko munang sabihin sa inyo. Pero guys, alam niyo ba may minamata ako ngayon.", sabay subo ng ulam na may kanin.

"SINO?!", biglang lumapit ang mukha nilang lahat sakin. Dejavu. 

"Awam ngong hi ayo mahihiwawa pewo...", sabi ko habang nginunguya yung pagkain. Pagkatapos kong nguyain ay inilunok ko ito at muling nagsalita, "Si Darren."

Nanlaki lalo ang mga mata nila. May narinig pa nga akong nahulog na spoong and fork sa kanila. Mga ilang minuto sinimulan ulit nila ang pag nguya at pagsubo ng pagkain pero nakatingin pa rin sila sakin na may gulat na expression.

"Seryoso ka?"

"Medyo... Oo."

"Pero pano? Hindi naman kayo masyadong nag u-usap?"

"Nagu-usap kami! Maraming beses na."

"PERO DI MO SINASABI?!", sigaw ni Sophia. Ngayon umaacting naman na parang mahihimatay na.

"Eh kasi, hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko tsaka crush lang naman yun diba? Wala namang masama pag crush kasi pag crush it means paghanga lang. Tsaka meron na kaya siya, ok sana kung single siya edi pwede kong... alam niyo na. Pero bawal! At saka Rachel, alam mo yung test naten sa Math? Siya yung nag turo sakin nun.", pagpapaliwanag ko. Paputol putol kong sabi. Medyo kinakabahan kasi ako kasi ang weird ng reaction nila ng pagkasabi kong si Darren ang minamata ko.

"Sabagay. Pero ikaw Lean ha! Magaling kang mamili. Talagang yung gwapo pa at singer huh? Ganon ba mga tipo mo ngayon?"

"Ahh. Hehe, hindi naman.", napakamot ako sa ulo ko.

*KRIIIING*

"Tara na! Bell na oh.", yaya ni Vivi.

Aalis na sana ako ng bigla akong pinigilan ni Rachel. Naiwan kaming dalawa dun sa rooftop. Alam kong seryoso ang sasabihin ni Rachel dahil hinintay niya pang makaalis sina Vivi bago siya mag salita at dahil na rin sa mga mata niya. Makikita mong ang dami niyang gustong sabihin.

"Lean, sigurado ka ba sa sinabi mo kanina?"

"Oo naman. Wag kang mag alala! Crush lang yun. Tsaka hindi ko naman siya pwedeng mahalin dahil may iba na siya."

Thinking of You ♥ ~ Chapter 21 (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon