chloe's pov
After class pinatawag kami sa HM's office. Nagtaka ako dahil bakit pati sina wave kasama. Ang alam ko kasi ay yung mga bagong students lang ang pinatawag. Pati na din yung mga sinasabi nilang pinabalik sa mission.
Dumiretso kami sa HM's office.
Nakaabang sa may pinto ang mga ailward. Medyo naunang tumapat sa pinto ang tropa. Nagtaka ako dahil nung kami ni Tita ang pumunta dito ay kusang bumukas ang pinto. Pero ngayon wala. Nasa pinakahuli ako kaya pumunta ako sa unahan na katapat ng pinto.Nagulat kami dahil yumuko ang mga ailward sakin kasabay ng pagbukas ng pinto.
Woah. Dahil ba sakin yun o sadyang nagkataon lang?
Tiningnan ko ang mga kaibigan ko pero gulat pa din sila. Nanguna na ako sa pagpasok sa loob dahil mukhang wala silang balak pumasok. Sumunod na din naman sila sakin sa pag pasok.Nang makapasok na kami ng tuluyan may ilang estudyante na ang nandun. Tiningnan nilang kami or should I say, ako dahil parang pilit nila akong inaalala o kinikilala.
Kahit na naiilang ako sa mga titig nila ay hindi ko pinahalata
"Good afternoon HM" bati ko Sabay yuko.
Binati din Saya ng mga kasama ko."Good afternoon every one"
napatingin kami sa mga dumating, binati sila ng lahat at nagbigay galang, hinahatak ako ni wave para yumuko pero iba ang ginawa ko.
tumakbo ako papunta sa kanila at niyakap ng mahigpit. hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko habang yakap ko sila. god! i miss them!!
"i miss you both" yun lang ang nasabi ko. sana naman sunduin na nila ako dito at isama sa pag alis nila, ayoko na dito, gusto o na silang makasama ulit.
"we miss you too princess" sabi nila pareho.
"susunduin nyo na ako?" tanong ko.
nagkatinginan naman silang dalawa at saka tumungin sakin. sabay silang umiling kaya napasimangot ako. ehh anong ginagawa nila dito? ehh next month pa ang dalaw sa mga estudyante ehh.
kumalas ako sa yakap nila. "ehh bakit kayo andito?!" sigaw ko sa kanila ng maypagtatampo.
may narinig naman akong nag gasp sa likod at napalingon kani nina tita sa kanila.
yes sina tita po ang andito. nakakainis dahil hindi naman pala nila ako susunduin pero andito sila, ang alam ko kasi ay hindi pinapapasok ang mga magulang o guardian dito kapag hindi araw ng dalaw.
"ayy nakalimotan ko, may kasama pala tayo hehehe" sabi ko sa kanila.
nahiya naman ako sa inasal ko. -_-
"okey so can we start?" tanong ni tita, tumango naman si HM.
pumunta sa unahan sina tita at tito. hinatak naman ako ni wave paupo sa tabi nya.
"ikaw sis ahh, may hindi ka sinasabi samin" bulong nya.
"oo nga, kaano-ano mo si queen maureen at king arman?" bulong din ni lea sakin
"they are my tito and tita" bulong ko din.
"akala namin parents mo sila dahil tinawag ka nilang princess" sabi ni daniela
"alam nyo mamaya na tayo mag-usap usap sa dorm, sa ngayon makinig muna tayo kung ano ang dahilan kung bakit tayo pinatawag dito, sasabihin ko sa inyo lahat about sakin at sa past ko okey? sa ngayon manahimik muna kayo at lahat ng tanon nyo mamaya ko sasagutin" sabi ko sa kanila. para hindi na sila magtanong ng kung ano-ano pa.
"okey student thank you for coming here, alam ko nagtataka kayo kung bakit namin kayo pinabalik mula sa mission, pero ba ko sabihin yan nais ko muna ninyong makilala ang ating prinsesa ----------"
"ayy tita wag mo na sabihin!!! hindi naman ako pinsesa ehh, prinsesa nyo lang ako ni tito pero hindi nila!!" sigaw ko with matching tayo pa yan. ehh nakakahiya kaya. waaaaaaa lupa kainin mo na ko please!! lahat sila nakatingin sakin, huhuhu napakagat na lang ako sa ibabang labi ko para itago ang hiya ko. tsk kasalanan to ni tita ehh.
sinenyasan naman ako ni tito na lumapit kaya lumapit ako sa kanila. nasa harap na ako ngayon ng mga estudyante, huhuhu ang dami nila, sana hindi na nila ako natandaan pagkatapos nito, sana maumpog sila sa kung saan at mawala ang memory nila. bad ba ako? hindi naman, medyo lang, hehehehe
sumuksik ako sa likod ni tito. tinatago ang mukha ko sa kanila, waaa nakakahiya talaga!! mukhang nagpipigil ng tawa si tita kaya kinurot ko sya sa tagiliran, napahiyaw naman sya sa ginawa ko kaya tiningnan nya ako ng masama. tss
"okey so kagaya ng sinabi ko kanina, meet our princess, precious chloe levinson" sabi ni tita sabay hatak sakin.

BINABASA MO ANG
EXTRA ORDINARY HOLDER
FantasyA/N Hi wattpaders!!! kaway kaya :) actually this is the first time na gumawa ng story so di ko alam kung magiging maganda to (^_^V) SORRY NA kung may mga wrong gramarssss ako ha? di naman kasi ako matlino -_- pinapauna ko na pong sabihin na lahat po...