Ako Sana Yun

127 7 5
                                    

Ako Sana Yun

-------------

Ang ganda talaga ng mga mata niya.

“Hoy! Tulala ka na naman! Naiinlove ka na siguro sa akin noh? Hahaha. Yieeeee.”

Nagpanggap akong naiinis.

Kahit na alam ko sa sarili ko na totoo ang sinasabi niya.

“Umasa ka. Hahaha. Bleeeeh!”

Natutuwa ako dahil ang cute niyang mainis.

“Che! Hindi ka na maloko! Bahala ka nga dian!”

Tumakbo siya palayo.

At ng nakakalayo na siya, bigla siyang sumigaw,

“HOY JEROOOOOOOOON!!!!! ANG PANGIT PANGIT MONG KULOT KA!!!!!!”

Natawa naman ako.

Para akong tangang tumatawa dito.

Pakiramdam ko kinikilig ako sa first love ko.

Sabihan niyo man akong bading pero eto talaga ang nararamdaman ko para sa kanya.

Para kay Bianca.

Lumipas ang mga araw at lalong lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya pero hindi ko masabi-sabi sa kanya.

Ang torpe ko, oo.

Unang-una, dahil bestfriend ko si Bianca.

Natatakot ako na baka maapektuhan ang friendship namin.

Ayun nalang ang tanging bagay na pinanghahawakan ko kaya hindi ako makakapayag na pati ayun ay mawala din.

“Jeroooon!!!”

Boses palang, alam ko na siya agad yun.

“Oh. Bianca.”

“Hindi mo ba ako namiss?”

Miss na miss kita. Gusto kitang yakapin.

Gusto ko akin ka lang, Bianca.

“Hahahaha. Bakit naman kita mamimiss?”

Nakita ko sa mga mata niya na nalungkot siya. Posible kaya?

Posible kayang gusto niya din ako?

“Kasi maganda ako, Jeron! Ano bang problema mo? Hahahaha. Ang ganda ganda ko kaya dapat mamiss mo ako.”

Nagpout pa talaga siya.

Hayyyy. Kung alam lang niya na natutukso akong halikan siya. =_______=

Bianca, bakit ba mahal na mahal kita?

“Nagmamaganda ka lang eh.”

“Ewan ko sayo, Jeron! Lagi mo naman akong inaaway eh. Nakakainis ka na ha!”

Bago pa siya mag walkout eh pinigilan ko na siya.

Hinawakan ko ang braso niya.

“Ohh. Aalis ka na naman.”

“Eh kasi naman lagi mo akong inaaway eh! Naturingan kang bestfriend ko, ganyan ka. Hindi mo ba ako love?”

Seryoso siya ng tinanong niya yun.

“Ano bang klaseng tanong yan? Syempre mahal kita.”

“Ha, Jeron? Mahal mo ako?”

Ako Sana YunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon