Annyeong! Ako si Lilly Santiago. Mayaman. Maganda. Kaso feeling ko lang yun. kayo na magsabi kung totoo -__-
"Hoy Bruhilda! Dalian mo nga! Magmamake-up ka pa diyan eh!" sabi ng Besfie kong dyosang dating na nakasilip pa sa pinto habang ako, na isang diyosang din magmamake-up palang. Excited si ateng?
"Ano ba!? Mauna ka na lang kaya?! I'm busy. Haler." sagot ko sa kanya. Ano ba meron? Nagmamadali? Breaktime naman eh. Syempre kailangan ng retouch.
"Eh! Lilly naman. Wag ka na magmake-up." sabi niya habang nagsusuklay. Tss.
"Sa bagay. Maganda na naman ako." sabi ko sabay tago ng make-up kit ko. Nawalan na ko ng gana. Request niya eh.
"Oo na! Ikaw na maganda! Taraa naaaa!" sabi niya then tumakbo kami. hila hila niya ko. aba'y nagmamadali nga.
"Oy! magdadahan dahan ka naman!" paano ba naman. Kung makahila wagas. Yung skin ko baka magasgasan T^T
Ay oo nga pala. Nagtataka siguro kayo kung sino to'ng palakang toh noh? Siya si Fabian Perez. Mayaman. Maganda. Annoying. Bestfriend ko! ^0^ Mahal ko yan!
So ayun nga. hila hila niya ko. Papunta kami sa Entrance dito sa Forest High.
"Hey. Sabihin mo nga *Hingal* kung saan talaga tayo pupunta." sabi ko sakanya.
"Malamang sa Entrance nitong school. Obvious ba? -_-" sabi niya. Argh. Pilosopo toh ah.
"But anong gagawin *Hingal* natin dun?" tanong ko sa kanya. Nakakapagod!
Ang laki laki kasi ng school na toh eh.
"Basta."
A minute later nasa entrance na kami. May pinagkakaguluhan dun. Tapos may lumabas dung tatlong lalaki, ang yabang ng porma. =_=
Papunta pala sila sa direction namin. Bakit kaya pinagkakaguluhan to?
Then nagulat ako nung sasalubungin sila ni Fabian. Take Note: Hila hila parin ako. argh. ansakit sa kamay.
"BAAAAAAAAAAAAAAAAAAAABBBBBBBBBEEEEEEEEEEESSSSSS!" sigaw ni Fabian habang tumatakbo na hila hila ang kamay ko =_=. Juice ko po. Hindi ba napapagod to'ng babaitang to'?
And then. It happens.
"OOOOOOOOOOOOOOOOUUUUUUUUUUUCCCCCCCCCCCCCHHHHHHHHHHHH!" huhuhu! Ansaket! T^T mommmyyy! Ano nangyare sa'kin? nadapa lang naman. PS: SA HARAP NG MARAMING TAO. Argh! humanda ka sa'kin mamaya Fabian Perez!
At ang loka-lokang Fabian dumiretsyo lang at niyakap ang 'Babes' niya. -_-
PDA sila dun. Ayun nagyakapan. Habang ako nakaupo at sakit na sakit dahil natapilok at nagkagas gas pa ang FLAWLESS skin ko.
"Miss ok ka lang?" may lalaking nagtanong sakin. Isa dun sa mayayabang. kaibigan siguro ng 'babes' ng bestfriend ko.
"MUKHA BA KONG OK? PAGKATAPOS KONG MADAPA SA HARAP NG MARAMING TAO OK? ARGH. I HATE THIS." sigaw ko sa kanya habang pinagpapapalo ang lupa. Argh! Masaktan ka lupa! Ok mukha na kong tanga.