Ika-pitong Hiwaga.
Josefa Eleanor Macabebe:
Alas-quatro ng umaga ng ako'y nagising, nag-simula na akong mag impake.
"Bakit?! Bakit niyo ako palalayasin? Anong nagawa kong masama Auntie! Bakit?! Huhuhuhu! Napaka-baet naman ni seksing Josefa sa inyo. Huhuhu! Nanakaw na nga ang first kiss ko! Hayop na Elizalde 'yun! Huhu!" Pag eemote kuno ka ng may...
"Hoy! Josefa, why are you crying in a fake way? You're like an idiot! And you're creating a noise, so shut up! It's too early! and your disturbing us with your nonsense! By the way, try mo mag lock ng room mo! Tsk! Stupid Josefa!" Sabay walk out niya!
Namangha naman ako at diretsong Ingles ng Bruha! Anyare?! Mukhang nag-aaral na ng mabuti ang Gaga! Hala Josefa! Tigilan mo na ang pag acting!
Hindi ka makukuhang artista, pang P.A. lang 'yang ganyang nakakadiring mukha! Hays! Kailan ba ang tamang panahon! Diyos ko! Disinueve na ako!
At Nineteendihan ko kung gaganda na ako! Diba?! Tsk! Kainis! Sobrang gaspang ng face ko, at pag nahahawakan masaket, dahil sa dami ng pimples ko!
Hala! Makaligo na, mahaba-haba pang biyahe ito!
-
Capiz.
Grabee, ang creepy naman ng itsura ng bahay ni Tiyo Ben. Talagang sinaunang bahay e!
Tanaw na namin ang liwanag sa kabaong ni Lola, hindi naman mahinto ang pag-atungal ni Auntie, sakit na sa tenga. Si Tyrone ang naka-alalay sa kanya. Aw! Sweet talaga niya! Hihihi!
Try ko din kayang humagul-gol! Chos! Shempre nalulungkot ako, hindi lang katulad ng kay Auntie, na kung umiyak ay parang wala ng bukas.
Mabait ang Lola Conching ko, ang daming ngang tsismis dito na magaling daw gumawa ng gayuma, gamot sa duwende, panlaban sa mga masasamang espiritu ang Lola ko. Pero hindi ko pa napapatunayan, kasi never ko naman siyang nakitang nang-gamot o gumawa ng mga potion.
Sinalubong kami ng bangag na itsura ng Tiyo Ben ko. Agad silang nag-yakapan ni Auntie na 'tila ba hindi nag kita ng isang dekada. Kapwa sila nag iiyakan habang nagkaka-mustahan.
Nakita ko naman sa isang gawi ang mga pinsan kong sina Jolina, Ariela, Taniya at Lourdes. Na akala mo ay ini-inspeksyon ka ng maige kung maka-tingin!
I just give them a smirk, sabay flip ng hair at talikod. Hindi ako lumayo sa tabi ng dalawa kong pinsan.
Nang may lumapit sa gawi ko, namumukhaan ko siya, isa 'yata sa kapatid ni Nanay, lima kase silang mag kakapatid.
Panganay si Tiyo Ben, sunod si Auntie Bellia next itong lumapit sa akin si Auntie Betty, sunod si Tiyo Brando at bunso si Nanay.
Ang name ng Nanay ko is Brianna Josefina. Oh? Boom kabog! Pangalan pa lang, boom panes na!
"Josefa? Kamusta kana?! Aba't dalagang-dalaga ka na. Naaalala mo pa ba ako? Ako 'yung nag-aalaga sayo, at nag huhugas ng pwet mo 'nung bata ka pa! Haha!" Sabay hawak sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Face Cream ni Josefa. ( #Wattys2017 )
FantasyAng Unfair ng mundo. Bakit ko na sabe ? Paano ba naman, nakaka-inggit at nakakainis 'yung mga tao, especially 'yung mga babaeng hindi man lamang madapuan ng Pimples, kung magkaroon man ay, isa o dalawa lang. (Pasensiya na bitter lang ng slight!) Hus...