Ako si Mat at mahilig ako sa minsan.
Ang totoo kong pangalan ay Mateena. As in Ma-Ti-Na. Pero minsan ay mali-mali ang pronunciation ng iba, wala pang class. Ew. Pero that doesn’t matter, I’m mostly known as Mat or Matty now.
Nasa 3rd year na ako ng high school, pero minsan ay feel ko na sophomore parin ako.
Nasa harap ang silya ko sa klase. Madami kasing distractions sa likuran, and by distractions I mean yung mga magkasintahang mahilig magharutan at mamatay-sa-kilig na tili ng mga babae nag-chichikahan. Ughh.
Minsan ay feel ko na napaka-iba ko sa lahat. Special kumbaga. Pero nawawala ang minsan na yon kapag nakikita ko ang mga rebeldeng estudyante na mukhang adik sa kapal at itim ng eyebags. Isama mo pa ang weird na weird na si Jako, otherwise known as the school freak. Naniniwala kasi siya sa lahat ng bagay na may kinalaman sa mga engkanto at iba pang kababalaghan.
Ay, mas special nga sila.
I’d also like to believe na mabuti akong tao. Pero minsan, ang sarap tirisin ng mga kuto. If you know what I mean…of course you know! Lahat ng babae nakaka-experience ng mga occasional catfights.
Kaya lang, iba ang pambato ko sa bawat laban. Well hindi naman talaga siya matatawag na laban dahil silent fighter ako. Kumbaga sa bawat taong ayaw ko, dedma lang ang peg. Pa-roll-roll lang ang eyes sa bawat eksenang nakakadiri---
“Hay naku! So hot naman the weather! I hate kapag nabibilad ang beauty ko, pagoda kaagad ang lola mo!”
Heto na. heto na siya. Presenting… ang aking BFF aka ang pambansang bungangera,
“BEKS IS HERE! OHMYGASH PEOPLE YAN LANG BA REACTION NIYO? YOU’RE NO FUN TALAGA. GANYAN LANG ANG REACTION NIYO SA ISANG DIYOSA? HALER!” namaywang ang sabing “diyosa”. Kinindatan niya ako sabay flip ng hair. Bakit ko nga ba siya bespren?
“Alam mo minsan nag-aalala na ako kay Chan, talaga bang hindi mo siya ginayuma?” napangiti siya sa tanong ko.
“Thank you for that very wonderful question. But no. My boyfriend is simply obsessed with me kaya hanggang ngayon ay kami parin. Many have come but I have been chosen. Among all the apples, I was the reddest. Kaya ako ang pinili ng prinsipe. Sadyang nakakabighani lang talaga ng ganda ko, once tumingin ka…you can never look away.” Tinapos niya ang speech niya with a pose and a wave.
Baliw talaga.
At yes. Siya, ladies and gentleman, ang bestfriend kong maypagka-beki na laging nagtatanggol sakin kapag maraming mga kuto ang gustong sumipsip ng dugo ko. Hehe, siguro yun rin ang dahilan kung bakit tinitiis ko ang kabaliwan niya.
Joke. Pag-narinig ako nun’ siguradong lagot ako.
Naupo siya sa tabi ko at nagkwento tungkol sa date nila kahapon ng boyfriend niyang si Chan. All too soon ay nag-ring na ang bell na nag-huhudyat na magsisimula na ang first period.
---------------------------------------------------------------------------
My name’s Rick, and I’m as curious as a cat.
Especially sa mga bakit. And I’m sure curious din kayo right?
Like bakit Rick ang tawag sakin ng karamihan kung ang totoo kung pangalan ay Patrick. Bakit hindi Pat, oh di kaya ay Patrick? Maybe dahil ginamit ko yun as stage name sa art class namin. Nag-stuck siguro sa audience.
I’m already a junior, pero bakit feel ko ay sophomore parin ako? Siguro na hung-up pa ako sa mga previous activities ko sa second year. It was a pretty awesome year after all.
Ang silya ko ay nasa gilid. Sa tabi ng wall sa left side ng classroom. Nasa ikatlong row ako, ayoko kasing makita ako ng teacher na humihikbing. Believe it or not, hindi ako delinquent.
Pero bakit ang sarap matulog sa time ng physics? Natutulog din naman ako sa time ng ibang subjects, pero talagang himbing na himbing ako kapag physics class na. Nanaginip at nagse-sleep talk panga minsan. Animo’y boses ng teacher namin ang nagsisilbing lullaby ko.
Hmmm… I guess nabo-bore lang talaga ako sa mga tinuturo niya.
Mahilig din akong mag-draw. Pero hindi yung mga puchu-puchung sketches lang. Museum exhibit-worthy yata ang lahat ng gawa ko. Ehem.
But why is it na ni isa ay wala pang nakaka-interpret ng paintings ko without me explaining it to them? Laging mali ang understanding nila sa messages ng paintings ko. Mismong art mentor ko nga eh hindi makuha ang meaning behind my artworks.
Tsk. Tsk.
Hindi ko napansin na may tumabi na pala sa akin. “Dude! Ano ba? Nagde-daydream ka ba? “ kinabig ako ng katabi ko, “Yucks. Sino ba iniisip mo? Si Mrs. Solieta noh? Ew! Get it together dude, alam kong lapitin ka sa mga chicks but to have romantic feelings towards our 46 year-old teacher is just plain…gaaaah! ASDFGHJKL!” at tuluyan na ngang nag-hysterical ang gago.
“Ulol. Bakit ko naman magugustuhan si Mrs. Solieta? And bakit naman sa dinami-dami ng teachers natin eh siya ang una mong nabanggit? Ha? Siguro ikaw ang nagde-daydream sa kanya noh?” nanlaki ang mga mata nito, “Ew. Yucks. NO FREAKING WAY! What in the name of all Greek gods and goddesses are you talking about? Grabe yata ang tama mo dude!”
Napailing nalang ako. “I could say the same about you. Masyado kanang na-contaminate ni Vic. Haaay… nasan na ang normal kong kaibigan noon?” pabiro kong sinabi.
“ABA ANONG IB—“
“Good morning class. I expect you to have finished the project I assigned to you before. I’ll collect those at the end of the class, now if you could turn your books to page…”
Naputol ang usapan naming ng pumasok na ang terror naming first period teacher. We all sat down and shut our mouths as she gave us a reprimanding look. Terror talaga, hayst. And to top it all, she’s always 7 minutes early sa bawat klase.
Hindi ko na namalayan na nag-ring na pala ang bell na nag-huhudyat na magsisimula na ang first period.
---------------------------------------------------------------------------------
A/N: yo. i srlsy dont know how this works tbh