LETTERS FROM JANELLE

674 17 23
  • Dedicated kay Haveyouseenthisgirl Stories
                                    

A/N: Hi guys! 8issimmitry. New writer but not new supporter of wattpad. Matagal ko nang gustong magsulat dito pero di'ko magawagawa kasi di naman po ako rich at wala akong sariling computer. Ngayon nga ee through cp lang ako magtype kasi yun lang ang afford ko. Pero okay na yun kesa wala diba.

PAPER HEARTS: LETTERS FROM JANELLE

J-A-N-E-LL-E

She spelled her name through her letters.

She expressed her feeling through her letters.

And she made me fall inlove with her by her letters.

3 years ago nang maganap ang isang unexpected event sa buhay ko. Di inaasahan. Basta namgyari nalang.

3 years ago nang una akong makatanggap ng sulat galing sa kanya. Hindi ko pa sya kilala nun. Actually hanggang ngayon di ko panaman sya ganun kakilala. We never get the chance to know each other personally, well, sya kilala nya ko. Pero masasabi ko rin namang kahit papano ay kilala ko sya. Alam ko ngang pangalan nya ee. Janelle. As in J-A-N-E-LL-E. At higit sa lahat...

 kilala ko ang tibok ng puso nya.

___

 Nagbukas ako ng locker ko para kunin yung gagamitin ko para sa next subject ko. Nang makuha ko na yung libro ko isasara ko na sana ulit yung locker ko pero may isang bagay sa loob nito ang kumuha ng atensyon ko. Hindi ko naman kasi natatandaang may iniwan akong gantong bagay sa locker ko. Kinuha ko yun. Isang sulat na nakasulat sa isang simpleng stationary.

DEAR SHEANE,

    Una sa lahat, gusto kong magsorry para sa macoconsume kong oras mo sa oras na mabasa mo ang sulat na'to. Alam kong hindi basta-basta ang oras ng isang tulad mo kay sorry ulit.

 Osya di nako magpapaligoy-ligoy pa. GUSTO KITA SHEANE KURT SEYO. Gustong-gusto talaga kita.

 Una palana kitang nakita nagustuhan na agad kita. Ewan ko ba pero nung araw na yun sobrang bumilis ang tibok ng puso ko. Anlakas nga ee kaya  natakot ako na baka marinig mo yun kaya nagtatakbo ako. Haha. Baliw lang ee no.

 Gusto ko rin sanang makipagkaibigan sayo pero inuunahan ako ng kaba. Sino ba naman kasi nagpauso nun? Pero di lang naman kaba ang dahilan, natatakot din ako na baka tanggihan mo ang iooffer kong friendship sayo. Pansin ko kasi halos lahat ng mga kaibigang nakapalibot dito sayo ay yung mga kilala dito sa school. Yung mga sikat ba. Kaya sino ba naman ako para ihanay sa mga yun? Para ihanay sayo? Isa lang naman akong, well, isang estudyante dito na di kilala ang pangalan at tahimik lamangna nagmamahal sayo.

 Wala naman talaga 'kong balak sulatan ka at ipaalam sayo na gusto kita dahil alam kong marami kang pinagkakaabalahan kesa sa mga gantong bagay, kaya lang ay pinilit ako ng bestfriend ko. At nagpapasalamat ako sa pagpilit nya sakin dahil ngayin ko lang narealize na masarap pala sa pakiramdam ang masabi sa taong gusto mo ang nararamdaman mo para sa kanya.

 Sige at masyado nang humahaba ang sulat ko. Ingat ka lagi aa. Byebye. :-)

          FROM: J.

 First year palang naman ako at hindi ko akalain na may tumuturing sakin nang ganto dito sa school. Yun bang parang ang hirap-hirap kong abutin. Yun bang langit ako at lupa sya. Si Frankie ako at Mahal sya. Pizza ako at pandesal naman sya. Yun bang parang ganun na kung tutuusi ay hindi naman dapat dahil ako ay isang simpleng estudyante lamang dito na may angking kagandahang lalaki kaya pansinin. At saka di ko naman sinasadya kung pulos lahat ng mga kaibigan ko ee mga sikat dahil hindi naman ako ang nagpumilit na maging kaibigan sila. So why treat me that way?

 Pero di naman yan ang point dito. Ang point dito ay kung kanino galing ang sulat na ito.

 Clueless na apashrug nalang ako tapos ai binalik ko na yung letter sa loob ng locker ko. Hindi naman ito anf first time kong makarecieve ng letter from an anonymous but it's my first time to be engrossed in this kind of stuff. Ewan ko ba pero parang naramdaman ko yung sinscerity ng nagsulat.?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LETTERS FROM JANELLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon