"Ma alis na po ako"sabi ko at lumabas na nang bahay"Ingat"sigaw ni mama
Tumakbo ako papunta sa school,kailangan ko maaga pumasok sa school nandun kasi ang libro at nasa libro na yun ang assignment na ngayon ipapasa nakalimutan ko kasi kahapon iuwi
"Aray ko"sigaw nang lalaki
"Hindi ka karapat rapat dito sa school na to"sigaw nang lalaki at may narinig akong lalaking umiiyak
Kaya tumakbo ako papunta sa lalaki na pinalilibutan nila
"Alis nga"sigaw ko at inipon ko ang lakas ko para matulak yung lalaki nakaharang
Kaya napatingin sila sa akin
Wala akong pake sa kanila kaya tumabi ako sa lalaki na binubully nila
"Tara dalhin kita sa hospital"sabi ko sa kanya
Wala na akong pake sa assignment ko
Itong lalaki na to ay delikado na kaya aabsent ako ngayon para sa kanya
Nilagay ko ang isang kamay nya sa balikat ko kahit mabigat sya inaalayan ko pa rin sya
"Sa-salamat"sabi nya at nilagay nya ulo sa balikat ko
"Wala yun"sabi ko at pinaupo ko sya sa upuan nang kotse ko,sinuot ko sa kanya ang seatbelt
Pumunta ako sa driving seat at pinaandar ko na
Ako si Aria