Ara's POV
"Oh? San lakad mo?" Tanong ko kay ompeng ng mapansin kong bihis na bihis ang mokong
"Diba nga magchichick hunting kami na Jameson" sabi nito ng di nagpapatinag sa pagsusuklay ng buhok
"Maghahanap palang pala kayo, yung porma mo parang diretso date na?" Sabi ko. Nakapolo pa kasi ang mokong, feeling JS yata eh. Hahahahaha
Nagsuot ako ng sapatos.
"Bakit? Oa ba?" Tanong nito
"Hindi naman" sarcastic kong sagot. "Oa na oa lang!" Saka ako tumawa. "Amoy na amoy ka nga sa kapitbahay, sangsang!" Napakamot na lang ako sa ilong ko
Grabe naman kasi yung amoy nya, parang naligo sa pabango eh
"Masangsang ba?" Inamoy nya ang kili kili nya. "Oo nga noh?"
"See?" Tumawa na lang ako. Palibhasa first time eh. Hahahaha
"Ewan ko ba, parang kinakabahan kasi ako Ars eh, alam mo yun? Parang may magandang mangyayare ngayong gabi" ngumiti ang mokong na parang nagiimagine.
Tumayo na ako, inayos ang pantalon ko saka isinukbit ang bag sa balikat ko. "Nako nako ha? Kung magdadala ka ng babae ngayong gabi, ayusin mo ah!" pagbabanta ko dito.
"Hoy! Grabe ka naman!" Sabi nito. "Teka nga, papasok ka ba?"
"Di ba obvious?" Tanong ko dito. Nanalamin ako sa TV saka inayos ang buhok ko.
"Kelan mo ko kakausapin ng matino?" Naiinis na sabi nito
"Ito naman, joke lang. Sige na baka malate pa ko" sabi ko
"Teka! Diba sobra kang mapapagod nyan? Hanggang anong oras ba shift mo? Maaga ka pa aalis bukas ah? Kakayanin mo ba?" Pag aalala nito.
"Alam mo brad, wala akong di kakayanin" ngumiti ako dito sabay kindat.
"Aish! Magkakasakit ka naman nyan sa ginagawa mo eh, kung pinoproblema mo tong bahay, diba nga sabi ko sayo ako muna bahala sa kang" offer nito.
"Thom, napag-usapan na natin to diba? Pumayag ako na sumama ka saken dito sa apartment kasi sabi mo naglayas ka sa bahay nyo, gusto mong matutong tumayo sa sarili mong paa, pero sabi ko diba? Share tayo sa house, alam mo yung stand ko dyan" sabi ko
"Hey Ars, di ko naman pera yung gagamitin eh, dont worry labas sa ATM ko yun, kinita ko yun sa coffee shop, and isipin mo na lang magpapaluwal muna ako tapos bayaran mo na lang kunwari ano, uhm, kapag nakaluwag ka na. Ganon" sabi nito
"Thom talaga! Basta, pag-usapan natin pag-uwi ko ha?"
"So papasok ka pa rin talaga?"
"Kelangan Thom"
"Pero maaga alis mo bukas, lagari ka nyan"
"Ok lang, 5am naman uwi ko bukas tapos 10am pa naman flight ko pabora"
"Sure ka? Ihatid na kaya kita ngayon? Gabi na eh"
"Thomas, wag kang umarte" sabi ko. Pano, babanat na naman to for sure. Aish! Hahahahaha "Magdadalawang taon na kong nagtatrabaho sa bar, puro gabi shifting ko diba? Baka sanay na ko" pamimilosop ko dito.
"Aish! Grabe ka naman kasi eh, dont tell me bukas papasok ka pa sa Coffee shop? Pinagpaalam na kita kay Boss" sabi nito
Umiling naman ako "Nagpaalam na din naman ako" kinuha ko yung helmet ko. "Sige na aalis na ko, daldal mo eh"
"Hahahahaha baliw! Ingat ka bro" sabi nito.
"Ikaw din! Goodluck mamaya" thumbs up ko dito.
Tumango naman sya saka ngumiti.