┗━━━━━━━ dee ━━━━━━━┓
𝚊𝚞𝚐𝚞𝚜𝚝 𝟸𝟼, 𝚜𝚞𝚗𝚍𝚊𝚢, 𝟷:𝟷𝟶 𝚙.𝚖.
"Ano na? Nag-reply na ba?" Shishi asked habang sinisintas niya yung left pair ng black Converse niya. Nakainom na naman siya. In lieu of water kasi, beer ang ininom niya kaninang nag-lunch kami.
"Hindi pa rin, eh," sabi ko. I sent another message to Helen but she still had not responded. "I already called her twice na rin."
He sat next to me. "Baka tulog pa?"
I brushed my palms on my face. "Ang malas ko ngayon. Gwen's not available din. Bukas pa sila uuwi dito sa Pilipinas."
"Saan ba sila galing?"
"Hong Kong," I said and let out a sigh. "Helen literally sleeps sixteen hours a day kapag wala siyang pupuntahan. But not today. 'Wag ngayon."
"Oh, eh paano 'yan?" tanong niya. "Ihatid na lang din kita do'n kung gusto mo. Gisingin mo na lang siya kung tulog pa."
"Yeah. I guess that's a good idea."
"Good talaga. Mas may utak kasi 'ko sa'yo." Tumayo na siya at kinuha na ang mga susi niya. "Ano? Tara na?"
Tumayo na rin ako bitbit ang bags ko. Nakaligo na ako, wearing the same jeans but with a fresh shirt. The bathroom beside the studio was for guests lang and it was never used for showering, ginagamit niya lang daw yun kapag wala siya sa kwarto niya to answer Mother Nature's calls kasi may isa pang bathroom sa master bedroom, kaya walang toiletries sa loob ng shower area. So I had to borrow his stuff.
Binuksan niya yung pinto ng room niya when I knocked—with a shampoo bottle, a bar of soap, and a toothpaste tube—nang half-naked at may towel lang na naka-wrap sa hips niya. He had a tattoo on his left chest pala, right below his collarbone. It was minimalist, probably an inch or so, and lining lang in black ink. But I did not look long enough to see what it was.
Nakasimangot siya noong inabot niya sa akin yung mga hiniram ko kaya nag-sorry ako. But he seemed taken aback sa apology ko kaya sinabi niya na okay lang at bilisan ko na lang daw kasi gagamitin niya. Maliligo pa lang pala siya.
We went out of his unit and headed to the elevator. Tiningnan ko si Shishi from the mirrored walls. Ang laki ng sugat sa lips niya, but mukhang sarado na. I should have offered to treat his wound man lang, but I forgot about it dahil sa dami ng sarili kong issues na iniisip ko. Sa bagay, hindi ko rin nagamot yung sa akin. Nagkaroon ng bruise yung side ng lips ko at maliit na sugat. But barely noticeable naman yung sugat.
Sobrang simple lang ng suot ni Shishi. He wore a Macbeth T-shirt and black slim-fit jeans. Hindi siya halatang sikat na musician pero napaka-eyecatcher niya pa rin.
When we got to the basement parking, nagsindi siya ng cigarette habang nauuna siyang lumakad. Nasa likod lang niya ako habang nakatakip ang isang kamay ko sa ilong ko at pinapaypay yung usok ng cigarette niya na sa akin napupunta.
Binuksan niya yung door ng back seat and ordered me to put my things there, which I did kasi nakakangalay. "Sa loob ka na para 'di mo maamoy yung usok."
"It's fine," sabi ko na lang kasi ayokong magmukhang masyadong maarte. Naiinis na nga ako sa asthma ko, eh.
"Bumili ka ng bagong inhaler mo mamaya para may ginagamit ka kapag nakila Helen ka na," nakakunot noong sabi niya before blowing out smoke sa kabilang direction. "Bakit ba wala kang dala?"
"Nasa school bag ko kasi yun, eh. I didn't expect naman na may gano'ng mangyayari last night."
"Kahit na. May hika ka pala, dapat palagi mo 'yong dala."
BINABASA MO ANG
Dominika (Pale As Dead I) | COMPLETED
Genç Kız EdebiyatıA chaotic people-pleaser. A hot-headed bruiser. And a clusterfuck of a school year. ∘ ⸻ ∘ Dee Yurieva only wishes to forget the sudden disappearance of her boyfriend and the misery he has left behind by transferring to a new school to start afresh...