The Girl In The Cemetery(One Shot)
. . .
Nobyembre 1, 2003
Naglalakad kami ng mga kamag-anak ko papunta sa sementeryo ng papa. Kakamatay lang niya nung isang taon, kaya unang beses lang ako makabisita dito dahil may intrams kami nung namatay si papa.
"Okay ka lang ba Richard?" tanong sakin ni Tita.
"Okay lang po." ngumiti ako ng pilit.
"Hindi, okay lang saamin kung iiyak ka. Tutal nag-iisa ka nalang sa pamilya niyo." hinihimas ako ni tito sa likod.
"Okay lang po, hindi naman sinadya na mahulog siya." napayuko nalang ako sa pag-aalala.
Bakit kaya hindi ko nalang siya pinigilan nun? Mas pinili ko pa ang intrams, siya na nga lang ang nag-iisa kong pamilya, hindi ko pa inalagaan.. Namatay ang nanay ko dahil sa tumor at hindi man lamang ako nabiyayaan ng kapatid. Nag-iisa nalang ako.. tama sina tito.
"Aalis lang muna ako saglit." sinabi ko dahil pag nakikita ko ang burol ni tatay, hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko.
"Ah.. sige, pagdadasal muna namin siya." pilit na ngiti ni tita, nagsimula na akong maglakad.
Tinignan ko ang orasan ko, ala syete ng umaga. Tumingala ako sa sinag ng araw, ng may bumagsak na rosas sa ilong ko.
"Huh?" nahulog ang rosas at pinulot ko "San ka nanggaling?"
Lumingon ako sa paligid pero walang rosas doon, tumingala ako sa mga puno at nakakita ako dun na babaeng nakatingin sa isang direksyon. Nakaputi na medyo mansyado ng pula at may hawak na rosas, sakanya ata 'to?
"Miss! Sayo ba to?" hindi ako marunong umakyat ng puno kaya inangat ko nalang ang rosas para makita niya.
Ngumiti lang siya sakin "Sayo na'yan, mukhang mas kailangan mo pa 'yan kesa sakin."
Parang nasaktan ako sa pagkakasabi niyang yun.. Hindi ko rin maintindihan.
Nasa bahay na kami, nakitira muna ako sa mga tita ko habang hindi pa tapos sa college.
"Oh? Bakit nakahiwalay ang rosas nayan diyan? Dito mo nalang ilagay." tinuro ni tito ang mga bulaklak sa sala nila.
"Okay lang po, espesyal sakin to kaya nakahiwalay." hindi ko rin talaga alam kung bakit espesyal siya, basta nararamdaman ko nalang.
Nobyembre 1, 2004
BINABASA MO ANG
The Girl in the Cemetery
Short StoryShe's a very weird girl, Ang una kong impresyon sakanya, parati ko nalang siya nadadatnan tuwing pupunta ako sa sementeryo. Siya lang ata ang babaeng hindi sinasadyang aabutan ako ng rosas sa tuwing kinakailangan ko. She's an enigmatic girl I want...