Summer is over.. Pasukan na naman... Finally malapit na kong grumaduate.. Tumigil ako ng isang taon.. Kung iniisip nyo na bulakbol ako, mabisyo o tamad mag aral pwes nagkakamali kayo... I just stopped for a reason..
Prof. Reyes: Mr. Cruz, glad your back to school.. So, kelan pa kayo nakauwi?
Ako:(napalingon ako sa tumapik sa balikat ko.. Si Mr. Reyes pala, Professor in philosophy kumpare din ni dad, so i smiled back..) 2 weeks ago po.
Prof. Reyes: kamusta ka naman?
Ako: okay naman po, i'm doing good..
Prof. Reyes: I'm happy to hear that, sige mauna na ko straight ang sched ko ngayon. Ikamusta mo nalang ako sa dad mo.
Ako: sige po.
Joooooosssshhhuaaaa!!!!!!!
Huh!sino nman kaya tong abnormal na toat wagas makasigaw! Huh!nagulat nman ako ng may dumagan sa likod ko..
Jay: Tol! Long time no see! Namiss kita (aktong maluluha) akala ko hindi na kita makikita kahit kelan.. Alam mo naman na bff tayo diba (sabay yakap)
Joshua: Fuck!tol tumigil ka nga.. Get your hands off me. Baka may makakita satin isipin jowa kita. Lakas mong maka bromance e..(si Jay ay bestfriend ko since grade school, never kaming nagkahiwalay ng mokong na yan, nitong nakaraan lang dahil kailangan)
Jay: Tsktsk.. Ikaw na nga talaga yan.. So ano welcome back, haha akalain mo yon sabay pa talaga tayong makakagraduate.. (sabay halakhak)
Joshua: Magkaiba naman tayo ng kaso. (Ssshhhh eto kasing si Jay maloko talaga, chick boy pa, walang hilig sa pag aaral dahil sa ECA naka focus varsity player kasi ng swimming.. At dahil nga bff ko ang kumag khit na magkahiwalay kami e nagkakausap nman kmi through chat, nasabi n nya na 6 units ang binagsak nya..)
Jay: Tara muna sa coffee shop.. Tutal hindi pa naman regular class.. Orientation palang dre..
Joshua: Huh! Lakas mong maka B.I ah.. Tsss may magagawa paba ko..
Jay: Ayos! BTW it's your treat.. Hmmm wala e tag hirap disappointed sila kaya binawasan allowance ko.. Oops teka nga para naman walang nabago it looks the same.. Sshhh fine.
Joshua: (huh!sinamaan ko nga ng tingin) tara na kung anuano pa sinasabi mo dyan..
Sa coffee shop..
Joshua: Namiss kong tumambay dito.. Kamusta na tol ang tropa? May kanya kanya nabang trabaho? (pito kami sa grupo, mas matagal ko nga lang nakasama si Jay)
Jay: Si Tommy, sya na nagtake over ng seafood restaurant nila, si Dave ang alam ko palipad na papuntang Dubai papaparty yun pag paalis na, si Ken ikakasal na yata hindi nakatiis e nabuntis yata si Kate sabagay may negosyo naman sila, Si Vince busy pa sa racing career at Si Loui ayun hayyahay pahinga muna daw palibhasa only son.. Nakakamiss sila noh.. Nobody knows that we would soon be matured enough to take things seriously..
Joshua: tsss ikaw lang naman ang immature, este kau ni Loui..
Sa tapat ng table namin sa hindi kalayuan may grupo ng kababaihan ang masayang nagkukwentuhan, maliban sa isa na nakaagaw ng pansin ko. Habang ang mga kasama nya ay masayang nag uusap, sya naman ay nakatungo parang wala sa sarili na hinahalo halo ang isang tasang kape, bigla kong naramdaman ang lungkot sa mga mata nya nung magtama ang aming mga mata, sa isang banda para akong nakaramdam ng galak, parang isang batang nakakita ng isang magandang bagay hindi ko maintindihan parang may konting pananabik. Parang nakita ko na sya dati.Hanggang sa namalayan ko nalang na pinagmamasdan ko na sya, nabalik lang ako sa ulirat ng mapaso ako ng iniinom kong kape.