Babae pa rin ako

285 3 2
                                    

babala : 

opinyon na nga lang ito wag mo nang kopyahin ;)  

No to plagiarism 

ALL RIGHTS RESERVED 2013 STU

may pagkakataon talaga kung bakit gusto kong maging lalaki -.-  

di dahil gusto kong maging pogi ang akin parang mas masaya atang maging tulad nila . bakit ? ewan ko haha~ tingnan nyo kung tama ba itong sasabihin ko :

una ~  

di sila nireregla -.-  

di sila nagdudusa sa buwanang dalaw . di sila magastos sa napkin hindi ba ?at saka isa pa di sila naiirita . alam nating sa lahat lahat ang pagiging iritado ay isa sa pinaka nakakabanas madama . bakit ? parang eto kasi ung tipong gusto mong manakal tapos tumalon ng paulit ulit habang nakasabunot sa buhok at nakasimangot which is nakakabawas sa ganda . nakakawala poise ~ kapansin pansin agad tapos biglang may magtatanong ' bakit ang panget mo?' aba diba nakakairita ! pag ganun sira na ang buong araw mo .

pangalwa  

mababa expectations sa kanila  

di ko alam sa iba pero ito ay base lng nmn sa nakikita ko in general .  

pag babae ka kasi expected na dapat i meet mo ang expectations nila kung maari lagpasan mo pa para masaya haha ! dapat sa school nag eexcel ka , di bagay sau mag cutting , di bagay mapa detention di bagay sumuway ! at kung minsan ung school mo pa ung tinitingnan kung nag aaral ka lng sa di kasikatang school ang tingin agad ng iba ~ edi iba XD eh sa lalaki lahat yan bagay kung minsan lumalabas pa silang cool ! paKUL  

peace ;)

pangatlo  

di big deal ang pananamit .  

pag ang lalaki topless ~ hot agad :3 

ang babae pag nakasando ang banat agad 'ang kilikili ineng ahit ahit din pag may time xD ' oh di kaya ' ang hitad naman ' hello naka sando nmn sila ah xD pano kung naiinitan lng talaga ? na kesa sa mag mahabang damit at mapawisan mag ka amoy lng edi dun ka na sa kumportable hindi ba :3 at kitams kahit gaano pa kalago ang buhok sa kilikili ng mga lalaki ayos lng , iwas effort sa pag ahit eh sa babae ? di magandang tingnan eh paano nmn kung busy sila ? walang tyane ? o di kaya takot kasi mag ka breast cancer dahil di maiiwasang gumamit ng anti oxidant pesperant na sa katagalan ay pedeng mag lead sa cancer yes kung minsan ang ginagamit nating deodarant ay may ganitong epekto i search nyo XD para mas maliwanagan kayo dahil actually nabasa ko lng iyon sa isang article  

;) , eh kung may kahit konting buhok ang kilikili kahit papano may protection xD pero dahil masagwa ahitin na lng ?

pang apat  

mas matangkad sila .  

in general ulit ;) madalas asarin ang babae na pandak at sa kabilang dako hinahangaan at nagiging hearthrob ang dating ng mga lalaking matatangkad :D oha sikat wala pang lait na natanggap xD 

pang Lima 

walang plastic pag dating sa barkada .  

minsan mas masarap makisama sa mga lalaki ? bakit mas totoo kasi sila sa sarili dahil kumbaga wala nmn talaga sa knila ang poise poise at image thingy na yan ~ in that way they can express who are they really -.- sa babae ? uso plastikan dahil ayaw nilang may masabi sa knilang di maganda ~ ayaw masasabihan ng masungit kaya kung minsan kahit inborn na ang ganung personality madalas trying hard maging friendly .

pang anim  

bakit pag may gusto sila pwedeng manligaw ?  

crush pa nga lng nadiskarte na mga yan ~ eh tayong mga babae ? crush na nga lang nabobroken pa xD di tayo pwedeng mag first move dahil lam na 'MALANDI KA !' seriously agad agad ? para san pa ang kasabihang daig ng maagap ang masipag ? XD malay natin un ung pananaw nila ~ hahaha ! kaloka :D at saka parang ang laya nilang i-express ang nararamdaman nila i mean nakakagamit sila ng gantong paraan like panghaharana . haha anyway mangha po ako dun sa mga TORPE ;) saludo ako sanyo !

pang pito  

bakit tipid pag dating sa knila ?XD 

like pag js prom coat lng ang problema nila the rest hayahay na sa muka na lng ang magdadala XD eh satin hala sige ! gastos sa gown gastos sa heels gastos sa make up artist di nmn pwedeng ayos na ang basta bastang ayos dahil babae ka nga ;)

wahaha ! oh diba ang babaw lng XD ang masakit lng naman sa pagiging part bilang babae ~ nahuhusgahan agad , madalas mapuna , kalimitan negatives Ang tingin talaga . pero sa mga lalaki kahit anong kilos nila maiisip agad ng karamihan ganan talaga Lalaki eh ~ pag sa babae ? 'Kababae mong tao ' oh dba XD ang akin lng bakit parang ang dali maging lalaki ? gayunpaman ito ay sariling opinyon ko lamang base sa aking nasasaksihan :p but lastly swerte tayong mga babae pag may nagustuhan tayong pogi aba ayos  

:D eh pag lalaki ang mag kagusto sa kapwa pogi ? Huma husband lover ang dating xD kaya sa hinaba haba pa rin ng aking pagninilay aking napagtanto 'BABAE PA RIN AKO' .

un lamangs ~ salamat sa mga nagbasa ;* kung may icocomment po salamat :* 

Babae pa rin akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon