Chapter 20: Confession

465 5 0
                                    


"Marami na tayong nasasayang na oras, Zeryll. We need to move, baka maunahan pa tayo." Litanya ni Xyrene.

Dinalaw niya ako dito sa bagong condo ko para alamin kung anong nangyayari na sakin.

"I know, Xy. I'm sorry if I'd been busy these days." Hinging pasensya ko.

I'm aware na nakukunan na ang oras ko na para sa TGA dahil namatay si Lucas at kelangan ko tulungan si Farah na mag-cope up.

"I understand what you had been into, Zeryll. Alam ko na may batang kelangan ka ng mga panahon nayun, but this time, kami naman ang nangangailangan sayo. TGA needs you."

"I know. That's why I'm back. Pero tatapusin ko muna ang Goddi Mafia bago ako kumuha ng panibago."

"I'm glad to hear that. So kelan mo planong umalis?" Tanong niya uli. Bakit ba parang atat siya na magtrabaho ako uli? Tss.

"Bukas. Pakisabi kay Nyx na kelangan ko ang jet."

"Sige, makakarating sa kanya. Mag-iingat ka bukas. Sino nga pala ang maiiwan kay Farah dito?" Takang tanong niya.

"Yung kinuha kong maid. Summer Ignacio."

"Ahh, yun ba yung nagbukas sakin ng pinto? Mapagkakatiwalaan ba naman yun?"

"Yeah, I think so. Si Nyx ang nagsuggest eh. Meron naman akong profile niya at backgrounds ng buong pamilya niya. I can't see anything suspicious." Sagot ko.

"Okay, if you so. I think I have to go, I just dropped by para bisitahin ka." Saad niya saka tumayo na.

Agad rin naman ako tumayo at iginiya siya palabas ng office ko.

"Wag mo na ako ihatid, I can manage. See you tomorrow." Paalam niya sakin pagkarating sa living room.

"Sige. Ingat ka palagi." Lumabas na siya ng condo ko.

Napa-upo ako sa single couch habang pinaglalaruan sa isip ko kung anong gagawin ko sa Goddi Mafia. Nabulabog ang pag-iisip ko nang may nagbell.

Sino na naman kayang bisita ang nandito ngayon?

Tinungo ko ang pintuan saka sumilip sa peephole. Tch! It's Slate. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Gabi na, anong ginagawa mo dito?" Deretsong tanong ko.

"Manliligaw." Nakangiti niyang sagot sabay lahad sakin sa isang bouquet ng mga mamahaling bulaklak at isang box ng Ferrero Rocher.

I can't help but to roll my eyes on him saka maluwag na binuksan ang pinto para papasukin siya.

Isinara ko agad at ini-lock ang pinto pagkapasok niya. Nakita kong inilapag niya ang dalang bulaklak at chocolate sa center table saka umupo sa couch.

"Masyado naman yatang late yang panliligaw mo, Slate. FYI, mister. Mag-a-alas onse na ng gabi, nakatulog na nga si Farah sa kahihintay sayo. Bakit ngayon ka lang?" Mataray kong saad sa kanya habang nakataas ang kanang kilay at umupo sa katapat na couch.

Ngumisi siya sakin at nanunuksong tumingin bago sumagot..

"Sorry, babe. May inasikaso lang kasi kaya natagalan ako sa pagpunta dito.."

"At ano naman ang inasikaso mo? Bakit? May business ka ba dito? Diba nagbabakasyon ka?" Wari'y imbestigador na nagtatanong ako.

"Ayeeeeee. Ikaw talaga, babe. Halatang miss na miss mo na ako at talagang hinihintay mo akong dalawin ka dito. Wag kang mag-alala, babe. Babawi ako sayo. Kung gusto mo nga eh tabihan kitang matulog ngayon para masulit mo naman ako." Nakangising sagot niya at talagang kinindatan pa ako ng loko! Hambog nito!

TGA: The Lost Ultimate Hacker AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon