Unrecruited Love

22 1 0
                                    


The Pain and Embarrassment of an unrecruited love. ~Halsey

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Graduating student in college, ang saya kasi matatapos na rin yung calbaryo ko sa college. Di ko naman talaga masasabi na calbaryo kasi gusto ko naman ang kinuha kong kurso kaya oks lang saakin. Second semester na at ngayon ang ginagawa ko nalang eh ang eh asikasohin ang mga requirements ko for graduation. Halos nasimulan ko na ang lahat at patapos na pero may isang bagay ang hindi ko magawa-gawa at masimulan-mulan.

Kung gagawin ko iyon eh nakakahiya naman sa parte ko pero napapaisip rin naman ako 'paano kung ginawa ko yun?' Siguro may mababago sa nakalista ko ng destinasyon.

"Congrats talaga Desiree nako baka di na kita Makita huh."

I just smile at him, natutuwa ako sa tuwing nakikita ko siya, sa tuwing nakikita ko yung mga mata niya na biglang mawawala kasi ngingitian niya ako, sa tuwing pinapaalala niya na gusto niya pa talaga akong Makita, at sa tuwing pinaparamdam niya saakin na may parte ako sa buhay niya.

"Paulit-ulit mo na talaga yang tinanong saakin Joseph John huh? Sa ilang buwan na pabalik-balik ako ditto ilang libo ko na ba yang narinig yang mga pinagsasabi mo"

Tumawa lang siya na nagpatalon sa puso ko, nakakatawa mang isipin o kaya ang corny mang pakinggan pero yun talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Mamimiss ko siya, yung tawa niyang hindi nakakarindi, yung baho niya hindi masakit sa ilong at yung pagiging isip bata niya na nalulugar niya naman.

"wala ka talagang respeto huh, tinitake advantage mo yung closeness natin"

Napaisip tuloy ako, may posibilidad ba na makalimutan niya ako? Kasi ang rami raming tao sa mundong ito na makikilala niya pa. Marami pa siyang taon na ilalaan sa buhay niya at ang mga taong iyon ay hindi natin maiiwasan na may makikilala siyang bago. Maiisip rin ba niya na bigyan ako ng lugar sa puso niya o kahit sa isip man lang?

"Alam mo minsan nakakainis na rin yang closeness churva natin. Ayan tuloy naiisue tayo"

Masaya ako na yun ang tingin saamin ng mga tao sa paligid pero masaya rin ba siya na yun ang tingin ng tao sa amin? Naisip kaya niya na pwede maging totohanan yung mga iniisip ng mga tao sa paligid namin? Gusto ko yung itanong sa kanya pero kinakain ako ng hiya ko. Paano kung hindi? Pero paano kung oo.

"Pasalamat ka nga na gwapo ako eh, package na kaya ako. Gwapo na matalino pa"

Yung pagiging mayabang niya saakin niya lang ba ito napapakita? Malamang hindi, sa daming niyang kaibigan at sa dami naming malapit sa kanya eh alam ko sa sarili ko na napapakita niya ito sa iba. Hindi lang naman ako ang tao sa harap, likod at gilid niya.

"Ang yabang mo talaga, sana liparin ka rin ng hangin dahil sa kahanginan mo ng mawala yang kayabangan sa katawan mo"

Sana ganun din kadali mawala ang nararamdaman kung ito, sana liparin na rin ng hangin ang mga ito ng wala na akong problemahin.

"Wag ka nga minsan na nga lang magsabi ng totoo sinasabihan pa tayo ng mayabang"

May mga katangian ka kaya na ako lang yung nakakaalam at saakin mo lang ito pinapakita? Sana meron, kahit papano eh maalala ko sa sarili ko na naging espesyal ako sa unang tao kong minahal pero lahat ng mga sinasabi ko eh imposible pero imposible ngaba ang lahat ng mga sinasabi ko?

"ewan ko sa'yo, alis na nga ako"

Sa pag-alis ko ba eh may mga bagay ba sa buhay mo konektado saakin ang hindi mo maiaalis? Kung may posibilidad ba na bumalik ako eh masisilayan ko ba yang mga ngiti na yan na umaasa akong para saakin lang na alam ko rin naman sa sarili ko na ganyan ka rin makangiti sa ibang tao.

Unrecruited Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon