CHAPTER 1
“Hoy! Ms. Yunaline Sarmiento, first day ng klase natin ngayong 2nd sem libro na agad ang hawak mo”
Bungad na bati ng kaibigan nitong si Malou.
“Alam mo namang huling sem na natin ito kaya dapat mag-aral, at pwede ba wag mo ako tawagin sa buong pangalan ko.”
Sa lahat kasi ng nakilala niya, ito lamang talaga ang bukod tangging tumatawag sa kanya ng buong pangalan.
“Ito naman masyado kang seryoso diyan sa pag-aaral, mag-saya ka naman kahit minsan, ikaw na ang nagsabi last sem na natin kaya dapat magsaya na tayo, lubos-lubusin na natin tong sem na ‘to”
Isang buntong hininga na lamang ang nagging sagot niya, may punto naman kasi talaga ito kaya lamang hindi niya talaga maaaring baliwalaain ang kanyang pag-aaral lalo na gagraduate na sila, idagdag pa na nasa dean list siya at running for magna cum laude pa, sa kanya din umaasa ang pamilya kaya kung todo aral siya.
Biglang naputol ang kanyang pag-iisip dahil sa tilian ng mga kaklase niya babae, agad dumako ang kanyang mga mata sa gawi ng pinto at doon nakita niya ang dahilan ng pagtili ng kanyang mga kaklase.
It was Atheros De Ocampo, a certified heartthrob in their University but also a certified playboy. Never na ata ito nawalan ng girlfriend at kada buwan iba-iba.Pero hindi niya naman masisi ang mga kababaihan sa kanilang Unibersidad kung bakit sila nahuhumaling dito. Sadya namang biniyayaan ito ng Diyos ng isang maamong mukha, Atheros had a pair of beautiful eye, he had a short but wavy hair na lalong nagpalakas ng appeal nito, matangkad din ito kumpara sa mga kaedaran nito. Pero kahit ganoon kahit minsan ay hindi siya nahumaling dito. Oo na-aappreciate niya ang gandang lalaki nito pero hanggang doon lang iyon, alam naman kasi niyang malabong mapansin siya nito.
“Wow! Classmate pala natin si Mr. Heartthrob.”
Kinikilig na sabi ng kanyang kaibigan.
“Hay! Naku Malou, tigilan mo nga ang pagpapantasya sa kanya. Di ka niya mapapansin.”
Nasa libro pa rin ang mga mata niya.
“Ano ka ba naman Yunaline napaka-nega mo, malay mo naman mapansin niya din ako diba? Malay mo siya ang Prince Charming ko.”
Isang buntong hininga na lamang ang nagging sagot niya. Bilib na talaga siya sa fighting spirit ng kaibigan niya.
Maya- Maya lamang ay dumating na ang prof nila. Laking gulat niya nang sa tabi niya umupo si Atheros. Isang matalim na titig agad ang natanggap niya sa mga kaklaseng babae, at isang thumbs up naman galing kay Malou.
~O~o~O~o~O~o~O~
“Ang dami namang tao.”
Reklamo ni Malou. Katatapos lamang ng klase nila ng mga sandaling iyon at nasa cafeteria sila para kumain pero sa dami ng tao mukhang malabong makakain sila, hanggang may napansin siyang isang bakanteng mesa. Agad niyang hinila si Malou patungo doon pero saktong paghawak niya sa upuan ay may isa pang humawak dito.
Nilingon niya ito, laking gulat niya ng makita ang kaagaw niya. It was Atheros and his friends, Naujin and Cliff.
“Ah! Sige Miss kayo na dito, maghahanap na lang kami ng iba pang bakanteng upuan.”
Nakangiting sabi nito.
“Pwede naman kayo sumalo samin,mukha namang kasya tayo dito.”
Nakangiting sabi ni Malou na halatang kinikilg.
Isang matalim na titig agad ang pinukol niya sa kaibigan pero isang ngiti lang ang nagging sagot nito.
“Sure kung ok lang sa kaibigan mo.” Sagot ng binata na ang tinutukoy ay siya.
“Ok lang sa kanya, Diba Yunaline?” nakangiti pa ring tanong nito.
Tango na lamang ang nagging sagot niya. Gulat man ay wala na siyang magawa kaysa naman ipahiya niya ang kaibigan niya.
Nang makaupo ay doon niya lamang napansin na sa kanila na pala nakatuon ang pansin ng mga tao sa canteen. Agad niyang sinipa ng mahina ang paa ni Malou dahil magkatapat lamang sila. Isang matalim na titig muli ang ibinigay niya dito.
Humanda ka sakin mamaya Malou!!!!
Sabi niya sa sarili at mukhang nabasa ng kaibigan niya ang iniisip niya kaya isang peace sign ang sinagot nito.
“So,Yunaline pala ang pangalan mo.”
“Ha?” gulat na sabi niya.
Siya ba talaga ang kinakausap nito?.
“Sabi ko Yunaline pala ang pangalan mo.”
Nakangiting sabi nito.
“Ah, Oo.Yuna na lang si Malou lang naman ang trip na trip tawagin ako sa buong pangalan.”
Naiilang na sagot niya, hindi naman kasi siya sanay na kinakausap nito. Kahit nga kanina na magkatabi sila hindi siya kinakausap nito e.
“Oh! I see.”
“Magkakilala kayo?” tanong ni Naujin na katabi lang ni Malou.
“Ngayon lang, she’s my classmate in my Marketing subject.” Nakangiti pa ring sabi nito.
Adik ba ‘to sa ngiti, lagi na lang nakangiti.
Sabi niya sa sarili.
Tapos na ang klase nina Yuna pero naiwan sila ni Malou sa room, ugali na nilang magkaibigan iyon na laging nagpapahuli sa pag-uwi. Wala naman silang ginagawa doon kundi ang mag-kwentuhan ng kung anu-ano.
“ Grabe talaga kanina Yuna, akalain mo iyon nakasabay natin sa pagkain sina Atheros. ”
Hyper na naman ang kaibigan niya.
“Oo na.Nakailang ulit ka na nga e.”
Mula kasi ng bumalik sila ng room nila kanina, wala na itong ibang bukambibig kundi ang naganap sa cafeteria.
“Hay! Naku! Yuna kalian ka ba magkaka-amor sa mga lalaki, sige ka tatanda kang dalaga niyan.”
“so beat it, Ang dami ko pang responsibilidad ngayon kasama na doon ang pamilya ko kaya wala akong panahon sa mga lalaki, sakit lang sila sa ulo.”
Narinig niyang bumuntong hininga ang kaibigan niya bago nagsalita.
“Tatanda ka ngang dalaga niyan.”
Hindi niya rin alam pero kahit kailan ay hindi niya pa talaga naranasang maattrack sa opposite sex, alam niya naman sa sarili niya na babae siya, may mga nanliligaw naman sa kanya pero kahit isa sa mga iyon ay wala siyang pinansin.
BINABASA MO ANG
Pustahan Mahal kita...Tataya ka ba? (On Hold)
Teen FictionWalang pakialam si Yuna sa mga lalaki ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang kanyang pag-aaral ngunit nagbago ang lahat ng bigla na lang sumulpot si Atheros sa buhay niya. Ngunit kung kailan naman handa na siyang magmahal doon niya naman siya masasa...